CHAPTER 18

137 8 0
                                    

Hindi na nagawang sumagot pa ni Carla sa pagtatanong ni Randy.

Tumayo si Randy mula sa pagkakaluhod at humahakbang papunta kay Carla.

"Patawarin muna ako, Babe oh," hinaing niya sa nobya na sinasabayan ng mga braso niyang nais yumakap sa dalaga.

"Randy! Please! Hayaan mo muna akong mag-isa!" habang itinutulak ni Carla ang kamay ni Randy.

Pero mapangahas si Randy sa ginagawa.

"Pare! Iwanan mo muna si Carla! 'Wag mo ng ipagpilitan pa ang sarili mo sa taong sinasaktan mo lang," sita ni Macky kay Randy, sabay hawak nito sa likuran ni Randy.

Ngunit hindi siya pinapansin ni Randy.

Hanggang sa ediin ni Macky ang palad sa braso ni Randy.

Kaya't walang sabi-sabing hinarap niya si Macky at kaagad inumbag.

"Ikaw ang umalis rito! Dahil ikaw ang sumisira sa pagmamahalan namin!" habang dinuduro ang bumagsak na si Macky.

Tumayo si Macky at mabilis na ginawaran ng sipa si Randy, na sinundan ng malakas niyang suntok, kaya't bumalandra si Randy na tumama naman ang ulo sa sementadong pader at bahagyang nasugatan at dumugo habang unti-unting natutumba sa sahig.

Lumapit si Macky sa lumagapak na si Randy at inaksyonan ng suntok.

"Macky! 'Wag! Tama na! Pabayaan muna siya, dahil lasing lamang siya!" hinaing ni Carla sa kanya.

Tumingin si Macky kay Carla at nang ibalik ang paningin kay Randy ay tumatawa ang huli at mukhang 'di na kayang tumayo, sapagkat halatang napuruhan. Idagdag pa ang epekto ng alak sa kanyang sarili.

"Ambisyuso! Hindi mapapa sa'yo si Carla! Dahil hinding-hindi ko kayo titigilan! Paulit-ulit ko kayong hahadlangan sa pag-iibigan niyo!" mahina't nakakalokong bulong niya kay Macky.

Dahilan upang paulanan ni Macky ng suntok at sipa, dahil 'di niya napigilan ang sarili.

Parang lumilitaw sa kanyang balintataw ang isang eksena.

Galit na galit si Ricky na inuubus ang lakas sa pagsuntok sa mukha ni Johnrey.

"Ahhh! walang hiya ka! papatayn kita!" paulit-ulit na sigaw ni Macky habang walang awang binubugbug si Randy.

Natauhan na lang si Macky nang buong lakas siyang hilain ni Greg, kasama ng kararating lang na si Brix.

Nakita na lamang niya sa harapan ang nakatayong si Carla at hawak siya sa magkabilang kamay ni Greg at Brix na halatang pinigilan siya sa pambububugbug kay Randy.

Isang malakas na pagtulak mula kay Carla ang nagpamulat sa kanyang galit.

"Macky! Wala kang karapatang saktan ng ganyan si Randy! umalis ka rito't 'wag mo na kaming guluhin!" wika ni Carla sa kanya.

"Hooy! si Randy! Mukhang kailangan na siyang dalhin sa hospetal," hesterikal na wika ni Maey.

At magkakasama nilang binuhat ang duguang si Randy na tila nahimatay dulot ng kalasingan at pambubugbug sa kanya ni Macky.

Halos napuno na ng dugo ang mukha ni Randy sa nangyari.

"Hindi ko sinasadya! Patawarin niyo ako!" pero iniwanan na lang nila si Macky sa labas ng appartment ni Carla.

Sumakay na ang anim sa fortuner ni Brix, upang dalhin si Randy sa hospetal.

Na-traffic pa ang magkakaibigan dahil sa grupo ng sasakyang nagkabangga-bangga sa daan, kaya't inabot pa sila ng mahigit isang oras sa daan.

Nagising si Randy at tumingin sa mga taong nakapaligid sa kanya.

"Okay ka lang? im sorry, ahh." wika ni Carla kay Randy.

Labis siyang naaawa sa kalagayan ngayon ni Randy.

"Saan niyo ako dadalhin! Please iuwi niyo ako sa bahay ko!" galit niyang utos sa nagmamanehong si Brix.

"Pero may sugat ka sa ulo mo?" nag-aalalang wika ni Carla.

"E-uwi niyo na sabi ako eh!"

"Sige! We're on the Road, in your home ok!" singit naman ni Gemmah sabay utos sa Boyfriend na dalhin roon si Randy, kaya't hinated na lamang nila ito sa kanyang bahay.

Tulad ng kaugaliang meroon si Randy, isinara niya ang pintuan at walang hinayaang makapasok sa kanila.

Ni hindi niya kinausap o sinasagot si Carla.

"Umuwi na tayo! 'Wag na nating sayangin ang oras sa selosong iyan! Hayyysttt mahanap na nga lang si Bayaw! Dahil kawawa naman sa naging trato mo sa kanya Carla!" wika ni Greg habang nakatayo sila sa labas ng pintuan ni Randy.

Nakasandal naman si Randy sa kanyang pintuan.

"Oh, gamitin mo muna ang kama ko bayaw, at dito muna ako sa sahig," wika ni Greg kay Macky.

Napatitig naman si Macky kay Greg mula sa narinig.

"A... pasensya ka na, kaibigan ko pa pala ang kapated mo he-he." Napapakamot pa siya sa ulo.

"Pero maaari ko bang kunin ang permisyo mo upang ligawan siya?" nakangiti tanong ni Greg.

Ngumiti naman si Macky sa kanya.

"Basta't ererespeto mo lang siya," tugon nito.

"At... salamat pala sa pag-aalala, pero kaya ko naman ang sarili ko," ani Macky.

Kaagad kasing hinanap at kinulit ni Greg si Macky sa Cellphone, kung saan ito naroroon.

Alam niyang nasaktan si Macky sa nangyari at sa naging trato sa kanya ni Carla.

Hating gabi na ng mga sandaling ito...
habang labis ang galit na nadarama ni Macky sa kanyang panaginip.

Walang awa niyang sinasaksak ng paulit-ulit si Johnrey.

Sa loob ng kwarto nito, sa kama mismo ni Johrey at Arlyn, habang sumisigaw si Arlyn at pinapatigil si Ricky.

"Papatayn kita! Hayop ka!"

Bigla na lang siyang napabalikwas ng gising.

"Pinatay ni Ricky si Johnrey? Oo tama!" wika ni Macky sa sarili, ngunit nagtaka siya ng ilingon ang mukha sa kinahihigaang kama.

May dugo, at may matalas na patalim.

Pinulot niya ang patalim, at tinitigan.

"Bakit may dugo at patalim rito?"

Kinabahan siya, at tiningnan ang kinaroroonan ni Greg.
Pero wala si Greg.

Lumabas siya ng kwarto, at ganoon na lang ang gulat niya ng tumambad sa harapan ng pintuan ang nakahandusay na duguang bangkay ni Greg.

ITUTULOY . . . . . .

SOUL OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon