CHAPTER 15

154 9 0
                                    

Tahimik at madilim ang gabi nang mga sandaling ito, habang mahimbing na natutulog si Macky sa kanyang kama.

Mula sa pagkakawala ng kanyang ulirat... ay may unti-unti siyang nauulinigan.

Isang Pangyayari!

Isang madamdamin at sadyang nakakalungkot na nagaganap.

Nakita na lamang niya ang isang lalaking tila hindi na humihinga, habang nakahiga sa may mahabang lamisa na nasa gitna naman ng kakaibang silid na iyon.

Habang yakap siya ng mahigpit ng babaeng nakaupo sa tabi niya, na sinasabayan ng matinding paghihinagpis.

Umiiyak ang babae, at umaagos ang mga luha nito sa dibidib ng lalaking wala nang buhay.

"Mahal na mahal kita Ricky! Hinding-hindi ko kakayaning ipagpatuloy ang buhay ko ng wala ka!"

Madamdaming eksena ng babaeng nakikita't kaharap ngayon ni Macky.

Hanggang sa unti-unting naglalaho ang lugar na iyon, kasama ng dalawang taong labis na nagmamahalan.

Natagpuan lamang ni Macky ang sarili,
sa tila kakaiba.

Maputi ang kapaligiran. May pagka-blurred sa paningin niya. Tila may mumunting usok, at para bang kaluluwa na lang siya ngayon.

'Ramdam na 'ramdam niya ang kakaibang tinitibok ng puso niya sa babaeng tumatakbo palayo sa kanya.

Nagmarka na rin sa isipan niya ang kataga ng babaeng iyon.

"Hindi mo ba ako naiintindihan Ricky! Sabi nang ayaw ko na rito eh! Gusto ko ng bumalik!" wika ng babaeng iyon.

Para kay Macky, Ang sakit-sakit, parang tinarakan ng malaking punyal ang kanyang dibdib.

Kung kailan magkasama na sila't wala ng manggugulo sa kanila rito ay saka naman nagsisisi ang pinakamamahal niyang babae.

Napalitan na naman ang eksenang iyon.

Hinahanap-hanap ni Macky ang babaeng labis niyang iniibig.

Ngunit 'di nyia ito matagpuan.

"Arlyn! Nasaan ka na ba?" pagsusumamo niya.

Hanggang sa masalubong niya ang lalaking duguan. Isa na rin itong kaluluwa sa ngayon.

"iIniwan ka na niya! At kailanma'y hinding-hindi kayo magiging masaya! Dahil patuloy ko pa din kayong guguluin! At sinusumpa ko 'yan!" mabagsik na wika ng lalaking iyon na sinabayan ng malakas na pagtawa.

Nang biglang.

Napabalikwas ng malakas si Macky, habang kabadong-kabado ang kanyang dibdib.

Panandalian siyang napaupo sa kanyang kama.

Nang mahimasmasan ay saka palang niya naalala ng maayos ang mukha ng babaeng iyon.

"S-si Carla iyon! Hindi ako maaaring magkamali!"

At...

Ako ang isang iyon, dahil 'ramdam na 'ramdam ko.

Hindi kaya? totoong nangyari ang lahat ng napapanaginipan ko, at may nakaraan kame ni Carla?" tanong sa sarili ni Macky.

Paikot-ikot si Carla at Maey sa paligid ng Mall.

Kanina pa nila hinahanap ang matandang unang nakapaghula kay Carla.

Pasado alas dyes ng mga sandaling ito, pero wala naman ang matanda rito.

"Ate! Sino po ba hinahanap niyo?" tanong ng batang babae na may hawak na lata, at gutay-gutay ang marumi nitong damit.

SOUL OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon