IJHION Kabanata 7

14.7K 244 5
                                    

FIANCE.


Bawat empliyado na nakakasalubong ko ay binabati ako. Tanging ngiti at tango lamang ang aking tinutugon.

Its been 2 weeks when I came back here in Manila at dalawang linggo na rin akong ginugulo ni Adam.

Oh, speaking of Adam? He is not here, nasa Business Trip siya. Isang linggo narin ang nakakaraan ng umalis siya. Kahit nasa ibang bansa siya tuloy pa rin ang pagsi-send ng mga text at pag tawag sa akin. Kahit nasa ibang lugar siya ginugulo niya pa rin ako. Hays.

He loves playing with me. Act like we had a serious relationship. Pero ang dahilan lang naman nitong lahat. Wala pa siyang nahahanap na ibang babae. Ayon yun.

Naglalakad ako papunta sa parking lot. When my phone suddenly beep. Malapit narin naman ako sa aking sasakyan kaya't mas minabuti kong tumuloy pa rin sa paglalakad.

Pumasok muna ako sa loob ng aking sasakyan bago sinipat ang mensahe na siguradong galing kay Adam.

From: Adam

Honey, I miss you. Take your lunch ok? I'll see you later...

My lips curved into smile when I read his message.

I like it when Adam makes me special. Ngunit may isang tao akong naalala na unang nagparamdam sa akin na espesyal ako. I missed those sweet message that I always received from him when we're still together. When we're still love each other. Noong mahal niya pa ako. Noong wala pang lamat ang amin relasyon.

Ngunit ngayon? Ibang tao na ang nagpaparamdam sa akin kung gaano ako ka-espesyal. Hindi na ang taong una kong pinag alayan ng aking puso. Hindi na ang una kong minahal.

To: Adam

Papunta ako sa malapit na fastfood chain para kumain. Make it faster Adam co'z I miss you too.

Maybe this time, I am sure to myself that I'm falling for him. Hindi ko alam kung bakit ako ganito. Hindi ko alam kung bakit hindi natatakot muling mag mahal ang aking puso.

Siguro dahil pwede pa? Siguro hindi pa tuluyang nawasak ng unang delubyong naranasan ko.

Parang laro lang yan eh. Hanggat kaya pa, Hanggat may isusugal pa. Pipilitin mo pa rin tumaya. Kahit na hindi mo alam kung mananalo ka pa.

From: Adam

You miss me huh? Hahahaha. Then get ready Honey, see you in bed.

To: Adam

Tsk. Pervert!

From: Adam

Hahahhahahahhahah. Charot.

Natawa ako sa kaniyang huling mensahe. Charot? He knows that kind of word? Saan naman kaya niya narinig o nalaman ang salitang yun? Muli akong natawa.  That's cute.

Pinaandar ko na ang aking sasakyan at tumungo sa malapit na fastfood chain.

Agad akong nag-order  ng pagkain ng makarating ako. Pinili kong umupo sa tabi ng transparent glass upang tanaw ang labas. Dumating ang aking order at sinimulan ko itong kainin.

Minsan mas gusto ko ang mga pagkain sa fastfood chain kaysa sa mga restaurant na mamahalin. Siguro dahil madalang lang naman ako makakain sa mga ganitong lugar? Mas madalas sa  mga kilala at high-end restaurant ako kumakain kapag kasama sila mama, mga kaibigan ko, at isama mo narin si Adam. Kapag ako lang mas pinipili kong kumain sa ganito.

It Just Happened In One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon