Chapter THIRTY FIVE [Special Chapter: NikChan (Niko&Chandria)]
-----------
Chandria's POV
New Year's Eve. December 31 na. Bukas ay, 2014 na! Yiehie! Nandito kami sa rooftop ngayon ng Condo Building namin. Ni-rent namin para sa Barkada.
Nag-aayos sila ng mga gagamitin mamaya. Basta inaayos nila yung para sa countdown mamaya.
Nandito lahat except kay Quen. Nasa US nga diba? Haha.
“Okay na! 2014 nalang hihintayin natin” sabi ni MJ
“Oo nga. Hahaha” Kensumi
Kala niyo lang 2014. Dahil 31 ngayon. Meron pa akong surprise mamaya.
“Niko. Gano mo ba ko ka-mahal?” natanong ko kay Niko
“Mahal na mahal syempre. Bakit mo naman natanong?” sagot niya tapos binack-hug niya ko.
“Pano kung patigilin na kita?” tanong ko
Papatigil ko naman na talaga mamaya yan eh. Hahaha! Malalaman niyo mamaya :)
“Ano ba yang mga tanong mo? Syempre matik na yun. Di ako titigil. Kasi nga mahal kita” tapos mas hinigpitan niya pa yung pagkakayakap niya sa akin.
“Hahaha. Kaya mahal kita eh. Na kahit baliw ka, loko-loko ka. Alam kong seryoso ka talaga sa pagmamahal mo sa akin” sabi ko sa kanya
“Ako rin naman eh, kahit ang sungit-sungit mo. Mahal kita” sabi niya naman
“Yieeee! Nawala lang partner ko. Kayo naman ang pumalit sa amin. Haha” pang-aasar ni MJ sa amin.
“Wag ka nga. Hahaha” Niko
“Naiinis! Hahaha” MJ
“Di kaya..” Niko
“Ano?” MJ
“Hindi nga...”
“Ano??” nang-aasar na to si Sis. Hahaha.
“Hindi nga. Ang kulit..”
“Inulet. Hahaha. Ge, baka sabihin nyo panira ako ng moment. Diba Niko? Hahaha”
“Oo nalang..”
“Inis na. Hahaha. Ge na nga. Sis, ikaw na bahala dyan” sabi ni MJ then umalis na
“Naiinis ka?” tanong ko kay Niko
“Ang kulit niyo. Mag-BFF talaga kayo. Haha. Hindi nga” sagot niya
“Ahh. Kala ko eh...”
“Acting lang yun. Ano ka ba. Hahaha...”
“Ikaw talaga.” then niyakap ko siya
“Ang sweet mo nanaman”
“Edi wag na. Ayaw mo ata eh” then bumitaw na ko sa pagkayakap ko sa kanya. Pa-sungit lang. Haha.
“I love you BabyLabs” sabi niya
“I love you too, BabyLabs”
------
[11:00 PM]
“One hour to go!” sigaw ni Kensumi
Nandito kaming lahat sa rooftop. Kasama ko si Mommy.
May Videooke, Table sa gitna, mga pakain, lights sa paligid, then firecrackers para mamaya.
“Chandria! Halika dito. Ikaw naman ang kumanta dito!” sigaw ni Mommy. Nakikisaya ba naman dun sa lima.
BINABASA MO ANG
Destiny [*On-Hold*]
RomanceDestiny decides who you meet in life, but it's your heart that decides who will stay inside :) ---------------- Paano nalang kung yung taong mahal mo ngayon? Minahal mo na pala dati? Nagkita na pala kayo dati... Anong gagawin mo? ............... Fir...