Chapter FIFTY TWO

29 0 0
                                    

 52

Quen's POV

"Quen. Pleas--" nagulat ako nang tinanggal ni Celine yung tali sa kamay ni Lance

"Bakit mo ginagawa to ha?" sabi ko

"Sorry..." tapos unti-unti na siyang umalis.

Nakatayo na si Lance. Tatanggalin na niya sana yung tali sa kamay ko nang biglang narinig naming sumigaw si Celine "WAG DAD!!" Nandyan na siguro yung demonyong tatay niya.

"Bilisan ko brad.." tapos mabilis niyang tinanggal yung tali sa kamay ko at pagkatanggal, tatanggalin ko na sana yung tali sa kamay ni MJ nang biglang may pumutok na baril at sirens ng police mobile.

"Puta!" narinig naming sigaw ni Tito Cedric. Naaninag na namin yung mukha niya.

"Mr. Hernandez! Sumuko na kayo! Napapaligiran na namin kayo!!" narinig naming sigaw ng police.

"Hinding-hindi ako susuko. Magkamatayan na!" Sigaw ni Tito Cedric tapos tumakbo na siya malapit sa amin.

"Quen! Lance!" Sigaw niya

"Isa…"

"Dad wag na!!" pagpigil ni Celine

"Dalawa.." Tito Cedric

Napakawalan ko na si MJ at humarap kami sa kanya..

"Ang titigas nyo ha??" tapos ikinasa niya yung hawak niyang baril.

*gun shot* Di naman inaasahan na babarilin niya si Lance.

"Lance!!" sigaw namin, pati si Celine

"Dad.." tapos nakita kong inaagaw ni Celine yung baril. Pinuntahan naman namin si Lance na nakahiga.

"Brad?! Ayos ka lang?" ako

"O--o medyo nadaplisan lang" sabi ni Lance tapos nakahawak siya sa sugat niya.

"Mj. Umilag ka!" sigaw ni Celine tapos nakita kong nakatutok yung baril kay MJ at babarilin na niya si MJ kaya't itunulak ko siya at sinalo ko yon...

*boom*

"QUEN!!" narinig kong sigaw nila and then all things went black....

~~~

MJ's POV

"QUEN!!" sigaw namin. Binaril niya si Quen! Binaril niya... Lahat kami nagulat dito. Ako dapat ang babaralin niya pero itinulak niya ako at sinalo nya yon.

Agad naman akong pumunta sa pinagbagsakan niya. Wala na akong paki kung barilin niya man ako. Ido-donate ko nalang buhay ko kay Quen.

"Quen.. *sniff*" inaalog-alog ko siya...

"MJ. Tandaan mo, kahit a-anong m-mangyari ma-mahal n-na m-mahal kita" pinilit niya pang makapagsalita kahit hinang-hina na siya. Natatakot ako.

"Lumaban ka Quen! Quen naman e. Quennn! Lumaban ka!" humagulgol na ako dito.

"W-wag m-mo ako kakali-mutan ha? I-love-you" natatakot ako sa mga sinasabi niya :(((

"And drama nyo! Magsama na kayo!" sigaw ni Tito Cedric, kaya pumikit nalang ako dahil alam kong babarilin niya na rin ako.

Hinawakan ko yung kamay ni Quen..

*gun shot sound*

~~~

Chandria's POV

Papasok na kami ng may marinig kaming isa pang putok. Nako! Baka kung ano na ang nangyari..

"QUEN!!" Narinig namin sigaw ni MJ.

Napatakbo na kami sa may bandang dulo, nauuna naman ang mga police e.

"-Magsana na kayo" narinig naming sigaw ng tatay ni Celine.

At naaninag namin na walang malay si Celine at Lance tapos si Quen nakahiga narin at may dugo. Oo, dugo. May dugo silang lahat. Ano ha nangyari? Si MJ naman nasa tabi ni Quen. Umiiyak at nakita naming tinutukan ng baril si MJ at napapikit nalang si MJ.

*gun shot sound*

Tumumba na ang tatay ni Celine. Binaril na kasi siya ng mga police. Naunahan siya ng police. Dapat kanina pa e. Ang bagal kasi kumilos ng mga to. Then, nawalan na ng malay si MJ.

Agad kaming nag-tungo sa kanila, na nakahandusay. Nakita namin na may tama ng baril sila Quen at Lance. Kanya-kanya kami ng pinuntahan. Pumunta ako kila MJ at Quen.

"Napuruhan si Quen.." sabi ni Niko, kinapa ko naman yung pulso ni Quen. At sa awa ng Diyos...

"Meron pa Niko... Buhatin mo na.." sabi ko at agad na binuhat ni Niko si Quen. At nakita kong patakbo na sila Tito Jeric papunta dito.

"Anong nangyari??" nag-aalalang sabi nilang apat.

"Mahabang storya po.. Nabaril po si Lance at si Quen. Si Quen po yung napuruhan. Dinala na po sila sa Ospital nila Niko at Kensumi" paliwanag ko

"Saang hospital? Tara na..." Sobrang natataranta na silang apat.

"Paano to si Celine?" Tanong ko..

"Isama mo narin siya.. Tara na" sabi ni Tita Lanie. Tapos binuhat na nila si Celine at Mj.

Nagdrive na kami papuntang hospital. Habang nasa biyahe. Naisip ko, sa movie ko lang napapanuod ang nangyayari ngayon. Tragic love story nga ba ang tema ng kwento nila Mj at Quen? Kasi si Quen, maaring nasa ICU na at 50/50 or sa coma stage. Si MJ naman hindi namin alam kung anong mangyayari sa kanya pag mumulat siya. Haysss... Sana naman maging maayos na ang lahat. Ilang minuto lang ay nakarating na kami ng Hospital. Ayun, si Quen, kasalukuyang inooperahan. Si Lance, MJ at Celine, nasa Emergency Room.

Lumabas muna kaming lahat ng E.R. Naiwan dun sila Tito at Tita. Magkatabi lang naman ang E.R. at Operating Room.

"Ang hard mga pare." si Niko unang nagsalita

"May nagawa ba silang mali para parusahan sila ng ganyan?" Kensumi

"Si Celine, oo. Pero hindi naman siguro ganun yun. Pagsubok lang to." Niko

"Pagsubok? Hindi mo alam kung mabubuhay pa yung tatlo?" sabi ko.

"Mabubuhay sila Chandria. Hinding-hindi mangyayari yung iniisip mo BabyLabs. Trust lang tayo kay God. Nothing is imposible with him. Anytime pwedeng may mangyari na miracle. Tiwala lang talaga." sabi ni Niko.

"Sana nga. Tara sa Chapel. Pag-pray natin na maging maayos na ang lahat."

Destiny [*On-Hold*]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon