Chapter 1: Kalokohan!

278 9 1
                                    

JIHYE'S POV

Nakatambay na naman kami dito sa favorite Korean Stop nang squad! Well nandito kami dahil sa isang promo! Haha! May raffle promo kasi ang store na 'to, trip to Seoul Korea for 5! Oh diba! Di naman kami umaasa, nagbabakasakali lang haha! Isa sa mga greatest dream nang barkada ang pumunta ng Korea. Ambisyosa na kung ambisyosa! Ano ba ang masama diba? Haha!

"Oh mga besseu! Nakamove on na ba?" Si Rille pagkatapos uminom nang chocolate drink na inorder niya. Malamang alangan naman kukunin niya lang dun diba! Tanga lang!

"Tangina naman kasi! Ilang beses akong nanganak sa Araneta, yung last cesarian pa." Ako haha! Its been a week nang bumisita ang EXO sa Pinas para sa 2 night concert nila with the title Exordium. Kami pa ba? Magpapahuli? Never! Umuwi nga ako from Dubai para lang sa concert na 'to nuh, and I'm thinking na manatili nalang dito for good.

"Haha! Antaray! Kinaya mo? Jusko naman kasi paggumiling yang asawa mong si Sehun eh, mapapabuka mga hita mo talaga eh haha." Si Rain! Naku hindi talaga magpapahuli ang pashneyang 'to pagdating sa kalandian.

"Kayanin siyempre! For the sake of our children." Ako haha! Well its obvious na ultimate bias ko si Sehun, ang hot kasi niya eh, well silang lahat hot pero.... Ah basta haha.

"Hay naku! Nagtatatahol na naman 'tong mga aso sa facebook!" Naiinis na sabi ni Rille.

"Well! Wag ka nang magtaka! Di ka na nasanay! Hayaan mo nalang, mapapagod din ang mga yan." Ako. Wala naman kasing sense kung papatulan pa diba? Lalaki lang ang gulo.

"Mis na mis ko na sila." Si Saph. Sapphire kasi pangalan niya, Saph nalang para madali, nakakapagod kaya magtype, try niyo minsan.

"Hoy mga beks! Totoo bang last concert na nila dito next year?" Si Rain.

"Sad but true! Kasi nga diba about dun sa pagsali ni Xiumin sa military! Maybe magcoconcert pa sila ulit, pero malabo nang umabot sila dito." Ako! Parang gusto kong umiyak, eh kasi naman eh, as a fan simula nung una masakit yun kaya.

"Pero kahit anong mangyare di naman tayo titigil sa pagsupport diba?" Si Saph.

"Oo naman! Lalo na ko! Kahit umalis na sa grupo ang ultimate bias kong si Lulu, support pa rin ako nuh, alam ko kasing ganun ang gusto ni Lulu." Si Rille. Si Luhan ang ultimate bias niya, kahit umalis na si Luhan sa EXO di sya tumigil sa pagsupport, ngayon si Lay na ang bias niya haha! Malande nga din kase haha!

"Isa tayo sa mga saksi sa mga hirap na pinagdaanan nila, sila nga naging matapang eh, dapat tayo rin."

"Yes!" Saph.

"Tama!" Rille.

"Trow." Rain! Wengye! Jejemon ang bruha haha!.

"Teka! Nasaan ba si Ronnie? Missing ang bakla?" Si Rille. Kasi everytime na magkikita ang barkada palagi siyang present.

"Tawagan ko na ba?" Si Rain.

"Wag! Nakalimutan niyo na ba? Death Anniversary ni Tita ngayon, yung mama niya! So hayaan na muna naten siya, isang araw lang naman eh, at nagpaalam siya saken kagabe pa, dahil buong araw daw sila nang papa at kuya niya dun sa puntod nang mama niya." Ako! Well hahayaan ko na si Beks ang magkwento about sa mama niya hehe! Pero bilib na bilib ako sa baklang yun, pati kay Tito at Kuya Nathan. Napakatatag nilang tao. Si beks ang isa sa pinakamatatag na tao na kilala ko. Kasi hanggang ngayon lumalaban pa rin siya despite nang sitwasyon niya.

RONNIE'S POV

Nandito kami ngayon sa sementeryo para ecelebrate ang Death Anniversary nang mama ko! Namatay siya 2 weeks after niya 'kong ipinanganak. Minsan di mawala saken na sisisihin ang sarili ko sa pagkamatay niya, nagkaraoon siya nang komplikasyon, ayon sa kwento ni papa, bago pa man ako pinanganak sinabe na nang doctor na delikado ang panganganak ni mama, at ibinilin ni mama kay papa, kahit anong mangyare unahin daw yung kapakanan ko, kahit buhay niya pa ang kapalit. Hindi ko siya nakasama! Tanging sa mga litrato ko lang siya nakikita. Ni isang beses, o kahit sandali hindi ko naranasan magkaroon nang isang ina. Aminin ko man o hindi, naiinggit ako sa mga taong kasama ang mga mama nila. Pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat, kung bakit nawala siya, kung bakit nangungulila sila Kuya at Papa ngayon, paano kaya kung ako nalang ang nawala? Palagi yan pumapasok sa isip ko, di niyo din ako masisisi kung bakit!

{DYOSUGH Series 1}My EXO-Ls HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon