Simula:
Isang malakas na suntok ang naramdaman kong tumama sa aking mukha kaya napaatras ako.
“Eh, lampa naman pala ‘to eh! Tapusin na natin!”
“Huwag kang magmadali. Mukang napalakas yata ang suntok mo.”
“Dapat lang!”
Napahawak ako sa aking pisngi habang nanghihina at nararamdaman ang sakit na kanilang ginawa.
Nagsisimula nang magdilim ang aking paningin at mawalan ng pandinig sa sobrang lakas ng pagkakatama sa akin.
“Hindi ako mahina.” Ang parating tumatatak sa aking isipan pero hindi ko pa rin magawang lumaban at maipagtanggol ang aking sarili.
Ang puso ko mismo ang pumipigil kaya hindi ko magawa.
“Lumaban ka kung gusto mo! Tignan natin ngayon kung saan aabot yang lakas mo. May laban ka?!” sabi nang isang lalaki at mabilis niyang hinawakan ang kwelyo ko sabay itinulak.
Napahiga ako sa damuhan at nakita ko pa rin sila na pinagtatawanan ako pati na rin ang mga estudyanteng nandirito at pinagtitinginan ako. Pero sigurado akong meron paring mga tao kahit konti na gustong tulungan ako.
Hindi ko na lamang sila pinansin kahit pinagbabato nila ako ng iba‘t ibang bagay. They treating me like a trash.
Nakatingin lang ako sa langit. Alam kong nakikiayon sa akin ang panahon at nalulungkot para sa akin.
Bago sila umalis, pinadyak ako ng isa pang lalaki sa tiyan... Hinintay ko na munang mabawasan ang sakit na aking nararamdaman bago ako tumayo hanggang sa makaalis na silang lahat....
•~•~•~•~•
BINABASA MO ANG
The Weirdo's Persistence
SachbücherAng istoryang ito ay tungkol sa isang naiibang estudyante. This will show you kung paano iba-iba ang ugali ng mga tao. Through his different personality, naranasan niya ang pagtrato ng ibang tao sa kaniya. Pero nagpatuloy siya. He still remain uniqu...