Chapter Two

66 15 24
                                    

Keiro ‘The Weirdo’ Hartwell

           Dahan-dahan akong lumapit sa malaking salamin malapit sa pintuan ng classroom namin habang may nararamdaman akong makirot sa aking muka na parang may tumutubo. Ako lang mag-isa ngayon sa 5th floor ng building namin sa eskwelahan. Alas-otso na ng umaga.

           Nang makalapit ako ay tinitigan ko ang aking magkabilang pisngi. Napansing kong marami na pala akong dots na parang tinuldukan ng kulay red na pentelpen. Hinawakan ko naman ang mapula kong Ilong at lubhang napakasakit nito. Parang may tumutubo na kung ano. Mayroon ding maliliit na parang butlig sa forehead ko. Siguro parte lang ito ng aking pagbibinata. Seventeen palang ako kaya siguro nagkakaroon na ako ng breakout sa skin. ‘Yung labi ko naman sobrang mapula, parang pisngi ko lang. Ang buhok ko sobrang flat na nakaside, hindi kagaya ng iba na sobrang taas. Tapos yung katawan ko, medyo payat. Hindi ko nga alam kung gwapo ba ako o hindi? Atleast, hindi ko sinabing panget ako diba.

        Habang nagsasalamin ako, nagulat ako ng may biglang humawak ng pwet ko at hinimas ito. “Oy Keiro! May gusto daw kumausap sayo! Tara samahan mo ako!” Si Leina nga pala, isa sa mga close ko sa classroom. Napakaganda niya pero lagi niya akong binubully at pinagti-tripan. Medyo mabait siya pero hindi ko alam kung kaibigan ko siya, kasi lagi niya akong ikinukuwento sa mga kasama niya.

           “Pero sino ba?” Hindi pa niya sinasagot ang tanong ko, nakangiti na siya. Mabilis niyang hinila ang neck-tie ko na halos masakal ako kaya sinamahan ko na siya. Wala rin naman akong magagawa kasi pipilitin niya rin ako. Tumakbo kami pababa nitong building habang hawak-hawak parin niya ang neck-tie ko.

        Nang makababa na kami, nakita ko agad si Emma at nakuha niya ang attention ko. Para bang nagliwanag ang paligid ko nang makita ko siya. Crush ko na siya noon pa. Bukod sa napakaganda niya, sobrang bait niya at mahinhin. Katulad niya ang tipo ko sa mga babae, yung simple lang kung kumilos. Lumapit siya sa akin habang nakangiti at may dala-dalang kamera na nakasabit sa leeg niya.

            “Hi Keiro! Pwedeng pa-picture?” sabi niya at hinawakan ang braso ko. Hindi ako makatingin sa mga mata niya kaya nakatingala ako habang nakangiti at medyo kinikilig.

            “Sige na Keiro! Pumayag kana!” sabi ni Leina na nasa likod ko. Bigla niya naman akong kinurot sa pwet. Sa pagkakabigla ko, napadikit ako kay Emma.

           “Osige, pero isa lang ah.” Aayawan ko pa ba si siya? Siyempre hindi. Binigay niya sa ‘kin ang kamera niya at kinuha ko naman ito.

          Ipinuwesto ko na ang kamera sa harapan ko. Magpo-pose na sana ako kasama si crush, pero---

          “Hindi tayo Keiro, magpapa-picture kami ng mga kasama ko, pasensiya na.” Nakangiti parin siya sa harapan ko kahit alam kong napahiya na ako.

          “Ah ganun ba.” Akala ko pa naman magpi-picture kaming dalawa. ‘Yun pala, ako ang magpi-picture sa kanila. Medyo nakakalungkot, pero okay lang.

           Pumwesto na silang magkakaibigan pati na rin si Leina malapit sa garden.

           Pumwesto na silang magkakaibigan pati na rin si Leina malapit sa garden

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Weirdo's PersistenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon