When you are aloneSa mga sandaling ito, naglalakad ako sa daan at kasama ko si Elise. Sabado ngayon pero may pasok ako. Nag-gagabi na pero hindi pa rin ako nakakarating sa bahay. Mabagal talaga kasi ako kung maglakad.
Tuwing iniisip ko yung nangyari kahapon, nalulungkot pa rin ako nang sobra. Buti nalang at nabawasan na ang mga nambu-bully sa akin, dahil ‘yung iba nasuspend na.
“Oy Keiro! Bilisan mo nga ang paglalakad mo. Madilim na at baka may sumunod pang ligaw na kaluluwa sa ‘tin,” sabi ni Elise habang hawak ang kaniyang magkabilang braso at nilalamig.
“Sige na nga. Baka mangyari pa yang mga sinasabi mo.”
Nilakihan ko na ang aking pag-hakbang para mabilisan ang paglalakad ko.
Habang naglalakad kami at umiihip ang napakalakas na hangin, bigla nalang namatay lahat ng ilaw sa poste. Dahan-dahan kaming nagtinginan ni Elise habang nanlalaki ang aming mata, sabay takbo.
Patuloy lang kami sa pagtakbo dahil hindi namin alam ang daan patungo sa bahay. Sobrang madilim na kasi sa paligid at wala na akong makita.
Hanggang sa mapatigil ako nang mauntog ang aking ulo sa isang kahoy na pader, kasabay nito ang pagsindi ng mga ilaw sa daan. Hindi gaanong masakit ang pagkakauntog ko sa ulo, at hindi ito dumugo dahil nag-bounce lang naman ako.
Nang magkaroon na ng ilaw ay hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa tapat ng bahay namin. Nangangiti pa rin ako kahit nararamdaman kong lumalaki na ang bukol sa noo ko.
Agad na akong pumasok sa loob at dahan-dahan kong binuksan ang pinto sa harap ng bahay namin. Nakasindi ang ilaw kaya alam kong nandito na sina mama at papa, pati narin siguro ‘yung kapatid ko.
Pagpasok ko ay nakita ko si Kian. Nasa lamesa siya sa kusina habang may ginagawa. Mukang nagsusulat siya. Kaya nilapitan ko naman siya at kinausap.
“Hi Kian! Kasama mo ba sina mama at papa?” sabi ko at umupo sa tabi niya.
“Oo kuya. Nandoon sila sa loob ng kwarto at mukang may pinag-uusapan.” Nginitian niya ako ng napakalawak, at may nakita akong maitim na nakadikit sa ngipin niya.
“Kumain ka ba ng chocolate?” patataka kung tanong habang tinitignan siya.
Bigla niya namang pina-ikot ang mga mata niya habang nakahawak sa kaniyang pisngi. Paraan kasi niya ‘yan ng pag-iisip.
“Oo kuya kumain ako. Sobrang napakasarap nga eh, gusto mo?” Nakangiti parin siya at binigyan niya ako ng isang piraso, kaya kinuha ko naman ito sa kamay niya.
Nakita kong nakabukas na yung plastic ng chocolate na ibinigay niya kaya agad ko na itong isinubo.
“Masarap ba kuya?” nakatingin pa rin siya sa akin habang nag ti-twinkle eyes. Napaka cute niya, gusto ko siyang kurutin pero ayaw niya ang ginaganon.
“Oo naman. Medyo may nalalasahan lang akong kakaiba. Pero, kanino ba galing ‘to?” Nginunguya ko pa rin ang chocolate na bigay niya.
“Galing sa bibig ko. Salamat kuya at nagustuhan mo.” sagot niya, sabay tumawa. Hindi ko na inalis ang chocolate sa bibig ko dahil nalunok ko na. Masarap naman.
Pinagpatuloy lang niya ang kaniyang pagsusulat, at ako naman sinubukan kong puntahan sina mama at papa para komustahin. Hindi ko kasi sila madalas na makasama dahil lagi silang nagta-trabaho, pero naiintindihan ko naman kung bakit nila ginagawa iyon, para sa amin ng kapatid ko. Magkaiba ang trabaho ng mga magulang pero parehas sila ng pag-alis at pag-wi. Kadalasan, nakakauwi na lang sila kapag hating gabi na at tulog na kami. Pero ngayon, hindi ko alam kung bakit maaga silang nakauwi.
Naglalakad palang ako papunta sa kwarto, naririnig ko na ang mga boses nila.
Bubuksan ko na sana ‘yung pinto ng kwarto nang marinig kong medyo lumakas ang boses ni mama. Nararamdaman ko na parang nag-aaway sila, pero hindi halata sa kanila dahil parang normal lang silang nag-uusap. Ang itinuro kasi ng mga magulang ko sa amin, maging mahinahon kapag nag-uusap, kaya hindi masyadong maingay sa amin kapag may nag-aaway, dahil alam naming kontrolin ang aming sarili.
Naisipan kong huwag nalang buksan ang pinto dahil baka maistorbo ko pa sila. Mabuti nalang at hindi alam ni Kian na nag-aaway ang mga magulang namin.
Hihintayin ko na lamang silang lumabas at papasok nalang muna ako sa kwarto ko para makapag pahinga na rin.
Medyo nanghihina pa rin kase ako at nalulungkot. Hindi ko lubos na maiintindihan kung bakit madalas akong nakakaramdam ng ganito. Parang hindi pa ako kumpleto. Masaya naman ako sa mga ginagawa ko at laging nakangiti sa ibang tao, pero alam ko sa loob ko na malungkot ako.
Humiga na ako sa kama ko matapos buksan ang mga bintana sa taas ng aking silid. Napaka tahimik din dito sa loob ng kwarto kaya nagpatugtog ako ng magandang musika, lullaby.
Tanaw ko mula rito ang mga maliliit at kumikinang na mga butuin sa langit. Napakaganda nilang pagmasdan habang nakahiga lang ako. Para bang napakapayapa ng lahat. Pinagdarasal ko na sana payapa din ang mundo.
Maraming mga magagandang bagay na pumapasok aking isipan habang pinagmamasdan ko lang ang kalawakan.. Napakasaya siguro ng mundo kung ang lahat ng tao ay bukas ang isipan sa kabutihan ng lahat at walang gumagawa ng masama. Para bang maraming mga makukulay na bulaklak sa isang lugar habang masaya at nagtutulungan ang lahat kasabay ng pagsikat ng araw. Sana lahat ng tao sa mundo, kagandahan lang ang nakikita, walang mga taong nanghuhusga, at may mga naniniwalang merong pag-asa sa kabila ng pagsubok na kinakaharap sa buhay at may pananalig sa itaas. Pero alam kong hindi perpekto ang mundong aking ginagalawan. Medyo madrama kung iisipin, pero totoo.
Maya-maya pa ay hindi ko na namamalayang tumutulo na pala ang sipon ko sa ilong habang napapaluha kaya pinunasan ko muna ito gamit ang hawak kong panyo. Inilabas ko lang lahat para hindi na bumarado pa sa ilong ko.
Nakahiga ako ng may biglang kumatok sa pintuan. Mabilis naman akong tumayo at binuksan ito.
Nang mabuksan ko na ay nakita ko si mama na nakangiti sa akin at nginitian ko rin siya.
“Pwede bang pumasok anak?” sabi ni mama.
“Siyempre naman po.”
Naupo kaming dalawa ni mama sa kama at nag-usap kami.
“Komusta ang iyong pag-aaral anak? Wala bang nang-aaway sa ‘yo?” tanong sa ‘kin ni mama habang magkatabi kami.
“Mabuti naman po kahit papaano, at chaka matanda na rin po ako. Kaya ko na po ang sarili ko.” nginitian ko si mama.
Mama's boy kasi ako kaya komportable ako kapag kasama at kausap ko siya.
“Pagpasensyahan mo na kami ng papa mo ah. Lagi kasi kaming busy sa pagta-trabaho at nawawalan na kami ng oras sa inyong dalawa ng kapatid mo. Pinapangako namin na sa susunod na araw, babawi kami.” Hinawakan naman ni mama ang kamay ko.
“Naiintindihan ko po ma, ginagawa niyo ito ni papa para sa amin. Kaya okay lang po.”
“Napaka-swerte ko talaga sa inyo ng kapatid mo dahil lumaki kayo ng mabuti. Huwag ninyong kakalimutan na mahal na mahal namin kayo.”
“Mahal din po namin kayo. Salamat sa lahat ma,” sagot ko naman.
Pagkatapos ay nagyakapan kami. Gumaan naman ang pakiramdam ko kahit papano. Lagi talaga akong magpapasalamat dahil nagkaroon ako ng mga magulang katulad nila.. ‘I love you mama, papa...’
BINABASA MO ANG
The Weirdo's Persistence
Non-FictionAng istoryang ito ay tungkol sa isang naiibang estudyante. This will show you kung paano iba-iba ang ugali ng mga tao. Through his different personality, naranasan niya ang pagtrato ng ibang tao sa kaniya. Pero nagpatuloy siya. He still remain uniqu...