Chapter Nine

29 4 1
                                    


“May itatanong lang sana ako. Alam mo ba kung bakit nagkakagulo ang mga estudyante?” seryoso kong tanong kaniya. Gusto ko lang malaman dahil sa na c-curious ako sa mga nangyayari.

“Ay naku! Kawawa 'yung babae. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya tinitigilan. Ang nakalap kong balita, hindi raw niya ginawa 'yung pinapagawa nila. Kaya 'yun, pinahiya na siya ngayon sa harapan ng marami. Anak daw nung mayor 'yung leader ng grupo kaya walang nagtatangkang pigilan sila.”

“Kilala mo ba kung anong grupo sila?”

“Grupo sila ng mga babae. Halos kinakatakutan din sila ng mga babae kagaya ko. Kaya nga iniiwasan ko sila eh. Baka kasi ano pang ipagawa at gawin nila sa akin. Ayokong mapahiya noh!”

“Eh, 'yung babae? Anong pangalan?”

“Yung napagdiskitahan nila? Sandali lang hah, ba't ba gusto mong malaman? Hindi ba't  hindi ka naman interesado sa mga ganito? Kasi 'yun ang pagkakakilala ko sa'yo. Ano?”

Tinignan naman niya ako. Mata sa mata habang nakabukas ang bibig niya at nanlalaki ang mga mata.

Napayuko naman ako. “Eh kasi, hmm. Bigla nalang kasi akong kinabahan. 'Yun lang talaga.” ngumiti naman ako sabay kamot sa ilong ko.

“Sige na nga. Sabi ng mga kasama ko, ang pangalan nung babaeng pinagdiskitahan ng grupo ng mga babae ay si..... Sino nga kasi? Hmmm.... Si...si...si... Grace.... Gracie Flores! 'Yun. Buti nalang natandaan ko siya. Kilala mo ba siya?”

Matapos kong marinig ang pangalan niya, biglang nanlaki ang butas ng ilong ko at nagulat. Bakit si Gracie pa? Mabait naman siyang tao at kaibigan ko siya. Kailangan ko siyang puntahan ngayon. Alam kong kailangan niya ng tulong.

“Pasensiya na Suni. Aalis na muna ako. Magkita nalang tayo mamaya!”

Nagmadali kong kinuha 'yung bag ko. “Sandali lang! 'Yu...yung-----”

Mabilis akong tumakbo at bumaba para mapuntahan na siya. Habang tumatakbo ako, naisip kong, “Nasaan kaya sila?” Sa laki ba naman ng building na 'to. Hindi ako aabot kung iisa-isahin ko ang mga room dito. Kaya babalikan ko ulit si Suni para itanong ko sa kaniya kung saan.

Nang mapabalik na ako, agad ko nang nilapitan si Suni at sinabing, “San nga ba 'yung babae?!” medyo hinihingal kong tanong.

“Sabi ko na nga ba eh, babalik ka. May sasabihin pa kasi ako, umalis ka na agad. Nasa 3rd floor sila, room 308. Medyo malayo 'yun, pero mag-ingat ka kung sakaling tutulungan mo 'yung babae. Kilala kita, paganahin mo muna ang isip mo ah.”

“Sige, salamat! Mauna na ako!”

Mabilis na akong tumakbo para pumunta sa 3rd floor, 30..? Ano nga kasi 'yung last number? Sa sobrang taranta ko, nakalimutan ko na. Shorter memory lang kasi ang meron ako.

Nakababa na ako sa 3rd floor pero hindi ko pa rin matandaan ang number ng room. Mabuti nalang at nakarinig ako ng ingay at sinundan ko 'to. Nasa harapan na ako ng room 308 kung saan nanggagaling 'yung ingay at kinakabahan na ako. Napakalakas ng ingay na naririnig ko kaya agad na akong pumasok.

Pagpasok ko ay nakita ko si Gracie na nakahiga sa sahig at gulong-gulo 'yung buhok. Pinagtatawanan siya ng mga estugyante at sinisigawan ng grupo ng mga babae habang binabato ng iba't-ibang klase ng bagay. Bigla akong naawa ng makita ko ang ginagawa nila sa kaniya, at wala man lang gustong tulungan siya. Kaya nilakasan ko ang loob ko para lapitan siya at tulungan. Wala na akong pakialam kung anong iisipan nila. Kailangan ko silang tulungan dahil kaibigan ko siya, at hindi ko hahayaan ang sinuman na tratuhin siya ng ganito.

Nang pagkalapit ko ay biglang tumahimik ang lahat. Agad kong hinawakan ang braso ni Gracie at itinayo.

“Huwag ka nang mag-alala, makakaalis din tayo rito.” bulong ko sa kaniya.

Nakita ko ang muka niya habang umiiyak. Mas lalo pa akong naawa sa kaniya.

“Salamat Keiro. Buti nalang dumating ka.” sinisipon niyang sagot.

“Who the hell are yoo? Sino 'tong mukang payaso na 'to? Kilala mo ba kung sino ako?” malakas na sigaw ng isang babae sa harapan ko.

“Oo, kilala kita. Estudyanye ka rin dito diba?” sagot ko naman. Pero hindi ako nagmumukang matapang o siga. Muka pa rin akong lampa.

Biglang nainis 'yung babae at bigla nalang akong pinagbabato ng mga kasama niya ng hindi lutong itlog. Kaya nabasag ang mga iyon sa katawan ko. Nasa likod ko naman si Gracie kaya hindi siya natamaan.

“Pwede bang tumigil na kayo? Hindi tama ang ginagawa niyo.” Biglang nagtawanan ang mga kasama nung babae maliban sa mga estudyanteng nanonood.

“Wala kang karapatang utusan ako. You are just a student here na mukang payaso!” Bigla niya nalang ibinuhos 'yung harina na hawak niya sa mukha ko. Patuloy pa rin nila akong pinagtatawanan.

Itlog, harina? Ano 'to? Ipi-prito nila ako ng buhay?

“Wala rin kayong karapatang manakit ng iba. Tao rin kayo, nasasaktan.” sagot ko naman.

Biglang tumahimik ang lahat matapos kong sabihin iyon. May mga tao talagang mas pinipiling gumawa ng masama kesa gumawa ng mabuti. Katulad nila ang mga taong mataas ang tingin sa srili nila kaya nagagawa nilang manakit. Hindi ko naman sila maaring husgahan dahil hindi ko sila kilala. Pero sa pinapakita nila, iba ang tingin ng mga tao sa kanila.

Hindi makapagsalita ang babae at akmang ihahampas niya sa akin ang hawak mabigat na bagay, pero hindi natuloy. Mabuti nalang at agad na dumating ang mga security guard at isinama sila papuntang office. Siguradong makakarating din sa principal ang ginawa nila.

“Bitawan niyo nga ako!” pagpapalag nung babae. Bago sila umalis, nakita kong tinignan muna niya ako ng masama.

“Wala kanang sapat alalahanin, magiging okay ma lahat.” sabi ko, at nginitian niya ako. Pagkatapos ay inalis ko na siya rito upang dalhin sa clinic. Nakita ko kasi ang kamay niya na may sugat.

Ilang minuto ang nakakalipas. Habang naglalakad kami, napansin kong nakatingin lang sa akin si Gracie habang nakangiti. Hindi ko malaman ang dahilan.  Nararamdaman kong namumula ang pisngi ko dahil sa ginagawa niya.

Maya-maya, napatigil kami sa paglalakad  ng bigla niyang hawakan ang balikat ko. Napatingin naman ako sa kaniya at nagkatitigan kami. Natatawa lang siya habang tinitignan ako. Alam kong puno ng harina ang mukha ko kaya hindi halatang namumula ang pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya.

“Pasensiya na, dahil sa 'kin nadamay ka pa.”  seryosong sabi niya at ngumiti naman ako.

“Wala kang dapat hingin ng pasensiya. Ako naman ang nagdesisyong tulungan ka eh. Hindi ko pinagsisisihan 'yon.” sagot ko naman.

“Salamat Keiro. Masaya ako't naging kaibigan kita.”

Kumuha siya ng panyo at hindi ko inaasahang pupunasan niya ang mukha ko.

Lalong nagkalapit ang mga mukha namin kaya hindi na ako nakagalaw pa. Pinilit kong hindi kiligin kahit nakikita ko ang magagandang mata niya. Hinayaan ko na lamang na punasan niya ako dahil gusto ko rin ang ginagawa niya....

The Weirdo's PersistenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon