Konsensya
Six o'clock ng umaga nang magising ako dahil sa tahol ng aso sa aming kapitbahay. Ang pangalan niya ay Desiree. Ako ang nagbigay ng pangalan sa kaniya kasi hindi siya pinangalanan ng mga amo niya.
“Good morning Keiro!” Nakangiting bungad sa ‘kin ni Elise. Kasama ko siyang natulog kaso dun siya sa ibaba at nasa itaas naman ako.
“Magandang umaga rin!” sagot ko naman.
Dali-dali akong tumayo sa higaan ko kahit hindi ko pa mamulat ang mga mata ko. Maaga pa kasi ang pasok namin ngayon, at ayokong mahuli sa klase. Hindi na kasi si Sir Borrie ang teacher namin para ngayong araw.
Nagsuklay muna ako sa harapan ng salamin at nag-ayos ng konti. Pero ayokong masyadong tumitingin sa salamin kasi nakikita ko kung gaano ako ka-gwapo. Wala naman sigurong aangal diba? Kasi totoo naman talaga. Alam kung naniniwala rin si Elise, dahil kung hindi, papalabasin ko siya rito sa kwarto.
Lalabas na sana ako sa kwarto para makakain narin, pero biglang nag-pop up ‘yung cellphone ko kaya kinuha ko muna ito. Nang matignan ko, *Joana Liana Barcelon sent you a friend request* Parang pamilyar ang pangalan niya sa ‘kin pero parang hindi ko siya kilala.
Na-curious ako kaya tinignan ko ang profile picture niya, pero hindi ko siya inistalk. Nang makita ko ay in-accept ko na siya. Kilala ko na siya. Siya yung transferee sa classroom namin. Base sa obserbasyon ko ng nakaraang mga araw, madaldal, maingay, mataray at may pagka-war freak siya. Kulot ang kaniyang buhok hanggang balikat pero mukang anghel ang itsura. Ewan ko lang sa ugali niya, pero naniniwala pa rin akong may itinatago siyang kabutihan.
Hindi ko na pa pinag-aksayahan ng oras ang cellphone ko at lumabas na ako para makakain, at para makaligo na rin. Medyo mabagal talaga kasi ako kung kumilos.
Makalipas ang isang oras, bago ako pumasok, pumunta muna ako sa malaking bintana namin upang saksihan ang paglabas ng araw. Nang makita ko na ito ay lumabas na ako sa bahay upang saksihan ang sinag ng araw. Sabi kasi ng Lola ko, maganda daw sa katawan ang araw kapag umaga. Kaya araw-araw ay ganito na ang ginagawa ko.
Napakaliwanag at sobrang napakaganda ng aking nakikita at natatanaw sa malayo. Malawak kasi rito sa likod ng aming bahay.
Napakaganda talagang pagmasdan ang buong paligid lalo na kung bukas ang puso mo sa lahat ng bagay, at may mga mata kang nakikita ang kagandahan ng paligid at kabutihan ng mga tao. “Maraming salamat sa bagong araw na ito at pag-asa." Sinabayan ko ng malaking ngiti at nasisinagan ng araw ang aking mga mata habang nakapikit.
Maya-maya, narinig kong papalapit na ang motor na sasakyan ko. Nakita kong nakangit si manong driver. Siya yung laging naghahatid sa ‘kin sa school. Matanda na siya at may mga apo na. At sobrang napakabait niya sa akin.
Agad na akong sumakay sa kaniyang sasakyan. Nakapagpaalam na ako kay mama, at aalis na rin naman siya mamaya para mag trabaho.
Pagkatapos ay pinaandar na ni lolo ‘yung sasakyan at umalis na kami.
Mabilis kaming nakarating at iaabot ko na ang bayad sa kanya. “Heto po ang bayad ko.” Nginitian ko lang siya at kinuha niya ito.
“Naku anak, wala akong panukli ngayong umaga,” sabi ni lolo habang tinitignan ako.
“Walang pong problema. Sa inyo na lamang po iyan para makatulong na rin ako kahit konti.” sagot ko naman. Mahirap lang kasi sina lolo at nagtatrabaho siya para kaniyang pamilya. Siya na ang naghahatid sa akin dito sa eskwelahan noon pa.
“Salamat iho.”
"Salamat din po sa paghatid, paalam."
Pagkatapos ay umalis na ako para makapasok. Bawal kasing ipasok ang mga motor banda dito kaya naglakad na ako. Marami akong nakakasabay na mga estudyante rin at naglalakad din dito.
BINABASA MO ANG
The Weirdo's Persistence
Документальная прозаAng istoryang ito ay tungkol sa isang naiibang estudyante. This will show you kung paano iba-iba ang ugali ng mga tao. Through his different personality, naranasan niya ang pagtrato ng ibang tao sa kaniya. Pero nagpatuloy siya. He still remain uniqu...