Chapter Four

51 12 9
                                    

Don't break the rule

Tapos na ang klase namin ng second period at vacant na namin ngayon. Pagkatapos ay recess na. Papunta ako ngayon sa garden namin sa school at malawak doon. Tamang lugar para makapagpahinga at makapag-isip...

Nang nakarating na ako ay agad akong umupo dito sa ilalim ng puno. Ito ang lagi kong tambayan kapag may vacant. Presko kasi ang hangin dito, medyo malamig, at maliwanag. Marami rin ang mga estudyante ang nandirito para makapag-pahinga rin at makipag kwentuhan sa kanilang mga barkada. Meron ding mga varsity player at naglalaro ng soccer sa bandang likod. Sobrang sikat kasi ang lugar dito para sa lahat.

Naisip kong mag online muna tutal may free wifi naman dito at mabilis ang connection. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag ko para makapag-facebook at malaman kung may notifications ako.

Hinintay ko munang magloading nang ilang minuto nung mag-login ako. Sobrang bilis kasi talaga ng connection...

Nang ma-open ko na ito ay agad na akong nagbasa ng mga stasus ng mga friends ko sa timeline. Sari-saring mga kwento ang pino-post nila na hindi ko maintindihan, bukod sa English, halos mga love life ang nakikita ko.

Habang nag s-scroll ako pataas, nag-umpisa kasi ako pinakababa kaya ganun. May post na umagaw ng pansin ko, ‘yung post ni Joana, ‘yung may answer sheet kahapon sa exam namin na na-office dahil sa ‘kin pero wala akong kasalanan.

Nagulat ako at hindi ko inaasahang magpo-post siya ng ganito.

*Joana Liana Barcelona was feeling angry.* "PAPATAYIN KO TALAGA ‘YUNG PANGET NA NAGSUMBONG SA ‘MIN KAHAPON!! MALILINTIKAN TALAGA SIYA SA AKIN MAMAYA!! PAPASABUGIN KO ANG UTAK NIYA!!" Ang daming nag-like at nagcomment sa post niya. Medyo nasaktan ako sa sinabi niyang panget ako, pero nagulat lang ako at hindi gaanong natakot kasi alam kong wala akong ginawang kasalanan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ako nagalit sa post niya pero nainis ako ng konti, konti lang talaga.

*Karaniwan kasi sa mga ibang kabataan, ganyan ang ginagawa sa facebook. Kundi nang-iinsulto, may pinapatamaan, o kaya naman nang-aaway. ‘Yan ang influence ng social media sa karamihan, lalo na yung mga sikat na pages pero wala naman ginawa kundi manghusga, mang-insulto, at magpost ng mga masasakit na salita sa iba. Imbis na tumulong, hinuhusgahan at pinapahiya nila ang kapwa nila. Pilit kasi nilang tinitignan ang bad side ng isang tao... Ganyan na ang ginagawa ng ibang mga kabataan ngayon pati na rin ang ibang mga nakatatanda. Bakit hindi nalang kaya nila isipin ang kabutihan ng lahat? Bakit mas pinipili pa nilang makasakit ng iba? Nobody's perfect ika nga. Kaya nga may salitang 'LEARN' para matuto at magbago, hindi para makapanira ng ibang tao.* Nabasa ko nga pala ito sa post ng isa kong kaibagan sa facebook, ang opinyon niya. Tama nga naman ang sinasabi niya.

“Hey Keiro! ‘Yung kaibigan mo hinihintay ka. May sasabihin daw siya sayo, si Leina."

Bigla nalang may nagsalita sa harapan ko. Pawis na pawis siya habang umiinom ng juice, mukang kakagaling yata maglaro ng soccer. Kilala ko siya. Siya yung nanliligaw dati kay Leina at nakita ko na siyang kasama ang mga mayayabang kong kaklase na mga lalake.

“Bakit pinapatawag ako ni Leina?" Inosenteng tanong ko sa kaniya habang nasisilawan ako ng liwanag na nanggagaling sa likod niya.

“May importante siyang sasabihin, man!” Tinapik niya ako sa likod sabay ginulo ang buhok ko.

“Pakisabi nalang pupunta na ako.” Hindi ko siya nginitian. Medyo kinakabahan kasi ako. Pero hindi dapat ako kabahan kasi kaibigan ko naman si Leina. Pero ano naman kaya ang sasabihin niya?

Agad na akong tumayo sa damuhan at binitbit ang bag ko. Pupuntahan kona siya. Nakita ko siyang nakangiti dun sa pintuan ng canteen at mukang hinihintay ako. Iba talaga ang nararamdaman ko ngayon. Lahat kasi ng mga estudyanyeng dinadaanan ko sunusundan ako ng tingin.

The Weirdo's PersistenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon