Author's Note:
Kung sakali mang nababasa niyo ito, gusto ko muna sanang sabihin sa inyo na SALUDO AKO SA MGA TAONG BUKAS ANG ISIP UPANG BASAHIN ANG ISTORYANG ITO. Alam naman nating lahat na hindi lahat ng tao ay gustuhing basahin ito dahil more on romance ang binabasa ng lahat...
Gusto ko pa ring ipagpatuloy ang istoryang ito kahit konti lang ang magbasa, dahil yun ang gusto ko. Kaya sana tulungan niyo akong matapos ito. Maraming salamat po talaga sa inyo! Godbless!
At sa mga nagsasabi sa akin na wala daw katulad ni Keiro, meron po. Hindi niyo alam na nasa tabi-tabi lang sila. Hahahaha...
~ • ~ • ~ • ~
New Section
“Sila ang magiging bago ninyong mga kaklase, i-welcome niyo sila.” sabi ni professor Takuri. May lahi siyang Japanese, at siya ang pinakamatalinong guro dito sa school.
Pagbukas ng pinto ay pumasok na kami. Dahan-dahan kaming naglalakad papunta doon sa likuran, nasa hulihan ako.
Tamihik ang buong klase habang pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng matatalino na karamihan sa kanila ay naka salamin. Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko kung matutuwa ba ako o malulungkot dahil sila ang magiging bago naming mga kaklase. Bukod sa hindi kami masyadong bihasa, mahihirapan kaming makisabay sa kanila. Napagdesisyunan ng aming principal na ipalipat nalang kami sa Star Section dahil nabawasan na kami, dahil nga nasuspend na ‘yung iba.
Nakaupo na ang lahat sa likuran maliban sa akin. Hindi ko alam kung saan ako uupo dahil nagkulangan ng isang upuan. Tumingin- tingin ako sa paligid baka sakaling may bakanteng upuan na pwede akong umupo. May nakita akong isang upuan, nasa bandang likuran at may nakaupong estudyante na katabi nung isa pa.
Nang nakita ko yung upuan, ang daming nakasulat na hindi ko maintindihan. Umupo na ako doon dahil 'yon lang naman ang bakanteng upuan. Ayokong tumayo baka pagtawanan pa ako ng lahat.
Nang makaupo ako, bigla akong kinilabutan pero hindi ko na lamang pinansin 'yon. Tinignan ko ang mga nakasulat sa upuan pero hindi ko maintindihan. Ipinuwesto ko ang kamay ko saka hinawakan ang mga iyon.
Maya-maya hindi ko namalayang nakatingin na pala ang lahat sa akin mula dito sa likod. Walang ekspresyon ang karamihan, pero may iilang nakatingin sa akin ng masama.
Lumunok muna ako tapos iniwasan ang tingin nilang lahat. Nag-umpisa na akong pagpawisan at kinabahan. Inalis ko ang pagkakahawak ng kamay ko sa upuan at yumuko. Alam kong tinitignan pa nila ako kaya ginawa ko 'yon. Pero bakit naman sila napatingin sa akin? Dahil ba sa itsura ko o sa upuan na ito?
“Mukang mali yata ang naupuan mo Kei.” natatawang sabi sa akin ni Elise. Nasa tabi ko siya ngayon.
“Ano bang meron sa upuan na ito?” mahinang sagot ko.
Napatingin naman ako sa babaeng katabi ko ng upuan. Nakayuko rin siya sa upuan niya, mukang natutulong. Hindi ko makita ang mukha niya dahil natatakpan ito ng mahaba niyang buhok.
“Excuse me,” Tinapik ko ang balikat niya. Gusto ko siyang tanungin baka sakaling may alam siya kung anong meron sa upuan na ito.
Tinapit ko siya ng dalawang beses. Nakita kong dahan-dahang umangat ang ulo niya at humarap sa akin.
“Pasensiya na. Pwede ba kitang tanungin?” seryosong sabi ko.
Bigla akong nagulat nang mamukaan ko siya. Tinignan niya ako habang nakangiti.
“Gracie?” Natulala ako. Siya 'yung nakilala ko sa simbahan at nakasabay pauwi kahapon. Hindi ko alam na nandito pala siya.
“Hi, masaya ako at nakita kita ulit.” sagot niya.
Medyo nahiya ako kaya umayos na ako sa pagkakaupo.
“Gusto sana kitang tanungin tungkol sa upuan na ito. Parang may kakaiba kasi akong nararamdaman dito.”
“Ang alam ko, may namantay daw na estudyante diyan dahil sa sobrang depression niya. Walang pumapansin sa kaniya kaya nangyari 'yon. Ang sabi pa, lahat daw uupo riyan ay mamalasin. Meron nga daw umupo dati sa upuan na 'yan at minalas nga. Depende nalang sa'yo kung maniniwala ka. Pero ako, hindi sigurado.”
Matapos sabihin ni Gracie 'yon, mas kinabahan tuloy ako at natakot. Ayokong maniwala para hindi mangyari ang sinabi niya.
Tatayo na sana ako at aalis sa upuan na ito pero bigalang may bumato sa akin ng papel galing sa mga lalake na nasa harapan. Nagtawan naman lahat ng estudyante sa loob dahil sa ginawa nila. Sinubukan kong magsalit pero mabilis na hinawakan ni Gracie ang braso ko.
“Iwasan mo ang mga lalaki na 'yon. Sila ang mga kinakatakutan ng mga ibang section dito. Lahat kaya nilang gawin. Kaya iwasan mo sila. Huwag mo silang kakausapin.” bulong sa akin ni Gracie. Kaya nanahimik nalamang ako.
Nag-usap pa kami ni Gracie ng iilang mga bagay at hinintay na umpisahan si professor ang klase.
*30 mins after*
Pumunta kami sa bleacher malapit sa pinaglalaruan ng soccer na tinutukoy ni Professor Takuri kanina bago kami umalis. Nakatayo kaming lahat habang walang umiimik dahil hinihintay namin siya. Sabi kasi niya, may sasabiihin daw siyang importante sa amin.
Habang nakatayo kami, katabi ko si Gracie, nasisinagan ang aming mga sa araw. Open field kasi dito kasabay ng malamig na ihip ng hangin.
Marami rin ang mga estudyante and nandirito. May mga nagpa-practise ng soccer, mga sumasayaw, mga choir, at iba pa. Magandang lugar kasi ito para sa lahat. Puro puno, halaman, at damo na kulay berde ang makikita mo sa paligid. Nakikita ko ang bawat ngiti sa mga estudyante rito na kay gandang pagmasdan.
Maya-maya pa ay nakita na naming papalapit dito si Professor Takuri at kinakabahan na kaming lahat sa kung ano ang sasabihin niya. Buti nalang at nandito si Elise sa tabi ko upang palakasin ang loob ko. Nakangiti lang siya habang tinitignan ako.
“So,” nag umpisa na siyang magsalita habang tinitignan ang bawat isa. May hawak siyang isang puting papel. Hindi namin alam kung ano ang nakasulat doon.
“Pag-uusapan natin ngayon ang gaganaping malaking event na ginagawa na natin taon-taon sa school na ‘to. Alam naman nating mga star section lang ang pwedeng sumali. Dahil kayong lahat ay kabilang dito, lahat kayo sasali.”
Sari-saring reaksyon ang meron ang bawat isa. May mga natuwa, kinabahan, masaya. Pero ako, natakot. Ito kasi ang unang pagkakataon na sasali ako.
“Hawak ko ngayon ang mga listahan ng mga magkakagrupo na i-aasign bawat isa para gawin ang parte nila. So, handa na ba kayong malaman ang magiging kagrupo ninyo?” sigaw ni Professor.
Tumango naman kaming lahat.
Makalipas ang ilang mga minuto ay na group na ang lahat maliban sa akin. Hindi ko alam kung bakit hindi ako natawag.
“Sino pa ang hindi natawag?” tanong ni prof. Mabilis ko namang itinaas ang aking kamay at mabilis din silang lahat na tumingin sa akin.
“Mr. Hartwell, ikaw ang magiging mascot sa taong ito. Malaking responsibilidad ang gagawin mo kaya sana paghusayan mo, sa ikapapanalo ng section na ito.”
Matapos sabihin ni Professor Takuri iyon, nagtawanan ang lahat.
Ako ang magiging maskot?
“Before we dismiss, paghusayan sana ninyo ang practise ninyo. At sana ay manalo tayo. Goodbye class! See you!”
Pagkatapos ay umalis na ang lahat.
Malaking kompetisyon ang gaganapin ngayong taon. Ito ang una kong pagkakataon na sumali rito. First time ko kasi na mapabilang sa star section. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.
Paghahandaan ko ito dahil ako ang magiging mascot ng section na ito...
BINABASA MO ANG
The Weirdo's Persistence
Non-FictionAng istoryang ito ay tungkol sa isang naiibang estudyante. This will show you kung paano iba-iba ang ugali ng mga tao. Through his different personality, naranasan niya ang pagtrato ng ibang tao sa kaniya. Pero nagpatuloy siya. He still remain uniqu...