The Reason of Happiness
Papunta ako sa simbahan ngayon habang hawak ko ng mahigpit ang aking dalang payong. Napakalakas kasi ng ulan na may kasamang kulog at kidlat.
Bumaba na ako sa Jeep kanina sa kanto at naglakad nalang para magkapag-simba. Linggo ngayon pero napakalakas ng ulan.
Hindi pa ako nakakarating dahil dahan-dahan lang akong naglalakad. Madulas na kasi ang daan dito at baka ano pang mangyari sa akin.
Ako lang mag-isa ang naglalakad ngayon malapit sa garden, pinagdarasal ko na sana hindi ako mahuli sa misa at huwag naman sana akong tamaan ng kidlat dahil marami pa akong pangarap para sa sarili ko.
Malapit na ako sa simbahan namin ng biglang natangay ng malakas na hangin ang payong ko. Lumipad na ito paitaas at hindi ko na nakuha pa. Mabuti nalang at mabilis akong nakasilong at hindi ako natangay ng hangin kahit payat ako. Kung nagkataon, baka nakalipad na ako ng tuluyan at hindi na ko makabalik pa.
Basang-basa na ako ngayon pati na ang buhok kong sinuklay ko ng mahigit kalahating minuto kanina, nasayang lang. Pinagpag ko muna ang buong sarili ko bago ako pumasok sa loob.
Nang makapasok na ako ay agad akong umupo sa bandang likuran. Mabuti nalang ay hindi pa patapos ang sinasabi nung leader sa harapan.
Kukunin ko sana ang bibliya ko para makasunod sa verse na binabasa nila, ang kaso basang-basa na lahat ng gamit sa loob ng bag ko, kaya nakinig na lamang ako ng ilang minuto.
“Let us all stand,” sabi nung nasa harapan at tumayo naman kaming lahat na nandito sa loob ng simbahan. Kakanta na kasi kami at maghahawakan ng kamay sa katabi.
Ako lang ang nakatayo dito sa dulo kaya nakataas lang ang mga kamay ko.
Pero ‘yon ang akala ko.
May biglang dumating na isang babae na basang-basa din sa ulan kagaya ko at bigla niyang hinawakan ang kamay ko ng hindi ko inaasahan. Dahil doon nagulat ako. Tinignan ko naman siya at napatulala ako bigla.
Nararamdaman ko ang malambot niyang kamay na nakahawak din sa kamay ko. First time ko palang kasing makahawak ng kamay ng babae at ganito pala ang pakiramdam. Hindi ko ma-explain pero masaya.
Hindi siya nakatingin sa akin kaya humarap na rin ako baka mahalata pa niya ako na tinitignan ko siya.
Sumabay na ulit ako sa pagkanta.
Nang mapalingon ulit ako sa kaniya, unti-unting nagkasalubungan ang mga mata namin sa isat-isa.
Ngayon ko palang siya nakita pero parang malapit na ang loob ko sa kaniya.
Nagtugma na ang mga mata namin at nginitian niya ako.
Parang nagniningning ang mga mata niya nang makita ko siya. Napakaganda niya at muka siyang mabait.
Hindi naman siguro Love at first touch ito diba? Kasi hindi ako naniniwala dun.
Nang matapos ang kanta, hindi namin namalayang nakatingin na pala sa amin ang lahat. Habang kami, magkaharap parin.
“Pasensiya na po, pasensiya na,” nahihiyang sabi ko sa kanila.
Nakahawak lang yung kamay ng babae sa bibig niya habang tumatawa.
“Maaari na po tayong umupo.”
Pagkatapos ay naupo na nga kami kahit nakakahiya ‘yung nangyaring ‘yon. Ganito talaga ako kapag kinikilig, nawawala ako sa sarili ko. Pero halata ba?
“Ako nga pala si Gracie Flores.” Inalok niya ang kamay ko habang nakangiti at mukang hindi siya makatingin sa‘kin.
Alam ko namang ‘hot’ ako sa ngayon dahil basa ang katawan ko at magulo ang buhok. Gwapo ako paminsan-minsan kaya huwag na siyang mahiya.
BINABASA MO ANG
The Weirdo's Persistence
Non-FictionAng istoryang ito ay tungkol sa isang naiibang estudyante. This will show you kung paano iba-iba ang ugali ng mga tao. Through his different personality, naranasan niya ang pagtrato ng ibang tao sa kaniya. Pero nagpatuloy siya. He still remain uniqu...