Chapter Ten

41 0 0
                                    

          Lumipas ang mga araw na puro pagsasanay ang ginagawa ko. Halos mamayat na nga ako sa pagsasayaw palagi. Araw-araw ko itong ginagawa dahil limitado kasi ang mga araw para makabisado ko ito dahil malapit nang ganapin ang Kompetisyon. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ko, tuwing iniisip ko 'to, kinakabahan ako. Pero gayon pa man, may kakaibang saya pa rin akong nararamdaman.

Biyernes ng umaga ngayon ang huli kong pagsasanay. Pero magpapahinga muna ako kasama si Gracie. Nasa Library kami ngayon at nakaupo sa isang table sa hararapan ng bintana.

“Nagbabasa ka pala ng mga libro?” sabi niya sa akin. Tumango naman ako at nginitian siya.

Naaamoy ko mula rito ang masarap na kapeng iniinom niya. Medyo malamig kasi ang panahon ngayon kaya naisipan kong magbasa nalang ng libro para may mapaglibangan at para makapag pahinga na rin.

“Ah, oo. May natututunan kasi ako kapag nagbabasa ng mga ganito.” sagot ko naman at nginitian muli siya.

“Anong mga libro ba ang hilig mong basahin? Kung hindi mo naitatanong, mahilig akong magbasa ng Novel, Romance. Eh, ikaw?” Inilapit niya ang mukha niya sa akin habang nakangiti at humigop pa sa kaniyang iniinom na Kape.

“Mahilig din akong magbasa ng mga Novels at Short Stories. Pero mas gusto kong nagbabasa ng mga may kapupulutan na aral. Yung mga nakaka-inspire. Minsan lang ako kung magbasa ng Romance, Adventure, Mystery, at iba pa.”

Nakatingin lang siya sa akin at nakangiti nung sinabi ko 'yon. Kaya parang nararamdaman kong namumula na naman ang mga pisngi ko. Kakaiba kasi ang mga tingin niya sa akin, lalo na't napakaganda pa niya. Para sa 'kin, kumikislap ang mga mata niya tuwing titignan niya ako.

Ibinalik ko muli ang tingin ko sa libro para hindi niya mahalatang namumula ako. Hindi maalis sa mukha ko ang mapangiti at para bang sasabog ang dibdib ko kapag ginagawa niya 'yon. Sa mga babaeng nakilala ko, sa kaniya lang ako nakaramdam ng ganito, hindi ordinaryo pero totoo. Ganito ang nararamdaman ng mga lalaki kapag kaharap nila ang mga babaeng napupusuan nila...

Parang ganon na nga ata ako, nagugustuhan ko na siya. Ngayon lang ata ako nagkakaganito. Weird na nga ako, ang Weird pa ng pakiramdam ko.

Ang tipo kasi ng mga simpleng lalaki kagaya ko (konti nalang kami, kaya kung nakahanap ka, swerte ka) ay mga simpleng babae rin tulad ng nasa harapan ko ngayon at nginingitian ako.

“Mabuti naman para sa 'yo. Hindi naman kasi lahat ng lalaki mahilig magbasa ng libro kagaya mo, kaya bilib ako sa 'yo.”

Pagkasabi niya 'yon, bigla niyang iniwasan ang tingin ko pero nakangiti pa rin siya at nakikita ko ang pagkislap ng kaniyang mga mata habang nakatingin sa labas ng bintana. Lalo lang siyang gumaganda.

“Salamat kung ganon... Ikaw palang ang nagsabi sa akin niyan.”

Hindi ko naman mapigilang giligin sa mga oras na ito. Parang bumibilis lalo ang pagpintig ng mga pulso ko. Parang mayroong magnet sa kaniya na hinihila ang loob ko para lumapit sa kaniya.

Sa kalagitnaan ng nararamdaman ko, bigla nalang may tumapik sa likuran ko. “Nasabi ko na rin kaya sa'yo 'yan!” sabi ni Elise habang nakanguso. Siya lang pala, akala ko naman kung sino na.

“Doon ka na muna, please. Hayaan mo na muna akong maramdaman ang pagkakataong ito. Kahit sandali lang.” bulong ko sa kaniya na nasa likuran ko.

“Okay sige. Masaya ako para sa 'yo. Alam ko namang panandalian lang 'yan.” ngumisi naman siya ng nakaka-insulto. Talaga naman, oh! Hindi man lang ako na-motivate sa sinabi niya.

“May kausap ka?” Humarap muli sa akin si Gracie.

“Ahm, wala. Huwag mo nang pansinin 'yon.”

Back to the moment. Hawak ko pa rin ang librong binabasa ko nang bigla kaming nagkatitigan. Malapit lamang ang pagitan namin sa isa't-isa kaya nakikita ko sa kaniyang mga mata na masaya siya. Sana nararamdaman din niya kung ano ang nararamdaman ko ngayon.

“Alam mo, mapalad ako dahil nakilala ko ang isang tulad mo. Masaya ako dahil naging kaibigan kita. Ikaw palang ang nagparamdam sa akin na espesyal ako bilang kaibigan. Kaya, thank you Keiro!” Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang sabihin sa 'kin ngayon 'to. Nararamdaman kong may nais gusto siyang sabihin sa akin, pero hindi niya magawa.

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang dalawa kong kamay. Parang may dumadaloy na kuryente sa katawan ko na nagmumula sa kaniya. Hindi mapigilan ng aking dibdib na kumabog dahil sa ginawa niya. Pero napapansin kong nangingilid ang mga luha sa kaniyang magagandang mata na parang may gustong ipahiwatig ang mga ito sa akin.

Natahimik ang buong paligid ng ilang segundo. Nanatili ang mga malalambot niyang kamay sa pagkakahawak sa mga kamay ko, at nagtutugma pa rin ang aming mga mata sa isa't-isa. Kahit hindi siya nagsasalita, nakikita ko sa kaniyang mga mata ang gusto niyang sabihin.

“Salamat... Ahm, may gusto kabang sabihin?” tinanong ko siya kase gusto kong malaman ang susunod na sasabihin niya. Ngumiti lang ulit siya at dahan-dahan niyang inalis ang pagkakahawak sa kamay ko.

Pasensiya na. Masaya lang talaga ako. Gusto ko lang magpasalamat sa 'yo.” sabi niya habang pinupunasan ang ang kaniyang mga mata.

Ibinaba ko naman ang hawak kong libro at tumingin sa kaniya ng diretso.  “Kung ganon... Nandito lang ako sa tabi mo kung may kailangan kang sabihin sa akin. Kaibigan kita, at handa akong makinig sa 'yo.” nginitian ko naman siya ng napakalawak.

“Osige, sabi mo 'yan ah!”

“Promise ko.” Itinaas ko ang kabila kong kamay at inirapan niya ako. Tapos, sabay naming tinawanan ang isa't-isa. Sana ito ang huling pagkakataon na makikita ko siyang tumawa ng ganito siya kasaya. Masaya na rin kasi ako kapag nakikita ko siyang nakangiti. Siya ang kumu-kumpleto sa araw ko. Akala ko dati, hindi ako makakatagpo ng isang tulad niya. Pero maswerte ako ngayon, dahil nandito siya, kasama ko.....

“Sandali lang.. Komusta na pala yung pagpa-practise mo ng sayaw?” seryosong tanong niya sa akin.

“Mabuti naman. Nakabisado ko na, pero kailangan ko pa ng isang practise. Baka kasi bigla ko nalang makalimutan. At saka pala yung Costume ko, mamaya ko na makukuha.”

“Exited na talaga ako sa gagawin nating performance para bukas. Sana manalo tayo!”

“Pero ngayon palang kinakabahan na ako. Nai-imagine ko na kung gaano karaming tao ang manonood bukas. Sigurado akong pinaghandaan din ng ibang Section ang gagawin nila. Sana nga palarin tayo.”

“Huwag kang panghinaan ng loob! Siguradong magiging maganda ang gagawin natin bukas. Alam kong makakaya mo 'yan Kei! Naniniwala ako sa kakayahan mo. Basta magtiwala ka lang.”

Mas lalo pang lumakas ang loob ko dahil sa sinabi niya. Alam kong su-suportahan niya ako. Pero pinagdarasal ko na sana walang mangyaring masama o humadlang sa gagawin namin bukas...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Weirdo's PersistenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon