Chapter Eight

17 4 1
                                    

A/N: Hindi ako madalas mag-update. Kaya 2-3 chapter ina-update ko per week :)

***

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school para mag practice. Meron lang akong one week para ma-perfect ang gagawin kong sayaw at sa saturday na gaganapin ang competition.

Hindi kase ako bihasa sa pagsasayaw kaya mag pa-practice ako ng husto para maging mahusay. Magiging mahirap ang gagawin ko lalo na‘t sasayaw ako habang nakasuot ng maskot. Alam kong mabigay ‘yon pero hindi ko pa alam kung anong klase ng mascot ang susuotin ko.

No choice ako kaya ito ang gagawin ko. Masaya naman ako kahit  at okay na rin dahil matatakpan ang mukha ko at hindi nila ako makikita. Kahit papaano, mababawasan ang pagka-kaba ko.

Tumungo muna kami ni Elise sa C.R, syempre sa panlalake. Pinapasok ko na siya kahit babae siya. Hindi rin naman siya nakikita nang iba. Siya lang naman kasi ang lagi kong nakakasama at tutulungan niyavñ daw ako sa pagsasayaw.

Humarap kaming dawala sa malaking salamin upang tignan muna ang sarili ko.

Walang pagbabago, payat pa rin ako at flat ang buhok. Pero gwapo pa din.

Titignan ko lang sa salamin kung paano ako magsayaw.

“Marunong ka ba talaga hah, Keiro?” sabi ni Elise habang nakataas ang kabila niyang kilay at nakaharap sa akin.

“Hindi masyado. Pero susubukan ko.” sagot ko naman.

Kinuha ko ‘yung cellphone sa bulsa ko at namili ng kanta, ‘yung nakakaindak.

Nang makapili na ako, inilagay ko ang cellphone sa tapat ng salamin at nilakasan ang tunog.

Itinaas ko ang dalawa kong kamay. Ipinuwesto ang mga paa, sabay kembot.

Sinasabayan ko ang indak ng musika habang gumagalaw ang buo kong katawan lalo na ang bewang ko na todo kembot.

Nakangiti akong tinitignan ang sarili ko sa salamin. Wala akong pakialam kung ano ang itsura ko. Alam kong tinitignan lang ako ni Elise habang tumatawa. Patuloy lang ang sa pagsasayaw at hinihintay na matapos ito.

Ipinikit ko ang aking mga mata at mas lalo ko pang itinaas ang aking kamay habang kume-kembot pa rin.
Sabi ko na nga ba‘t magaling talaga akong sumayaw eh. Hindi ko lase mapigilan ang sarili ko. Nakakaaliw talaga itong tugtugan.

“What the---”

Nagulat ako nang may biglang pumasok ang grupo ng limang lalake at nakita ako kung paano ako kagaling sumayaw.

Napatigil ako nang magsalita ‘yung isa isang lalake. Natatandaan kong sila ‘yung bumato ng ballpen sa akin kahapon. Sila ‘yung tinutukoy ni Gracie na kailangan kong iwasan.

Bigla akong kinabahan ng lumapit sila sa akin at tinignan ako nang masama.

“Are you gay?” Hinawakan nung lalake ang kwelyo ko.

Umatras naman ako hanggang sa dumikit ako sa pader.

Tinitignan nila ako sa mata at hindi ako makapag salita sa sobrang takot. Nakalimutan ko pa namang patayin ang tugtugan na sinasayaw ko. Narinig din nila ‘yon.

“Answer my question. Are you gay?”

Mas lalo niyang inilapit ang mukha niya sa akin na halos magpalitan na kami ng hininga at magkatitigan.

Umiling na lamang ako at hindi na pa nakapagsalita.

Hinawakan ni Elise ang kamay ko at sabay na kaming tumakbo.

“Hey! You!” sumigaw siya.

Nakalabas na kami bago pa nila ako gawan ng masama.

“Sino ba sila Keiro? Kilala mo ba sila?”   hinihingal na tanong ni Elise.

“Sila ‘yung mga bago kong kaklase. Kailangan ko silang iwasan dahil ‘yon ang sabi sa akin ni Gracie.” sagot ko.

Kung sa dati kong section may mga mayayabang, mas malala sila.

“May isa pa akong tanong Elise, muka ba akong bakla?” Nakakunot noo kong tanong sa kaniya.

Nakita kong hinawakan niya ang ilong niya gamit ang kaniyang hinlalaki at medyo nag isip-isip.

“Sa tingin ko, ano sa tingin mo?”

Ang tingin ko naman, hindi. Alam kong hindi ako matikas kung kumilaos, pero hindi ako ganon. Hindi naman lahat ng lalake kailangang maging katulad nila. Meron din naman mga lalaking kagaya ko na simple lang. Pero tunay na lalaki. Minsan kasi sila pa ‘yung mga mas nakakaunawa at may direkson sa buhay, kagaya ko. Meron nga ba? Pero may pagka-weird nga lang ako. Inaamin ko naman.

Makalipas ang ilang mga minuto, agad akong nagtungo sa Martial Room. May pinag-uusapan kasi kami ni Suni na magkikita kami dito. May ipapasa daw siya sa akin na video na makakatulong sa pagbuo ko ng sayaw.

Nakatayo na ako ngayon sa harapan ng pinto at hinihintay siya. Habang naghihintay ako, may nakita akong mga estudyante na tumatakbo sa harapan ko at mukang nagmamadali.

“Kawawa naman siya bes, hindi palalampasin ang ginawa niya.”

Narinig kong sabi ng isang babae kausap ang mga kasama niya. Sa narinig ko, nagtaka ako kung ano ‘yon.

Aalis na sana ako upang subukang alamin kung ano ‘yon pero nakita ko si Suni na papalapit sa akin.

“Hi Kei! Sigurado akong magugustuhan mo ‘tong video!” sabi ni Suni nang makalapit na ako. Pagkatapos ay pumasok na kami sa loob ng room.

“Nabalitaan kong ikaw daw ang magiging mascot ng section niyo diba? Napakamalas mo naman. Sa nakaraang competition kase, maraming mga nag mascot na hindi nagawa ng maayos ang parte nila dahil may nangyaring kakaiba daw. Sana hindi ka magaya sa kanila, inaasahan kong gagalingan mo. Ikaw sana ang magpanalo sa section ninyo, dahil sa‘yo nakasalalay ang lahat. Kaya mo 'yan! Goodluck!”

Pagkatapos ay ipinakita na niya sa akin ‘yung video. Kinabahan naman ako dahil sa sinabi niya..

“Sa tingin mo magagawa ko 'yan?” tanong ko matapos mapanood ang video.

“Oo naman. May tiwala ako sa'yo Kei kahit minsan may pagka-weird ka. Siyempre, kailangan mong magtiwala sa sarili mo para magawa mo.” nginitian niya ako.

“Salamat Suni. Kahit papaano lumakas ng konti ang loob ko.”

“No worries. Kunin mo na muna 'yung cellphone mo para maipasa ko na sa'yo.”

Kinuha ko na nga ito at ibinigay sa kaniya.

“May itatanong lang sana ako. Alam mo ba kung bakit nagkakagulo ang mga estudyante?” seryoso kong tanong kaniya. Gusto ko lang malaman dahil sa na c-curious ako sa mga nangyayari.

----->>>

The Weirdo's PersistenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon