1 Unsuitable Force

32.1K 490 7
                                    

Shanti POV

"Shanti, ano ba itong ginawa mo at nakulong ka nanaman?!" Sigaw ni tito Aristel sa akin. Napangiwi ako at napakamot sa magulong buhok ko.

"Tito napaaway nga lang ho, girl fight sa bar. Dont worry, nasampal lang ako, you should see the other girl, I ruined her face." Nakangiti at may pagkamayabang kong sagot habang nakahawak sa bakal ng selda na pinagkulungan sa akin. Nakita kong napabuntong hininga si tito at napailing-iling. He looked frustrated and worried at the same time.

"What am I gonna do with you?! Paano kapag nalaman 'to ng daddy mo?! Ipapatapon ka ulit non sa ibang bansa." Malungkot na ani ni Tito Aris. Natawa ako dahil alam kong mamimiss niya ako panigurado kaya ayaw niya akong mapatapon sa ibang bansa. His life would be boring again.

"Nakakatawa ka pa talaga ha!" Pagalit na ani ni Tito sabay hampas sa kamay kong nakahawak sa bakal ng selda. Malakas ko iyong winagayway para mawala ang hapdi.

"Tito naman! Obvious naman na mamimiss mo ako kapag nasa abroad na ako kaya ka nagkakaganyan! So get me out of here Asap para na rin di na malaman ni daddy!" Kumikindat kindat na aniko.

"Tignan mo 'to Tito, nangangati na ang balat ko, I wanna take a shower na! Do your thing na attorney tito!" Sabi ko sabay pakita ng braso ko at nagpacute sa kanya. Tito Aristel is not really a relative but he's one of daddy's legal counsel.

"Hay... ano pa nga ba!" Reklamo nito pero kita ko ang ngiti nito na tinatago sa malagong bigote niya. Agad din siyang nakipag-usap sa mga nagkukumpulang pulis at ang mga nakaaway ko. I saw how he shoved some money under the table of some police officers. Kita ko rin ang pag bulong nito na ikinalaki ng mata ng mga pulis sabay mabilis na napatango. By now, alam kong sinasabi na ni Tito Aristel kung kanino akong anak. My surname always gets me out of trouble. And that's the only good thing about having it, nothing else. As always I can get away with anything just because I am my father's daughter.

Tito Aristel raised his thumb up and my smile stretched even more. Tito Aris never fails me, he has always been my knight in shining armour. And today is another added accomplishement on his list of 'ways to save the family's good name from the family's black sheep.' By the way, that's me.

"Ah, pasensiya na po Ma'am! Nagkamali po kami ng nahuli." Pakumbaba sa akin ng pulis na malakas ko namang tinawanan. Nagkukumahog na binubuksan pa nito ang selda kung nasan ako.

"Oh pano ba 'yan, laya na ko, bye peeps!" Paalam ko sa mga babaeng preso din doon.

"Naku ang bilis ah! Malakas siguro kapit mo?!" Anas ng isang bunging babaeng nakakulong doon.

"Anak siguro ng mayaman!" Mapang-uyam na sabi ng isa.

"Naku! Baka may kamag-anak na pulis!" Sulsol naman nung isa.

"Well, Almonte lang sakalam! pasalamat na lang kayo dahil nakakita kayo ngayon ng dyosa kahit sandaling oras lang! Babush!" Natatawang aniko ko na ikinataas naman ng kilay nila sabay tawa na din. Nakangisi akong kumaway sa kanila ng pamamaalam na ikinailing lang ng mga babaeng preso. Halata ang inggit sa kanilang mga mukha.

"Ahhhhh...... freedom once again!" sigaw ko pagkalabas na pagkalabas sa presinto habang itinaas ko ang kamay ko sa ere.

"Ikaw na bata ka talaga! Isang oras ka lang naroon! Kung makasigaw ka daig mo pang kinulong ng isang taon!" Anito sa akin na napapatawa pa sa overacting kong mukha.

"One hour, one day, one year... It doesn't matter tito! I love my freedom and I love being out!" Natatawa kong pahayag.

"If you love your freedom that much then stop messing around, Shanti. Ilang beses na kitang pinangangaralan hija, Live a decent life and find your purpose. Stop wasting your time like this." seryosong pangaral ni tito sa akin.

"And where's the fun in that tito?! I like living my life like it's my last! I love living in the moment!" Ngiting ngiting sagot ko sa kanya habang pinagwawagwagan ang kamay ko sa ere na para bang iyon ang makaka-attract ng good vibes sa paligid.

"Naku na bata ka, nakikita mo ba ang mga ito?" Anito sabay turo sa buhok niya. "Ikaw na bata ka ang dahilan bakit namumuti lahat ng buhok ko, kakaisip sa iyo at sa mga kalokohan mo, heto ang resulta ng living in the moment mong bata ka!" Anito habang sinusuklay ang kakakurampot na puting buhok nito, napahagalpak ako ng tawa sa sinabi nya. Kung anong kapal kasi ng bigote niya ay siyang nipis naman ng buhok niya. Nahawa na din si Tito Aris sa tawa ko kaya napatawa na din siya ng malakas.

"I love you tito Aris, I really hope, ikaw na lang ang naging daddy ko!" Ungot ko sabay naglambitin sa balikat niya. He looked at me fondly sabay gulo ng buhok ko. To me, he is the perfect father figure.

"Linsyanak kang bata ka! At talagang gusto mo pa itakwil ang pamilya mo?! Isa pa, ayaw kita maging anak, ang tigas ng ulo mo kaya!" Supladong aniya pero ngiting-ngiti pa rin siya.

"Really now?! Just admit it tito! You can't resist me, you love me so much like I'm your real daughter!" Pangungulit ko sa kanya

"Oo na oo na! Batang ito! Porke ako ang naatasang linisin ang bawat gulong kinasasangkutan mo, inuuto mo na ako ng sobra! You will be the death of this old man!" Pabirong anito sabay kurot pa sa pisngi ko.

"No way! Bawal kang mamatay hanggat nabubuhay ako! And to make sure you'll have a long life, I'll live by your side from now on. May isang problema lang tayo." Aniko sabay taas ng kilay. Nangunot ang noo ni Tito. Halatang nacurious siya.

"Ano nanaman yon?!" Aniya

"Abandon your son na kasi at ampunin mo na lang ako." Nakangusong aniko na lalong ikinatawa ni Tito Aris.

"Dad, if you're finish with her, let's go. Mom is waiting." Anas ng baritonong boses sa likod namin na nagpatigil sa pagtawa ni Tito Aris. Napatingin kaming pareho sa nagsalita.

He was looking at me like I'm the devil incarnate and his stares are enough to send me back to hell. I felt rigid all of a sudden. At para bang nanlamig ang buo kong katawan. Only he can douse my sizzling hotness by his cold stares.

—————-
Under revision.
Nakalimutan ko na kasi ang story na ito so revise sabay tapos na din. Salamat sa paghihintay.
Lady Lemonade

Sultry ShantiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon