18 Sun and Bathing

8.7K 255 6
                                    

Shanti POV

Kakatapos kong maligo at naghahalungkat ako sa cabinet ng biglang bumukas ang pinto. Napalingon ako para lang makita si Xavior na bitbit ang blazer suit niya sa kanyang kamay. Naka polong puti na lang ito na nakatupi ang manggas at itim na slacks. Nagtama ang mata namin at inirapan ko siya. Hinagod naman niya ang katawan kong tanging maikling towel ang nakatapis. Mahigpit ang hawak sa towel na nagmamadali akong kumilos.

Dali-dali akong bumunot sa cabinet niya ng t-shirt na may tag pa at halatang bago pa na boxers. Wala naman kasing ibang damit doon bukod sa damit niya. At ayaw ko namang isuot muli ang damit kong pinaghubaran. Agad akong bumunot ng underwear sa nakita kong supot ng pambabaeng underwears. He brought me underwears but he didn't brought me women clothes. Weird. And it is much weirder that he knew my size. Binitbit ko iyon pabalik ng banyo. Habang nagbibihis ay 'di ko maiwasang kabahan. Ngayon pa lang ay hindi ko na maintindihan ang pagkabalisa na nararamdaman ko. Ngayon ko lang yata makakasama ang lalaki na hindi ako lango sa alak at talagang nagpapakabog iyon ng puso ko.

Pagkatapos ng maraming hithit buga ng hangin para mapakalma ang puso ko ay lumabas na ako ng banyo. Kita kong nakaupo sa gilid ng kama si Xavior. Naka shorts at sando na ito at matamang nakatingin sa laptop niya.

"I'm going to bed now." Anunsyo ko sa lalaki.

"Sleep." Maikling anito na ikinataas ng kilay ko.

"Look here Montalban, I'm not going to sleep with you, if that's what you're waiting here for." Direktang aniko na ikinahinto ni Xavior sa pagtipa sa laptop niya. He closed it and face me. Napalunok ako ng mataman niya akong titigan.

"Mrs. Montalban, you are my wife now. I can have sex with you whenever I want to. But you are safe tonight. I'm busy and I don't feel like doing it with you tonight, not after..." nahinto ito sa pagsasalita na para bang pinigil nito ang sariling sabihin ang ibang laman ng utak niya.

"Just sleep beside me or sleep on the fvcking deck!" Madiing anito at muling binuksan ang laptop niya at doon tinuon ang pansin niya. Nakatanga lang ako ng ilang minuto sa sinabi niya. Anong akala niya sa akin?! Na papayag na lang ako basta-basta na makipag-do sa kanya ng ganon ganoon na lang? Asa siya!

At nang makabawi ay inis na lumapit ako at nahiga sa tabi niya patalikod sa kanya. I put as much distance as I could between us.

I can't argue anymore, I'm exhausted. Siguro dahil na rin sa emotional turmoil ko kanina kaya naman parang pagod na pagod ako. Atleast I'm safe for tonight.

Nagtalukbong ako ng kumot hanggang leeg. I'll try to worry about Xavior's threat next time. I felt like being lulled to sleep by the smooth and slow movement of the yacht. I close my eyes unconscious of the guy staring at me as I drifted to dreamland.

I woke up alone in the morning. I check the time only to find its already past nine. Mabilis na naligo ako at nagsuot ng panibagong set ng puting t-shirt at boxers.

Bumaba ako sa deck para lang makita sa table si Captain/Father Hank at Xavior na nag-uusap. Mukhang tapos na silang kumain. Nang malingunan ako ni Xavior ay bigla niyang tinawag si Miko. Napatingin ako kay Miko at gumanti ng ngiti sa binatilyong ngiting-ngiti din sa akin. Napapitlag pa ito ng biglang tumaas ang boses ni Xavior habang nag-uutos.

"Bring her breakfast." Anito kay Miko na agad ding tumalima. Naupo na din ako sa tabi ni Xavior. No choice na din dahil wala ng ibang seat kundi sa tabi niya.

"Good morning Mrs. Montalban!" Ani captain Hank na nagpangiwi sa akin.

I can't get used to that name! Damn!
Ramdam ko ang biglang pagsulyap ni Xavior na sakto naman sa pagngiwi ko.

"G-good morning too, captain.. father? You can call me Shanti." Ani ko ng makabawi at ngumiti sa kapitan.

Please call me Shanti!

"Then call me Hank. Okay lang kahit hindi father o captain." Ani Hank at kumindat pa sa akin na ginantihan ko na lang ng ngiti.

Bigla namang nagsalita si Xavior tungkol sa business nila kaya hindi na muli ako nakasakay sa usapan nila. Miko placed my brekfast in front of me. Natuwa naman ako sa pancakes na naroon kaya nginitian ko muli si Miko at nagpasalamat.

Miko smiled boyishly and his face turned red. I find him really cute. Sigurado na ako, may crush siya sa akin.

"Kumain ka na ba?" Aniko sa binatilyo na agad namula.

"Opo ma'am! Tapos na po, kung may gusto pa po kayong kainin ma'am andito na lang po ako sa gilid. Tawagin niyo po ako at sasabihin ko kay chef TJ ang gusto niyo po." Ani Miko na lalo kong ikinangiti.

"Talaga? Sabi mo yan ha. Magugutumin pa naman ako." Biro ko sa binatilyo na ikinatawa nito ng mahina.

"Pareho pala tayo ma'am." Anitong muli na mahina naming ikinatawa pareho.

"Shanti! Eat your damn breakfast!" Napangiwi kaming pareho ni Miko sa malakas na boses na iyon ni Xavior. Napayuko si Miko at mabilis na umalis sa tabi ko, marahil ay natakot sa boses ng amo niya.

I rolled my eyes at annoyance and gave Xavior a dagger look. He also gave me a stern look then continued his conversation with Hank. I stabbed my pancake on the plate, wishing I'm stabbing Xavior instead.

Iniwan ko din sila pagkatapos kong kumain. Nasa upper deck ako at nakatingin sa malawak na karagatan ng maisipan kong mag-sun bathing.

Sayang naman ang pagyayate ko kung hindi man lang ako umuwing itsurang nagbakasyon. I want that tan lines!

Mabilis na kumuha ako ng towel, hinubad ko lang ang t-shit at boxers ni Xavior. Papasa na din namang bikini ang black underwear ko. Then I march on the upper deck laid down the towel and lie in it.

Siguro mabilis lang ang gagawin kong pag-sun bathing since I didn't put any sunscreen. Just a little tanning lang. Bumaligtad ako at dumapa. Ang sarap sa pakiramdam ng init sa balat ko ng sikat na sikat na araw. Muli akong tumihaya at halos mapahiyaw ng bumungad sa mukha ko ang galit na galit na mukha ni Xavior.

"What in the hell are you doing wearing nothing but your underwear?! Galit na galit na bulyaw nito. I can feel my heart racing, from being shocked or being scared, I don't know which. Maybe both!

Ugh! This guy is going to kill me! Not unless, I kill him first!

Sultry ShantiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon