14 Disastrous Engagement

8.6K 238 0
                                    

SHANTI POV

Shit! What the fuck!

With unstable stride, I tried to walk away from the closed space of the elevator and away from the man who can make me turn into a big wobbly jelly. I ran to my apartment room and punched my password nervously and quickly entered my room and shut the door closed. Napasandal ako sa saradong pinto ng condo ko at dinama ang malakas na pintig ng puso ko.

Shit! What the hell happened? Nakakahiya! After telling him I hate him, I eagerly responded to his kisses? Fvck! He must have been laughing at me now!

Napapapadyak ako sa inis sa nagawa kong pagtugon sa halik ng lalaki. Then I went straight to my room and buried my reddened face to my pillow. I just want the ground to swallow me whole. I fell asleep with the thoughts of him.

Today is my engagement party, arranged by my dad and the Montalban family. I pulled my car to my dad's mansion and step out of the car with my drunken state. The result of seven shots of vodka and some absinthe I consumed a while ago.

Wearing my plunging neckline, pink dress and a studded choker I entered the party. I made sure that my clothes are extra sultry for this eventful party.

"Hail hail! The bride-to-be ish here! Did I miss anything?" Malakas na sabi ko ng nakapasok na ako sa entrance. Nakita ko ang mga bisita na napalingon sa direksyon ko. And it's my cue to strike a pose, showing off my legs on the high slit of my dress and parade my smooth, bare back. Some visitors wore their shocked expression and almost all men ogle me with admiration all over their faces. Hinanap ng mata ko ang groom-to-be ko at ng magtagpo ang mata namin ay kita ko ang tinitimping galit na bumalatay sa mukha niya. Lumapad ang ngiti ko at inumpisahang pumunta sa harapan at paakyat ng stage. Nakasalubong ako ng waiter na may dalang champagne na binabalanse nito kaya kumuha ako ng isang glass at tinian iyon habang patuloy ako sa paglalakad. Susuray-suray na umakyat ako sa entablado at kinuha ang mikropono.

"Well, hello everyone! Welcome! welcome!" Panimula ko na ikinatahimik at ikinatingin ng lahat ng tao sa stage. Rinig ko ang mahinang cheers ng mga kalalakihan doon marahil sa landi sa tono ko.

"Where ish that guy? Oh there he is... a round of applause for my dear husband-to-be please?!" Sinalubong ko ang nag-aapoy sa galit na mata ni Xavior habang pinapangunahan ang pagpalakpak. Binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti habang pilit na pinapalakpakan siya ng crowd. Marami doon ang nalilito kung ano ang gagawin nila.

"You see everyone thish ish my engagement party, a celebration of my last days of freedom! A sad countdown to my singlehood. Alam ko marami boys ang malulungkot... I know, I know!" Nagtatawang aniko. Men were cheering and laughing so hard.

"So let's toast to that! Para sa sakal na kasal! Cheers!" Aniko sabay angat ng dala kong champagne sa ere. Na sinundan naman ng ibang bisitang lalaki habang naghahagalpakan sa sinabi ko. Ininom ko ang champagne na parang tubig habang 'di pa din tinatanggal ang tingin kay Xavior.

"I hope you all are enjoying my goddamn party, I know I dont!" aniko sabay tawa ng malakas, may ibang nagbulungan sa mga bisita, may ibang tumawa at may ibang pumalakpak pa. I saw my dad's angry face and my stepmom's shocked one, while Tito Aristel is chuckling as if expecting something like this from me, he knew me so well. I gave them my drunken smile and in my wobbly legs I got off the stage. Muntik pa akong madapa kaya napatawa akong muli.

Fvck I am so drunk!

May biglang humiklit ng braso ko at hinatak ako palayo sa mga bisita at papasok sa loob ng mansyon. Sa sobrang kalasingan ko ay nagpatangay na lang ako at iniiwasang 'wag madapa dahil paniguradong masakit ang bumagsak sa semento.

Pinasok ako ng lalaki sa isa sa mga guestroom namin at hawak ang magkabilang braso ay niyugyog niya ako, marahil sa sobrang galit sa akin. Sinalubong ko ang galit na galit na mukha ni Xavior at binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti.

"What the fvck is wrong with you!? Have you no shame at all!? Why did you come here drunk?! Fvck!" Galit na galit na sabi nito habang niyuyugyog niya ako at madiin ang hawak sa magkabilang braso ko. Sa kalasingan ko ay mas lalong lumapad ang ngiti ko sa kanya na lalo niyang ikinainis. Agad din niyang tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin na parang nandidiri siya sa akin. Buti na lang din at nakapagbalanse ako at 'di natumba kahit pa, parang umikot ang mundo ko sa pagyugyog niyang iyon.

"Just for one night, Shanti. I'm only asking for one night for you to be sober and at your best behaviour, but you just can't. Can you?! Fvck! Fvck Fvck!" Tiim ang bagang nito at nagngangalit ang mga ngipin habang nagmumura. Alam kong nasagad ko na ang pasensiya niya. It's a success! Natawa akong muli ng makita ang itsura ni Xavior na mukhang handa na niya akong patayin.

"I'll be your worst nightmare, Montalban." Aniko at muli siyang tinawanan. Kita ko pa ang pagkasuklam niya sa akin. Buo ang kanyang kamao na wari'y nagpipigil na saktan ako. Tinalikuran ko siya at susuray-suray na umakyat ako ng kama ng guestroom na iyon at humiga ako d'on para makapagpahinga. Lasing na lasing talaga ako. I fell asleep as soon as my head hit the pillow.

Sultry ShantiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon