20 Freedom

8.1K 198 2
                                    

Shanti POV

I didn't go down the deck that lunch time. Busog pa naman ako at ayoko ding makita si Xavior na sobrang kinaiinisan ko. Nagkasya na lang ako sa pagtanaw sa paligid at ang panaka-nakang ibong natatanaw ko. I felt envious of those stupid birds that I'm watching. They were all flying free and happy. So unlike me.

I felt caged.
Trapped.
Lonely.

My freedom that I loved so much is slowly moving out of my grasps and I hate it. I hate how Xavior has taken the one thing I have. The one thing I appreciate. The one thing that makes me, me.

I deeply sighed and rest my chin on my hand. This trip is boring me to death.

I heard someone cleared his throat which made me turn my head and I saw Miko with a tray on his hand.

"Ma'am pinapadalhan po kayo ni Sir Xavior ng tanghalian." Anito na medyo mapula na agad ang mukha.

"Sige, pakilapag na lang sa table, Miko." Walang gana kong sagot.

"Ah ma'am kung may gusto pa po kayo, tawagin niyo lang po ako. Lagi po ako sa lower deck." Anito sa nahihiyang tono na ikinangiti ko naman.

"Miko, samahan mo naman ako. Nakakainip naman sobra dito." Aniko habang nilalapitan ang ibinaba nitong pagkain.

"Ah sige po ma'am. 'Di pa naman siguro ako hahanapin ni boss. May business conference po sila doon sa upper deck kung saan ka po galing kanina. May kausap po sila boss sa video call." anito na ikinatango ko.

Kung ganon kaya pala sila umakyat din doon kanina.

"Matagal ka na ba dito?" Aniko kay Miko habang iniaangat ang takip ng pagkain na dala niya.

"Mga dalawang taon na po ma'am. Palipat-lipat din po kasi ako sa ibat-ibang yate ni boss. Pero kapag naglalayag siya, ako po ang madalas niyang isama." Kwento nito na nagpatango lang sa akin.

"Are we still heading towards the island?" Malungkot na aniko. Antagal naman kasi ng byahe.

"Opo ma'am. Matutuwa po kayo doon. Napakaganda ng lugar at mababait ang tao doon. Maya-maya po siguro andoon na tayo. " Balita sa akin ni Miko na ikinangiti ko na.

"Talaga? Oh good! I miss being on land already!" Eksaheradang aniko na ikinatawa ni Miko.

"Hindi po pala kayo mahilig maglayag." Ani Miko na ikinatango ko habang sumusubo ng dala nitong pagkain.

"Yeah. I don't like being caged in one place like this yacht. This is too small for me. And madali akong ma-seasick." Aniko habang ngumunguya ng pagkain.

"Kaya siguro itinigil na din ni boss ang fishing niya. Dati rati kasi mga tatlong araw iyon mangingisda. Bigla-bigla po kasi ang desisyon niya na dumeretso na sa isla." Ani Miko na kinibitan ko na lang ng balikat.

As if naman sa akin naka-base ang mga desisyon ni Montalban?! That selfish guy will not turn this yacht just for me! Panigurado may ibang rason 'yon kung bakit.

Miko and I are laughing so hard at his antics when the door opened in full swing. Napatigil kami ng makita si Xavior na nakatayo doon na may madilim na mukha. Napaismid ako at napayuko naman si Miko. Mabilis na nagpaalam naman sa akin si Miko, kinuha niya ang tray at muling napayuko at nagpaalam kay Xavior na hindi naman nito pinansin. Sa akin lang nakatingin ang mga mata ni Xavior na puno ng galit. Kung bakit, ay wala akong alam at pakielam.

"Are you flirting with that boy, Shanti? Wala ka na ba talagang pinalagpas?" Anito na ikinasinghap ko.

"What the actual fuck?!" Gigil na aniko sa lalaki. Umakyat ang dugo ko sa ulo sa ibig niyang sabihin.

"Stop flirting around, Shanti! First, Tj and now Miko? Baka naman pati ang pari na kasama natin dito landiin mo din?! May I remind you that you are a married woman now!" Inis na anito na ikinataas ng kilay ko.

"Montalban, hindi ko nilalandi ang totoy na iyon. And if that is my intention... that boy will be all over me even before you came here. Maybe we'll be naked already and doing the deed." Kita ko ang paggalaw ng panga ni Xavior. Halatang nabwisit siya sa sagot ko. Good then!

"I'm married unfortunetly to you, but I'm married only in papers and that's all it ever will be. I don't give a damn about a mere signed contract, Montalban." Walang kaemo-emosyong aniko at tinalikuran ang lalaki. Rinig ko ang malakas na pagbagsak ng pinto ko pasara. Alam kong umalis ang binata sa sobrang inis sa sinabi ko. Napangiting tagumpay ako.

Shanti-II
Xavior-II

Sultry ShantiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon