2 Stop me

13.7K 349 10
                                    

Shanti POV

He heard me.
He heard me.
He definitely heard me.

I wasn't moving at all. I couldn't even blink when I saw the hatred look he throws my way. His hateful scrutiny made me choke on my own saliva. I coughed real hard.

"Okay ka lang, hija?!" Tito Aris stroke my back while I cough even harder.

"Okay...ehem...okay lang ako. Sige na Tito. Sorry sa istorbo." Taboy ko sa kanya sabay mahinang tinulak siya papunta sa anak niyang kulang nalang ay isumpa ako sa mga mapanghusgang titig nito.

Xavior Montalban, Tito Aristel's only son. He's a lawyer too at naging investor si Daddy ng magtayo siya ng sarili niyang firm, so they're like business partners ni Dad. Bata pa lang kami ay magkakilala na kami, dahil na rin siguro madalas nasa bahay namin si Tito Aris at isinasama-sama niya ang anak niya.

Hindi ko alam kung bakit galit siya sa akin. Siguro dahil nahahati ang oras ng ama niya ng dahil sa akin. Or maybe because I pulled a prank or two on him when we were young. Ang sarap kaya niyang asarin dahil masyado siyang seryoso. And he's boring! Too boring na ansarap paglaruan at gawan ng prank. Oo na, ako na ang pilya! In my defense naman, grabe lang talagang magtanim ng galit ang binata. Kung anong ikinabait ng papa nito sa akin ay siyang kabaligtaran naman ng pagkasuklam ni Xavior sa akin.

"Magdi- dinner kami sa labas ng Tita Olga mo at ni Xavior. Why don't you join us?" Ani Tito Aris. Napangiti ako pero nawala iyon ng mapasulyap ako sa inis na reaksyon ni Xavior.

"Naku! Huwag na Tito Aris! Look at me, ang dumi-dumi ko!" Dahilan ko na lang pero naging concious din ako sa itsura ko ngayon. Panigurado sabog sabog ang buhok ko ng nagsabunutan kami ng naka-away ko. Pasikreto kong sinuklay ng kamay ko ang aking mahabang buhok.

"Dad, it's getting late." Inip na reklamo ni Xavior. Hindi naman siya pinansin ng ama habang nakatingin pa din sa akin.

"Eh paano ka nga ba uuwi? Wala dito ang kotse mo?" Nag-aalalang Ani tito Aristel.

"Ah... malapit na lang naman ang condo ko. Magtataxi na lang ako, Tito." Mahinang sabi ko dito.

"No! delikado dahil gabi na at mag-isa ka lang. Nag convoy kami papunta dito ni Xavior, ipapahatid na lang kita sa kanya." Ani Tito Aris na nagpasighap sa akin. Napatingin ako kay Xavior na lalong namang nainis.

"Xav, hijo, ihatid mo muna si Shanti at ako na lang ang susundo sa mama mo." Utos ni Tito Aris sa anak niyang na mas lalong dumilim ang mukha.

"Ah...hindi na Tito! kaya ko na ang sarili ko, isa pa may pupuntahan pa ako, mapapalayo lang si X-Xavior." Sabi ko na lang para lang huwag kaming mapagsolo ni Xavior. Marunog din naman akong umiwas sa mga nega vibes at nega people na ayaw sa akin.

"Sabi ko na ba! Ihatid mo na si Shanti, Xav.  Ideretso mo na siya sa bahay!" Napangiwi ako. Mali yata ang nasabi ko. Pwede magsisi? Take two?

"Hija, tama na ang isang gulo ngayong gabi ha! Patulugin mo naman ang tito ng matiwasay mamayang gabi. Uwi na ha, ihahatid ka na ni Xavior. Sige na." Pinal na ani Tito sabay lingon kay Xavior. Walang nagawang napatango na lang si Xavior sa ama niya. Aangal pa sana ako pero agad ng naglakad si Tito patungo sa kotse niya.

"Tch! Abala!" I clearly heard it kahit na ba napakahina lang niyang sinabi iyon.

"Anong sabi mo?!" Inis na tanong ko. Kung gusto ng lalaki na ito ng away, I can easily oblige.

"Let's go." Matigas na sagot niya. Alam kong iniignora niya ang paghahamon kong tanong. Coward. Nauna na itong maglakad sa nakaparadang bmw niya kaya napasunod na lang ako para marinig niya ang sasabihin ko.

Sultry ShantiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon