CHAPTER TWO

2K 37 0
                                    

"A-ano? pakiulit nga yung sinabi mo mrs. penelope marie andrada benitez, para kasing nabingi kami ni georgina dun sa sinabi mo e"

request ng kaibigan kong si sandy na ulitin ko sa kanila ni georgina ang sinabi ko kanina. nasa wedding shop ko kami ngayon ng mga kaibigan ko at kasalukuyang abala kaming tatlo sa pag-aayos ng mga gown na kaka-deliver lang samin.

"ang sabi ko, si RED after two years simula nung huli naming pagkikita at pag-uusap e nagparamdam siya sakin"

pang-uulit ko nga sa mga ito at para namang nagulat ang dalawa kong kaibigan base nalang sa mga hitsura nila.

"W-WHAT? OMG si RED nagparamdam sayo? kailan pa? i mean, kailan pa siya namayapa ha?"

nanlalaki ang mga matang tanong sakin ni GEORGINA sabay napahawak pa ito sa Fake boobie niya!

kinutusan ko naman ito sa noo dahil sa pagiging tangengot nito.

"ouch bakit kaba nananakit diyan ha?"

malanding daing ni georgina nang kutusan ko nga siya.

"may sinabi ba akong namatay na siya ha? hindi pa siya dedot okay?"

"sorry naman, akala ko kasi namayapa na siya e. sabihin mo ba naman kasing nagparamdam.. diyos ko, sayang naman ang lalakeng yun kung maaga siyang kukunin ni lord.. hindi ko pa siya natitikman mey ged!"

malanding saad ni georgina sa huli na parang kinikilig pa.. tinampal naman ni sandy ito sa balikat..

"ouch! bakit ba nananakit kayong dalawa ni penny ha?"

muli ay daing ni georgina dahil naman kay sandy.

"e malandi ka kasi, sa tingin mo magpapatikim ba naman sayo si red? hinding-hindi ka papatulan nun okay, kahit pa magtututuwad ka sa harapan niya buong araw noh?"

saad ni sandy at si georgina naman ay pinamaywangan naman ito.

"hoy babae, sa ganda kong ito. imposibleng hindi niya ako papatulan noh! aminin niyo na kasi. sa ating tatlo ako ang pinaka-maganda.."

confident na saad ni georgina sa huli at napaawang naman ang mga labi namin sa kaniya ni sandy.

"oo maganda ka, kay ganda mong tsinelasin at sapatusin.. o ito isama mo pa ang mga karayom dito at itutusok na namin sayo ni penny dahil diyan sa kalandian at ka-feelingera mo.."

kunway pagtataray ni sandy kay georgina.

"bakit, totoo naman diba? sa ating tatlo ako ang may angking ganda.. hindi lang basta ganda kundi super duper pang miss. universe ang ganda!"

"oo, pang miss universe! miss universe ng mga bakla!"

wika pa ni sandy at kunway tinignan naman ng matalim ni georgina ito.

"okay sabihin na nating ikaw ang pinaka-maganda sa ating tatlo pero hindi ka pa din papatulan ni RED noh kasi ayaw nun sa FAKE na girl at fake ang boobie na kagaya mo! ang gusto nun real! totoong babae katulad namin ni penny"

"ang sama mo talaga sandy, hindi ko alam kung paano ba kita naging friend"

kunway nagtatampo at napipikon ng saad ni georgina kay sandy..

"friend nga kita kaya ako nagsasabi ng totoo. at saka teka nga. akala ko ba si STRIKE lang ang one and only FOREVER my labs mo e bakit ata napupunta kana kay RED ngayon ha?"

ani sandy at tanong kay georgina.

"e kasi naman inagaw na sakin ni penny si strike, nagtsuktsak tsinis gerter ne sele se keme at nagka-anakis na silang dalawa kaya kay RED nalang ako.. saka daayyyy! hindi ko pinangarap maging kabit noh! natatakot akong matanggalan ng hair extensions dahil lang sa pananabunot sakin ni penny kapag nalaman niyang kami na ni strike.. kaya NO, di bale nalang. kay RED nalang ako"

Hey Bestfriend, I Wanna Have Your Baby! (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon