CHAPTER FOURTEEN

989 33 0
                                    

"PENNY.."

sambit ni sandy pagpasok nito ng pribadong opisina ko.

"hey..."

sambit ko lang habang ako ay nakapangalumbaba at walang kagana-gana sa ginagawa kong design ng gown.

narinig ko nalang ang paghugot ng hininga ni sandy dahil sa nakikita nito sakin ngayon bago siya nagsalita.

"kamusta na kayo ni strike? ano ng balita sa inyong dalawa? ganun pa din ba?"

mga tanong sakin ni sandy nang maupo ito sa silyang nasa harapan ng desk ko at ako naman humugot din ng isang malalim na hinga bago sinagot ang kaibigan ko.

"hayun kagaya pa din ng dati, mag-iisang linggo na niya akong iniiwasan, hindi niya ako kinakausap, hindi siya nagpapakita samin ni baby easton at ni sagot nga sa mga tawag at text ko, wala din e.."

saad ko kay sandy kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata ko. marahas ko namang pinunasan agad yun at huminga uli ako ng malalim dahil para akong hindi makahinga ng maayos sa muling paninikip ng dibdib ko.

"hay naku penny, sinabi ko naman na kasi sayo e.. sabihin mo na kaagad kay strike kung ano mang meron kayo ni red.. hayan tuloy. iniisip niya pinagtaksilan mo siya"

panunumbat sakin ni sandy at ako naman, patuloy lang sa paghikbi ko.

"alam ko naman yung pagkakamali ko sandy e. alam kong nasaktan ko si strike dahil sa mga nagawa kong paglilihim sa kaniya tungkol samin ni red pero sandy,. ang sakit lang kasi e.. biruin mo.. yun lang naman yung pagkakamaling nagawa ko kay strike pero iniisip niya pinagtataksilan ko na siya. iniisip niya may relasyon kami ni red.. sandy alam niyo naman ni georgie na wala kaming relasyon ni red diba kundi bilang isang magkaibigan lang.. bakit ayaw akong paniwalaan ni strike sa bagay na yun? bakit?, dahil ba yun sa nagawa ko kaya mahirap na ngayon kay strike ang paniwalaan niya 'ko?"

hinaplos-haplos ni sandy ng marahan ang braso ko at panay lang ang pang-aalo nito sakin na para bang maiibsan nun ang sakit na nadarama ko ngayon.

"sandy namimis ko na yung asawa ko. anong gagawin ko para mapatawad niya 'ko? mababaliw na ako sa kakaisip e.. sa dalawang taon na nagsama kami ni strike bilang mag-asawa. aaminin ko, may mga naging pagkukulang ako sa kaniya. hindi ko siya masiyadong napagtuunan ng pansin dahil sa trabaho ko.. then nung dumating si baby easton, kahit yung anak ko hindi ko din natututukan o naaalagaan masiyado dahil busy ako sa maraming bagay. pakiramdam ko ngayon, wala akong kuwentang asawa at ina.. parang ang ironic lang diba? kasi dati nadedesperada ako na magkaroon ng asawa at anak tapos ngayong meron na akong strike at easton, hindi ko naman sila masiyadong naaalagaan at pinapansin... wala akong kuwentang asawa at ina sandy.. wala akong kuwenta.. kung meron man nagkulang talaga saming dalawa ni strike.. ako yun.. minahal ako, inintindi at inalagaan ng asawa ko pero ito lang yung ginawa ko sa kaniya.."

mahabang pahayag ko kay sandy sa lahat ng saloobin ko ngayon habang patuloy pa din ako sa aking pag-iyak.

"penny, oo nagkamali ka pero huwag mo sabihin na wala kang kuwentang asawa at ina.. oo may mga time lang talaga na hindi mo napagtutuunan ng pansin ang anak mo at ang asawa mo pero hindi enough yun na dahilan upang masabi mo sa sarili mo na wala kang kuwenta.. look, kung mahal na mahal mo si strike.. kahit pa anong mangyari. patunayan mo sa kaniya na nagkamali siya ng iniisip niya sayo. patunayan mo sa kaniya na kahit kailan hindi mo nagawa ang pagtaksilan siya. patunayan mo sa kaniya na siya lang yung nag-iisang lalake diyan sa puso mo at gagawin mo ang lahat bumalik lang siya sayo.. ika nga, kung kinakailangan.. ligawan mo ang asawa mo.. gawin mo ang lahat ng makakaya mo penny.. huwag kang susuko.. hindi ba't yun naman ang ipinangako ninyo sa isa't-isa ni strike sa simbahan nung ikinasal kayo.. na sa hirap man o ginhawa.. habang buhay kayong magsasama.. huwag kang susuko penny... ipakita mo sa asawa mo na ikaw pa din ang babaeng mas nararapat para sa kaniya.."

Hey Bestfriend, I Wanna Have Your Baby! (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon