CHAPTER THIRTEEN

966 34 0
                                    

KULANG NALANG bumaon ang mga kuko ni strike sa mga braso ko dahil sa mariin nitong pagkakahawak dun. hindi ko talaga inaasahan ang biglaang pagsulpot niya sa disco pub. nalilito ako sa mga nangyayari ngayon. iniisip ko, sana ay panaginip lang ito. na sana panaginip lang ang nakita kong pagbubugbugan nina strike at red kanina.

pero hindi.. alam kong totoo ito at hindi isang panaginip lang base nalang sa sakit na nadarama ko sa aking braso ngayon dahil sa pagkakahawak at paghila sakin ng asawa ko.

sa totoo lang, ngayon ko lang nakita si strike na magalit ng ganito ka-todo.

"get inside the car!"

mariing utos sakin ni strike nang makarating kami nito sa kinaroroonan ng kaniyang kotse at matapos nitong buksan ang pinto nun.

"strike, may dala akong sasakyan, puwede bang---"

"damn it penny! hindi mo ba ako narinig ha?! i said, get inside the car, now!"

muli ay mariing utos sakin ni strike sa napaka-seryoso at madilim pa din nitong anyo. wala na akong nagawa kundi ang pumasok na nga sa sasakyan nito at napapikit nalang ako ng mariin dahil sa lakas at sa padabog nitong pagsara ng pinto nun.

"strike..."

sambit ko sa pangalan ng asawa ko ngayong nagmamaneho na ito ng sasakyan.

"strike, nalilito ako sa nangyayari ngayon, anong ginagawa mo dun sa disco pub kanina? sabihin mo nga sakin sinadya mo ba ang sundan ako?"

tanong ko dito ngunit hindi umimik si strike at patuloy lang siya sa kaniyang pagmamaneho. madilim na madilim ang anyo nito at sa totoo lang parang ibig kong matakot ngayon sa asawa ko dahil sa galit na nakikita ko sa kaniya.

"strike, answer me.. sinadya mo bang sundan ako ngayon para manmanan ako?"

muli ay tanong ko at ngumiti naman ng mapait si strike habang nakatutok ang mga mata nito sa daan bago nito nagawang sagutin ako at imikan sa wakas.

"oo, sinundan kita! dahil alam mo ba kung bakit ha penny? dahil malakas ang pakiramdam ko na magkikita uli kayo ng tang inang RED na yun!"

galit na galit na sagot sakin ni strike nang sulyapan niya ako.

"ano? hindi ko maintindihan? paano mo naisip na makikipagkita ako kay red ngayon?"

nalilito kong tanong pa din kay strike at siya naman, marahas niyang inihinto sa kung saan ang kotse at madilim ang anyo nito na hinarap ako.

"hindi mo maintindihan penny?! puwes ipapaliwanang ko sayo kung paano ko naisip na magkikita kayo ngayon ng lalakeng yun! penny, matagal ko ng alam na may komunikasyon kayo ni red.. gusto mong malaman kung kailan ko nalaman ha?! yun lang naman yung time ng nakita mo ako na hawak ko yung cellphone mo. tumawag si red sayo at narinig ko na siya yung nasa kabilang linya. well, hindi niya ako narinig at hindi din niya nalaman na ako yung nakasagot ng tawag niya sayo dahil yun nga, dumating kana. alam mo ba that time penny.. gustong-gusto na kitang tanungin tungkol sa inyo ni red pero mas pinili ko ang manahimik nalang muna dahil umaasa ako na sasabihin mo sakin ang tungkol sa inyo.. pero hindi e.. hindi ganun ang nangyari. kahit kailan hindi mo nagawang sabihin sakin yun dahil mas gusto mo pa ang ilihim sakin ang tungkol sa inyo ni red para malaya kayong nagkikita at nagagawa niyong dalawa ang gusto ninyo ng wala akong kaalamalam at nagmumukha na akong gago dahil sa inyo!"

mahabang pahayag ni strike sa lahat ng kaniyang sama ng loob sakin at ako naman sunod-sunod ang aking iling sa huling sinabi nito.

"strike hindi totoo yang sinasabi mo, hindi kita niloloko---"

"hindi mo ako niloloko! damn it penny, kitang-kita ko na nga e! huling-huli ko na kayo ni red tapos sasabihin mo pa din saking hindi mo ako niloloko ha?! so ano ang tawag mo dun?! wala lang ba yun penny?! wala lang!"

Hey Bestfriend, I Wanna Have Your Baby! (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon