CHAPTER TWELVE

892 28 0
                                    

PAGDATING ko ng bahay namin ni penny. nang nasa sala na ako at sumalubong siya sakin. kay tinding pagtitimpi talaga ang ginawa ko nang halikan niya ako sa pisngi. hindi ko lubos maisip kung paano ba nagagawa ni penny ang ngumiti sakin ng ganun, humalik at humarap sakin ng hindi man lang yata nagi-guilty sa mga ginagawa nilang dalawa ni red.

nang akmang magsasalita na sana ako upang komprontahin ito sa video na nakita ko kay seth kanina. naunahan naman ako ni penny.

"babe, nga pala tonight lalabas ako ha. naisipan kasi namin nina georgina at sandy na mag-girls night out! diba sabi mo sakin dati kapag gusto kong lumabas ng gabi, sabihin ko lang sayo.. so, ano okay lang ba?"

girls night out! seriously! lalabas nga lang ba talaga si penny kasama ng dalawang kaibigan nito o sila ni red mismo ang magsasama ngayong gabi dahil sa namimis na uli nila ang isa't-isa?

"night out? kasama nina georgina at sandy?"

tanong ko uli kay penny nang hindi ipinapahalata dito ang tunay na nadarama ko.

nagbago ang isip ko. hindi ko na muna kokomprontahin si penny dahil may nabuong plano agad ngayon sa isipan ko. yah isang magandang plano. at yung lang naman ay ang susundan ko si penny ng palihim sa GIRLS NIGHT OUT! na sinasabi nito. huhuliin ko siya. at kapag nakita kong hindi sina georgina ang kasama niya at si red pala...

fuck! hindi magugustuhan ng red na yun ang mangyayari sa gagawin ko sa kaniya. mahal ko si penny pero hindi ko na kayang magpakagago! magpakatanga at martyr!

"oo, girls night out! dont worry strike sandali lang naman kami.. promise, bandang 1 am nandito na ako sa bahay.. at kung sakali na gising kapa pagdating ko mamaya.. how about ituloy na natin yung dapat mangyari satin kaninang umaga ha.. hmm.. babe"

nanlalambing pang saad sakin ni penny sa huli at ikinuskos pa nito ang sariling ilong sa kanang pisngi ko.

"babe please.. so ano payag kana ba?"

muli ay tanong sakin ni penny sa nanlalambing na boses at para namang ibig kong magalit lalo. paano nagagawa ni penny ang maglambing sakin ng ganun na para bang wala lang dito ang mga pang-gagagong ginagawa niya sakin?

"penny minahal kita.. god knows how much i love you.. paano mo ba nagagawa sakin ang ganito?"

piping paghihinakit ko habang nakatingin lang ako kay penny at maya-maya tumango nalang ako dito bilang sagot sa hiling nito.

"talaga! okay lang sayo na lumabas ako tonight strike?!"

natutuwang tanong sakin ni penny at muli ay tumango ako dito at pilit na ngumiti na para bang walang nangyayari sakin ngayon dahil sa kaniya.

"oh yes! thank you so much babe!"

kay laki ng ngiting pasasalamat ni penny sakin sabay niyakap niya ako at hinalikan sa labi ko.

nang yakapin ako ni penny at hinalikan sa labi ko. pakiramdam ko maiiyak na ako sa mga emosyong nadarama ko.. mahal na mahal ko si penny. sa tingin ko, hindi naman ako nagkulang sa kaniya bilang asawa niya at bilang ama ni baby easton. pero bakit ganun? ganito lang ang ginagawa sakin ni penny ngayon?

"uhmm.. babe aakyat nalang muna ako sa kuwarto okay.. magpapalit lang ako ng damit"

agad kong paalam kay penny nang matapos niya akong halikan dahil sa nagbabadya ng luha sa mga mata ko.

hindi ko na hinintay pa ang sagot ni penny at nagmamadali ko ng tinungo ang kuwarto naming dalawa. nang makarating ako. pagpasok ko palang dun at maisara ang pinto nun. agad tumulo ang mga luha na kanina pa nagbabadya sa aking mga mata dahil sa sakit, sama ng loob, galit at selos na aking nadarama.

Hey Bestfriend, I Wanna Have Your Baby! (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon