CHAPTER TEN

875 28 0
                                    

Pag-gising ko ng umaga. agad akong nagpunta sa kuwarto ni easton upang tignan ang aking mag-ina at para kausapin din si penny. ngunit pagdating ko dun, nakita kong wala na pala sila roon at naisipan kong baka nasa kusina na ang dalawa at nag-aalmusal na. nang makarating nga ako ng kusina, naroon na nga silang mag-ina.

nang magtama ang mga mata namin ni penny. kagaya kagabi, hindi uli kami nito nag-iimikan. para bang hindi kami nito magkakilala ngayon kung mag-iwasan at magtinginan.

anyway, hinalikan ko sa noo si baby easton nang makalapit ako sabay nag-good morning dito. nang tignan ko si penny, nag-iwas lang ito ng tingin sakin at itunuon ang sarili sa pagpapakain sa baby namin.

napakagat labi nalang ako at huminga ng malalim dahil sa nangyayari samin ngayon ng asawa ko. sa totoo lang parang hindi na ako sanay ng ganito kami ni penny. nung mag-bestfriends palang kami nito, kapag nagkakainitan kami o nagkakatampuhan at away. parang hindi ako masiyadong naiilang o ano pa man. pero ngayong asawa ko na siya para bang naiilang ako na ewan at hindi ko kayang tiisin ng ganito kami ni penny ng matagal.

makalipas pa ang ilang minuto naming hindi pag-iimikan ni penny habang nag-aalmusal. nang akmang magsasalita na sana ako upang subukan na kausapin ito at hindi ko na talaga kaya ang nakakabinging katahimikan.

doon naman biglang dumating ang baby sitter ni baby easton na dalaga na si betty.

may susi si betty ng bahay namin. sinadya talaga namin ni penny na bigyan ito ng duplicate ng susi ng bahay namin dahil kung kinakailangang dapat ipasyal ni betty ang anak namin sa park or may emergency o ano pa man. may susi siya ng bahay namin.

mga ilang buwan na ding nagtratrabaho samin si betty at sa maikling panahon na yun na naging baby sitter ito ni easton at nagtratrabaho samin. wala naman kaming nakita ni penny na may pangit o masamang ginawa ito samin. mabait siya at mukha namang mapagkakatiwalaan. saka kamag-anak naman siya ng kasambahay nila brent at mismo nga ang kaibigan kong yun ang nagbigay sakin ng baby sitter ng anak ko.

"hello ate penny, kuya strike! baby easton, good morning!"

magiliw na pagbati nito habang papalapit samin sa kusina.

"ang cute tlaga ng baby easton oh! alam mo bang araw-araw excited akong pumasok dito dahil diyan sa makamandag na ngiti mo.. neenleb eke seye eh"

natutuwang saad ni betty kay easton nang makalapit at ngumingiti naman ang anak namin ni penny dito habang nakikipag-usap..

"so paano betty, ikaw nalang ang bahala dito kay eston ha. alam mo naman na kung ano ang mga gagawin.. kailangan ko ng mag-prepare para sa pagpasok sa opisina. sige maiwanan na kita ha.."

agad na saad ni penny kay betty sabay umariba na nga ito ng alis nang hindi man lang talaga ako inimikan o nilingon-likod man lang.

sa ginawang yun ni penny, nagpaalam din ako kay betty at sinabing kailangan ko na ding mag-prepare para sa pagpasok ko din sa opisina kahit pa man ang totoo niyan. gusto ko lang sundan agad si penny upang kausapin tungkol sa nangyari kagabi.

*************************************

"penny, can we talk?"

hiling sakin ni strike pagpasok nito ng kuwarto namin. hindi ko alam na susundan pala agad niya ako upang kausapin. alam ko kung ano ang gusto nitong pag-usapan namin at yun lang naman yung nangyari samin kagabi.

"penny alam kong masama ang loob mo sakin dahil sa nagawa ko sayo kagabi. im sorry okay.. sabihin na nating may pagkakamali ako. medyo lasing na din ako kaya kita nasagot ng ganun but i swear hindi ko sinasadya yun. babe please, ayokong magpatuloy tayo ng ganito.. ayoko ng hindi mo ako kinakausap o pinapansin na para bang hindi tayo magkakilala.. im sorry.. please huwag ka ng magalit sakin"

Hey Bestfriend, I Wanna Have Your Baby! (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon