CHAPTER EIGHT

914 24 0
                                    

"Penny, hindi kapa ba tapos diyan sa ginagawa mo?"

tanong sakin ni strike nang maabutan niya akong hindi pa din tapos sa pagde-design ng mga wedding gown na ginagawa ko. mag-aala una na kasi ng madaling araw at heto nga pinipilit ko ang aking sarili na tapusin yun. well, puwede ko din namang ituloy nalang bukas ang ginagawa ko kaso gustong-gusto ko lang talaga sanang matapos na para may maipakita na 'ko sa kliyente kong naghahanap ng mga bagong designs ng wedding gown.

"hindi pa nga e. gusto ko na ngang tapusin sana ito ngayon para naman matawagan ko na bukas yung client ko na naghahanap sakin ng new designs ng mga wedding gown ko"

pahayag ko kay strike nang sulyapan ko siya.

"e ikaw ba, tapos mo naba yung mga tinatrabaho mo kanina?" tanong ko din dito.

kanina pa kasi ito sa terrace, sobrang busy din sa kaniyang tinatrabaho at ngayon lang ito tumigil at pumasok ng aming kuwarto.

"hindi ko nga din natapos e. itutuloy ko nalang yun bukas at saka inaantok na din ako"

wika ni strike sa inaantok na ngang boses habang inaayos nito saglit ang mga gamit at computer na kaniyang ginamit.

"nga pala, ano ba yung sasabihin mo dapat sakin kanina? yung tungkol ba sa birthday party ni easton yung sinasabi mo sakin?"

kapagkuwan ay tanong ni strike ngayong nakahiga na siya sa kama.

ang akala ko nakalimutan na ni strike yung kanina.. hindi pa pala.. naku, forgive me lord pero hindi pa talaga ako handang sabihin kay strike yung tunkol samin ni red.

"ah yun ba? gusto ko lang sanang itanong sayo kung sino ba yung mga iimbitahan at kukunin mo talagang ninong at ninang kasi para maayos ko na yung birthday card invitation ni easton"

pagsisinungaling ko nalang kay strike at parang gusto ko talagang kutusan ang sarili ko dahil nagagawa ko yun sa asawa ko.

anyway, pagsasabayin ang first birthday at ang binyag ng anak namin ni strike dahil hindi pa nga nabibinyagan si baby easton.

"yun lang ba talaga yung itatanong mo sakin o may iba pa?"

parang hindi kumbinsidong tanong naman sakin ni strike at bigla ay para akong naalarma base na din sa seryoso nitong hitsura.

"ha? may iba pa? w-wala na.. yun lang talaga."

kaila ko at sana naman hindi nahalata ni strike ang pagkakautal ko.

"are you sure? kasi kanina mukhang seryoso yung hitsura mo talaga nung sinabi mo saking may sasabihi ka kaya naisip ko, baka mas serious pa talaga dun sa birthday party ni easton yung sasabihin mo sana sakin?"

nakagat ko nalang ang ibabang labi ko dahil sa narinig kong yun sa asawa ko, at maya-maya agad ko namang naisipan na itigil nalang ang ginagawa kong trabaho para lambingin nalang ito. baka kasi kapag ginawa ko yun, hindi na ako kukulitin pa ni strike sa kakatanong ng isang bagay na hindi ko pa kayang sagutin or sabihin sa kaniya...

"ah sa tingin ko, bukas ko nalang din ito itutuloy. para kasing medyo inaantok na din ako e"

pag-iiba ko ng usapan habang inaayos sandali ang mga gamit ko sa pagdedesigns ng mga gown at pati na din ang laptop ko.

"oh akala ko ba gusto mo ng tapusin yan dahil para matawagan mo na bukas yung client mo? bakit naman parang biglang nagbago ang isip mo at ayaw----"

hindi na naituloy ni strike ang kaniyang sasabihin nang biglang dumagan ako sa ibabaw nito sabay hinalikan siya ng mariin sa labi..

"babe what are you doing?"

takang tanong ni strike dahil sa biglaang panghahalik ko sa kaniya.

"ano ang ginagawa ko? well, alam mo naman na siguro kung ano ang gusto ko kaya ko ginagawa 'to sayo my husband"

Hey Bestfriend, I Wanna Have Your Baby! (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon