CHAPTER SIX

1K 28 0
                                    

"GOOD MORNIIIINGGGGGGG! mukhang maaga atang nagising ang mag-daddy ngayon ha?"

salubong ko sa aking mag-ama na nasa kusina at nag-aalmusal na..

humalik ako kay baby easton nang makalapit ako sa kaniya at pagkatapos ay sa asawa ko naman.

"good morning babe"

wika ko kay strike pagkatapos ko siyang halikan sa labi.

"kaya pala wala kana pag-gising ko kanina. nandito na pala kayong mag-ama sa kusina nag-aalmusal na"

patuloy ko habang humihila ng silya sa tabi ng anak ko.. ngumisi naman ng nakakaloko si strike sakin. or mas tamang sabihing ngumiti ng pilyo..

"hmmm.. ano na namang ngiti yan ha mr. benitez?"

kunway puna ko dito kahit pa man alam ko kung ano ang nasa isipan nito ngayon.

"wala naman. naisip ko lang na kaya mo ako hinahanap sa tabi mo kanina pag-gising mo kasi naghahanap kapa ng round... hmm.. wait.. nakailang round ba tayo kahapon at nung kagabi.. round 8 ba ha?"

"STANLEY RICK BENITEZ! ano kaba nandito ang anak mo oh! kung anu-ano ang sinasabi mo diyan?"

saway ko at panay naman ang tawa ng asawa ko.

"ano ka din ba? hindi pa naman naiintindihan ni baby easton kung ano ang pinag-uusapan natin okay."

"kahit na, hindi pa din maganda na nag-uusap tayo ng tungkol sa bagay na yun kaharap ang anak natin okay.. kahit pa man hindi niya naiintindihan"

pagpapaliwanag ko at tumigil din naman agad ito.

"alright, alright.. hindi na po mauulit.. hindi na ako magsasalita ng tungkol dun kapag kasama si baby easton.. pero huling hirit penny.. aminin mo.. nag enjoy kagabi sakin diba?"

kay laki ng ngiti at pilyong tanong ni strike sa huli sabay kindat.

"STRIKE! ano ba, sinabi ko ng...."

"oo na, oo na.. sorry na po.. masiyado ka namang high blood diyan mrs. penelope marie benitez.."

sa wakas ay pag-tigil ni strike sa kaniyang kapilyuahan habang pinapakain na nito ng quaker oats ang baby namin..

napapangiti nalang ako habang pinagmamasdan ko si strike.. kasi hindi lang talaga siya mapagmahal na asawa at ama din sa anak namin.. kundi ang sipag at responsable pa talaga niya.

ang suwerte ko namang WIFE.. kasi pag-gising ko sa umaga. wala na akong aasikasuhin.. si strike na ang nag-aasikaso sa baby namin. nagluluto siya ng almusal at siya pa ang mag-aayos lahat ng mga pinagkainan namin pagkatapos, bago siya mag-handa para sa pagpasok sa trabaho niya.

pakiramdam ko, parang wala akong kuwentang may bahay kasi halos lahat na ng gawain dito sa bahay namin.. si strike ang gumagawa tapos siya pa minsan ang nag-aalaga sa anak namin sa gabi..

sa aking mga naisip na huli.. napalabi nalang ako dahil sa guilt na aking nadarama. napansin naman ni strike yun sakin.

"oh ano naman ang nangyari sayo at biglang parang naging malungkot ka? at saka bakit hindi kapa mag-almusal ha?"

puna ng asawa ko sakin.

"wala naman.. naisip ko lang na.. masuwerte talaga ako sayo.."

pag-amin ko dito at napangiti naman si strike sakin..

"baby easton, look at your mommy oh.. naglalambing siya kay daddy.. gusto ata ng round 9..."

"strike ano ba! ayan kana naman e"

Hey Bestfriend, I Wanna Have Your Baby! (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon