CHAPTER SEVENTEEN

1.1K 43 0
                                    

TWO WEEKS AFTER...

"HEY dude, oh ayan isang box ng cupcake for you.. dumaan dito kanina ang misis mo at pinabibigay niya sakin yan sayo"

agad na salubong sakin ni seth pagpasok ko palang sa condo unit nito sabay inabot ang isang maliit na box na naglalaman ng cupcake galing kay penny. muli ko namang inilapag yun sa center table nang hindi man lang tinignan ang loob nun maging ang card na nakaipit dun.

"woah! teka lang, hindi mo man lang ba titignan or titikman yung mga cupcake na ginawa ng misis mo para sayo? at saka tignan mo oh may card pang kasama.. hindi mo ba babasahin kung ano ang nakasulat?"

parang nanunudyo pang saad sakin ni seth ngunit nilampasan ko lang ito.

"jesus, strike! hanggang kailan mo ba babalewalain at hindi papansinin si penny? kawawa naman yung asawa mo. nililigawan kana niya lahat-lahat para mapatawad mo na siya but look at you nagmamatigas kapa din sa kaniya"

"look seth, pagod ako ngayon okay. wala akong gana para pag-usapan ang tungkol sa bagay na yan"

iritado kong sagot dito at patuloy akong naglakad papunta sa loob ng kuwartong okupado ko sa unit nito. ang kuwarto na dating tambakan ng mga gamit ni seth.

"dude alam kong ako mismo ang nagsabi sayo na komprontahin mo si penny tungkol sa kanila ni red at--"

"seth please, sinabi ko na sayo... im tired at wala akong gana para pag-usapan ang tungkol diyan okay"

nawawalan na ng pasensiya kong saad kay seth dahil sa patuloy na pangungulit nito na pag-usapan ang bagay na iniiwasan ko.

"look strike, kung hindi ngayon e kailan? dude sa ginagawang pangsusuyo sayo ni penny nakita ko kung gaano siya nagsisisi sa ginawa niya sayo.. sa tingin ko hindi naman talaga niya ginustong itago sayo yung tungkol sa kanilang dalawa ni red.. look, nakausap ko sina georgina at sandy. nakita ko sila sa isang coffe shop kahapon. ang sabi nila sakin.. sina red at penny wala na daw komunikasyon ulit ngayon at naghiwalay na sila. pinutol na daw nina red at penny ang friendship na meron sila dahil naisip nilang mas makakabuti nalang daw ang ganun para wala ng gulo"

"seth bakit mo ba sinasabi sakin ngayon 'to ha? bakit ba kailangang kulitin mo ako ngayon tungkol sa bagay na yan?"

"dahil ang gusto ko lang naman e sana magkaayos na kayo ng asawa mo"

"gusto mong magkaayos na kami ni penny o para makaalis na ako dito sa unit mo? nasisikapan kana ba dito sa unit mo dahil sakin, seth? just tell me"

"strike alam mong hindi yun ang dahilan okay. bakit mo ba iniisip yan ha? dude, hindi mo ba nakikita ang pagtiyatiyaga ni penny na ligawan ka.. na amuin ka. na patunayan sayong nagsisisi na siya at nagkamali talaga siya sa nagawa niya sayo.. strike. asawa mo siya okay.. hindi siya basta girlfriend mo lang na kapag nag-away kayo at ayaw mo ng kibuin o ang kausapin hanggang gusto mo e okay lang.. dude may anak kayo.. hindi mo ba puwedeng i-consider si easton para ayusin niyo na agad ang gusot na meron kayo ni penny?"

pagpapaliwanag sakin ni seth at umiling-iling lang ako sa kaibigan ko.

"so ano ito? kasalanan ko ba kung bakit ako nagkakaganito ngayon? kasalanan ko ba kung bakit nangyayari ito ha?"

"hindi.. ang sakin lang naman. bigyan mo sana ng pagkakataon ang asawa mo. nagsisisi na siya, hanggang kailan kaba magmamatigas ng ganyan sa kaniya strike?"

"hindi ako nagmamatigas okay, nasaktan ako kaya--"

hindi ko na natapos ang sasabihin ko pa sana kay seth nang mag-ring ang kaniyang cellphone at agad namang lumabas ang kaibigan ko sa kuwarto ko upang sagutin ang tawag nito.

makalipas ang ilang segundo agad bumalik si seth sa aking kuwarto.

"strike, si georgie tumawag.. kanina kapa daw niya tinatawagan sa cellphone mo kaso hindi ka naman daw sumasagot"

"nai-silent ko na naman siguro ang phone ko kaya hindi ko alam na tumatawag siya sakin at saka teka nga, bakit ba daw tumatawag si georgina?"

iritado kong tanong at nakita ko ngang naka-silent ang cp ko at ang 5 missed calls na galing kay georgina.

"strike sabi ni georgina nasa hospital daw si penny ngayon. dude buntis ang asawa mo at dinugo daw siya ngayon"

bigla akong nakadama ng matinding pag-aalala kay penny dahil sa ibinalitang yun sakin ni seth.. sa aking takot para sa asawa ko at sa baby namin na ipinagbubuntis nito ngayon, nagmamadali akong umalis sa unit nito upang makarating agad sa hospital.

habang nasa daan na ako at nagmamaneho, tinawagan ko si georgina at tinanong kung nasaang hospital naroon sila ni penny. sinabi naman nito sakin kung saan at makalipas ang ilan minuto kong biyahe. nakarating din ako sa wakas ng hospital.

"si penny, nasaan siya? is she okay now? yung baby namin?"

sunod-sunod kong tanong sa kaibigan ni penny nang makita ko itong nasa waiting area.

"hayun nasa emergency room pa din siya hanggang nagyon. mabuti naman at dumating kana strike dahil naku, kung hindi maloloka ako dito dahil sa tensyon"

nag-aalalang sagot sakin ni georgina at ako naman ay hindi magawang umupo o ang kumalma dahil sa pag-aalala.

"wala pa bang sinasabi ang mga doktor kung okay lang ba si penny ha georgie?"

muli ay tanong ko dito.

"e strike mula nung ipinasok sa emergency room si penny. ang tanging alam ko lang na sinabi sakin ng doktor kanina e buntis daw ang asawa mo at kaya siya dinugo e dahil sa stress. sa ngayon e ginagamot pa nga si penny at sana naman walang mangyaring masama dun sa baby ninyo"

"e ano ba talaga kasi ang mga ginagawa ni penny at dinugo siya? i mean, nagbubuhat ba siya ng mabigat, nagpupuyat ba siya? saka teka lang, bakit hindi sinabi sakin ni penny na buntis siya?"

mahihimigan ang irita sa boses ko nang itanong ko ang mga yun kay georgina.

"strike kaya hindi nasabi sayo ni penny e dahil kahit siya hindi din naman niya alam na buntis pala siya. kanina nga nagulat nalang kami nang dumating siya sa shop. dumadaing at sinasabing masakit na masakit daw ang tiyan niya hanggang sa yun nga, dinugo na siya. ang sumunod nalang nun, nagmamadali ko nalang siyang itinakbo dito sa hospital habang si sandy naman ang naiwan sa shop para magsara.. maya-maya parating na din yun dito. dapat sana mag-o-overtime kami nina sandy at penny sa shop dahil sa mga trabahong tambakin ngayon doon kaso heto ang nangyari, na-hospital ng wala sa oras si penny"

natutop ko nalang ang aking noo dahil sa mga narinig kong yun kay georgina kasabay ng paglabas naman ng doktor na nanggaling ng emergency room.

"kayo ho ba ang kamag-anak ni mrs. penelope marie benitez?"

agad na salubong ng lalakeng doktor samin ni georgina.

"hmm.. dok ako ho si mr. benitez. asawa ho ako.. kamusta na po yung lagay ng misis ko? yung baby ho namin?"

nag-aalala kong tanong sa lalakeng doktor.

"dont worry mr. benitez stable na po ang lagay ng asawa ninyo at yung baby naman po ninyo. okay na din po siya. mabuti nalang naitakbo niyo siya agad dito sa hospital dahil kung hindi, baka tuluyan na hong nakunan ang misis ninyo"

"ganun ho ba dok? e ano po ba talaga ang cause ng pagdudugo ng asawa ko ngayon? may problema ho ba sa pinagbubuntis niya?"

"base po sa lahat ng examine na ginawa po namin sa asawa ninyo. ang tanging lumabas lang ho na resulta e sobrang stress ang dahilan kaya po siya dinugo. kung maari sana huwag ho siyang magpupuyat, magpapakapagod sa trabaho, or ang mag-isip ng mga kung anu-anong nakakapagpabigat ng loob niya.. anyway, may mga irereseta po kaming mga kailangang inumin ng asawa ninyo kagaya ng vitamins at makakatulong po yun sa kaniyang pregnancy"

inporma sakin ng doktor at maya-maya sinabi nito kung saan maari naming puntahan si penny bago ito tuluyang nagpaalam samin ni georgina.

Hey Bestfriend, I Wanna Have Your Baby! (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon