CHAPTER NINE

860 29 0
                                    

"TALAGA RED! hindi mo ba ako binibiro diyan sa sinasabi mo ha?"

hindi makapaniwalang tanong ko dito sa kabilang linya dahil sa kilalang tao na kliyenteng sinasabi nito at ibinibigay sakin ngayon.

tumawa naman si red sa kabilang linya bago sumagot.

"ano kaba penny! sinabi ko na ngang oo diba? paulit-ulit ka alam mo ba yun? saka mukha ba akong nagbibiro?"

tatawa-tawa nitong saad at ako naman ay impit na napatili dahil sa napakagandang balita nito sakin.

"naku thank you, thank you, thank you talaga red! alam mo hindi pa man ako nakaka-move on sa gulat dahil dun sa ibinigay mo saking galante na kliyente nung isang linggo. ngayon naman, hindi lang basta-basta client ang ibinibigay mo uli sakin ngayon kundi kilalang tao pa talaga. alam mo ba kung gaano kagandang advantage sakin ng ginawa mong ito, kasi puwede pang mas lalong makilala ang wedding shop ko dahil sa kilalang kliyente na yun. alam mo thank you, thank you, thank you talaga!"

masayang-masaya na pahayag ko kay red at ito naman ay natatawa nalang sakin.

"oh siya tama na ang thank you dahil kung pera lang yang paulit-ulit na pag thank you mo sakin malamang mayaman na mayaman na 'ko"

pabirong saad pa nito at ako naman, hindi pa din talaga matigil sa pagte-thank you ko dito.

"masaya lang naman ako kaya panay ang thank you ko sayo okay.. anyway.. at dahil sa masaya ako, ngayon naman sabihin mo sakin kung paano ba ako makakabawi sayo?"

alok at tanong ko sa huli kay red at agad namang tumanggi ito..

"oh come on red, sige na.. name it.. paano ba ako makakabawi sayo para naman---"

"penny ano kaba? hindi namam ako humihingi ng kapalit diba.. ayos na sakin yung nag-thank you ka ng paulit-ulit promise.."

giit pa din ni red ngunit nagpumilit pa din ako dito.

"sige na please.. sige na, sige na.. hindi ako titigil hangga't hindi ka pumapayag.. sige ka hindi matatapos ang tawagan nating 'to kung hindi ka u-oo sa alok ko"

kunway pananakot ko pa sa huli dito.

"alam mo ikaw ang kulit mo din talaga ano.."

natatawa namang wika sakin ni red sa kabilang linya..

"oo makulit talaga ako at kapag ginusto ko.. gagawin ko talaga kahit pa anong mangyari.. so ano? pumayag kana kasi.."

"alright, sige na nga pumapayag na ako.. ang kulit mo din kasi e"

sa wakas ay pagpayag ni red at ako naman ay panay uli ang thank you ko sa kaniya..

"jeezz! hindi ko alam na ganyan ka pala kakulit din noh! paulit-ulit pa din talaga ang thank you!

tatawa-tawang wika ni red at ako naman ay ganun din.

"pasensiya na.. hindi ko lang talaga mapigilan"

goofy kong sagot at natatawa nalang ito sakin.

"so paano, tatawagan nalang uli kita mamaya para sabihin sayo kung anong oras kayo puwedeng magkita bukas nung client na sinasabi ko sayo"

kapagkuwan ay wika ni red at nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat dahil sa sinabi niotng bukas na pala kmi magkikita ng client na yun.

"bukas? agad-agad? nagbibiro kaba?"

hindi makapaniwala kong tanong dito.

"hindi po ako nagbibiro miss. makulit.. bukas na mismo ang gusto nung client na yun. dont tell me natatakot at kinakabahan ka dun?"

Hey Bestfriend, I Wanna Have Your Baby! (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon