Six months na ko dito sa architectural firm nila Sir Kyle at masayang masaya ako.
Una, dahil palagi ko nakakasama si Sir Kyle.
Di ba masaya ka rin naman kapag seat mate mo yung crush mo?
Pangalawa, gusto ko dito sa office na ito kasi mababait ang mga boss at mga empleyado. Madali ko silang nakasundo. Mga baliw at kwela pero mga mabubuting tao. Walang crab mentality.
Kung nagtratrabaho ka na, alam mo din na mahirap makahanap ng mga ka-officemates na hindi crab.
Pangatlo, may free food sa pantry. San ka pa?
Tiwala na si Sir Kyle sa akin at kahit yung mga scheduled dates niya sa mga chicks niya, ako nag-aayos. Kapag sumusugod dito mga ex-girlfriends niya, ako din ang naghahandle nun.
Meron din ako access sa ATM cards niya in case may ipapabili siya. Nasa akin din ang duplicate keys ng condo niya in case may naiwan siyang files sa bahay at ako pa ang kukuha.
Feeling ko nga, para akong katulong/PA sa kakautos niya, pero okay lang sa akin basta kasama ko siya. Di ba sabi ni Meat Loaf sa kanta - I would do anything for love. Ganun ako kay Sir Kyle, gagawin ko lahat sa ngalan ng pag-ibig!
*Rrrriiiinggg Rrrriiiinggg Rrrriiiinggg*
Tumatawag na naman si Sir Kyle. May ipaguutos na naman siguro.
"Hello, Sir?"
"Aya, umakyat ka dito, ngayon na!" galit na utos ni Kyle sa telephone.
Anak ng tokwa, di na naman nakainom ng gamot tong gagong to at inaatake ng mood disorder!
"Sir? May problema po ba?" kabado kong tanong.
Ano na naman kaya ang trip nitong menopausal kong boss? Mood swings galore. Di siguro naka-score kahapon sa chicks niya kaya mainit ang ulo.
"Ano ba mahirap intindihin sa sinabi ko? Isang minuto ang hihintayin ko or you are fired!"
"Waaah! Wait lang, Sir! Aakyat na diyan!"
Feeling ko, pwede na ko sumali sa Olympics Marathon sa bilis kong tumakbo papunta sa office ni Sir Kyle. Alam ko mabait si Kyle, pero minsan, mas moody pa siya sa babaeng may menstruation. Masungit, antipatiko at higit sa lahat, bwiset! Pero dahil mahal ko siya, tanggap ko na ang mga flaws niya.
"Sir Kyle, andito na ko! Don't fire me!" hingal ko sabi pagdating ko sa pintuan ng opisina niya.
Nakatalikod siya sa akin at nakaharap sa window glass. Most of the time, gusto ko siya yakapin habang nakatalikod siya.
Oo na, nyakers na ko!
Kaso kilala ko si Sir Kyle, marami alam yan na martial arts, baka ibalibag ako mula fifth floor hanggang ground floor pag niyakap ko siya ng biglaan.
Pagharap ni Sir Kyle, meron siyang hawak na maliit na chocolate mousse cake with candle.
"Congratulations, Aya! Regular employee ka na," sabay ngiti na sobrang cute. Yung smile na hindi na makita ang mga mata sa sobrang saya.
"Hindi mo ko ililigwak or ichuchugi?" tanong ko habang hinihingal pa din.
"Kakasign ko lang ng regularization papers mo. Gusto mo ba bawiin ko pa?" sabi ni Sir Kyle sabay baba ng cake sa lamesa niya. Kumuha siya ng plastic knife at platito, at nagsimulang hatiin ang cake.
"Sir, umamin ka. Gusto mo siguro ako iblackmail no? Tapos ireregular mo lang ako kapag nasuko ko na sayo ang pagkababae ko! Grabe ka naman, Sir Kyle," sabay upo sa harap ni Sir Kyle at kumuha ng sliced na cake.
"Sa Assumption College ka ba graduate? Masyado ka assuming eh!" nakangiti na sabi ni Sir Kyle sabay subo sa akin ng cake.
Bakit niya ko sinubuan ng cake? Di ba magjowa lang ganun?
Bakit ang sweet niya sakin? Type kaya niya ko?
Aya, ako uli ang iyong konsensiya. For the nth time, hindi ka type ng boss mo! Ang tawag sayo, assuming, ambisyosa, ilusyonada! Wag mag expect para hindi ka madisappoint!
Speechless ako kasi di ko alam kung paano ko magrereact. First time ako susubuan ni Sir Kyle ng.....
...ng cake!
Ay, grabe! Colour green ang utak ng iba diyan. Sinabi ko lang Subo, iba agad iniisip!
"Sinubuan lang kita ng cake, namula ka na naman agad na parang kamatis. Nga pala, aalis tayo mamayang after lunch. Nasa Tagaytay si Harvey, dun daw natin siya puntahan."
"Di ba barkada mo si Engineer Harvey Weston?" tanong ko habang inuubos ang cake. Tumungo lang ako kasi masyado obvious yung pamumula ng mukha ko.
"Barkada ko na yan since high school kaya demanding yang gagong yan eh. Kung di lang importante at malaking halaga yung project na to, ipapaubaya ko na to sa mga associates."
BINABASA MO ANG
My Boss is a Heartbreaker
Romance[COMPLETED] Kyle Villarosa is my gorgeous boss, certified babaero at heartbreaker. Walang balak magkaroon ng steady girlfriend. Para sa kanya, laro lang ang lahat at walang true love. Despite his playboy facade, alam ko na isang mabuting tao si Si...