Chapter 25 - Gabriel Vargas

27.8K 566 14
                                    

After namin maglunch ni mommy, nagtake out siya ng Korean barbeque at Kimchi na para daw kay Sir Kyle.

"Sir, nag-early lunch slash birthday date kami ng mommy ko. May pasalubong ako sayo," sabi ko kay Sir Kyle pag pasok ko sa kwarto niya

"Wow. Sakto, nagpabili ako sa kay Gabriel ng lunch. Wait, tawagan ko lang," sabay kuha ng phone niya.

"Gab, dagdagan mo na ng isa pang order."

"Oo, andito na si Aya. Saka yung pinapabili ko."

"Uhmmm. Sino po si Gab?" tanong ko matapos ang phone call nila.

"Gabriel Vargas, pinsan ni Ross. Kakauwi lang from the US. Sa military siya nagwowork at siya ang tutulong sa akin para maparusahan si Martina. Kaming tatlo ni Harvey ang magkakabarkada since high school. Si Ross naman ay mas bata sa amin at nakilala namin dahil kay Gab."

Ahhh. So eto pala ang mga future stories ng baliwag na author. Gagawa ka din ng story about kay Gab at Harvey di ba? Umamin ka!


(Book 5 - Miss Balyena and The Heartbreaker)

(Book 6 - The Last Heartbreaker)


"Apat kayo? Ano kayo F4?" biro kong tanong sa kanya sabay baba ng pagkain sa lamesa.

"Anong F4?" tanong niya si Sir Kyle.

"Wala, Sir. Di ka naman nanunuod ng Taiwanese telenovela. Wag mo na alamin."

*Knock knock*

After ilang minutes, dumating si Gabriel Vargas. Kung si Harvey ay long hair, eto kalbo. Badboy ang looks, parang si Michael Scofield ng Prison Break.

"Gab, this is Aya," pakilala sa akin ni Sir Kyle.

"Pleasure to meet you, Miss Secretary. And this is for you," sabay bigay ng isang bouquet of yellow tulips.

"Ha? Para sa akin to?"

Bakit may flowers? Anong nagaganap? At bakit nagblublush ako ng bonggang bongga?

"Yep. Pinabili ni Kyle yan dahil birthday mo. Happy birthday, Aya," isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni Gabriel Vargas.

"Sir, galing sayo to? Salamat ah? Ang sweet mo naman," nahihiya kong sabi kay Sir Kyle.

Gusto kong takpan ng bouquet ang mukha ko sa sobrang pamumula. Flowers from Kyle? OMG OMG OMG!

Maya maya pa ay pumasok ang tatlong nurses. Yung isa may dalang foil baloons. Yung isa may dalang Mango Bravo cake with candle. At yung isa, may mga paper bag na may laman na food.

Nagsimula silang kumanta ng Happy Birthday song at napatingin lang ako kay Kyle sa sobrang pasasalamat. I am celebrating my birthday because of him.

After ng birthday song, kumain kami ng lunch at ininvite na din namin yung mga nurses dahil madami binili na food si Gab. For me, this is the best birthday ever. 

My Boss is a HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon