Chapter 37 - Photos

26.6K 532 17
                                    

Mabilis akong nakabalik sa opisina dahil wala naman traffic. Pag pasok ko office ni Kyle, seryoso siyang nakaharap sa laptop niya.

"Close the door," seryosong sabi ni Kyle pag pasok ko sa office niya.

"Sir, sorry medyo natagalan ako. Si Belle kasi ang dami kwento," sabay baba ko ng documents sa table niya.

"I don't give a fuck, Aya."

"What?"

Nagfroze ako sa kinatatayuan ko dahil sa galit sa boses ni Sir Kyle. May kinuha siyang ilang papers at tinapon niya ito sa mukha ko. Narealize ko na lang na printed photos namin ni mommy ang tinapon niya.

Yung isa, picture ko kasama si mommy nung graduation ko. Yung isa naman, business dinner nila mommy sa Hongkong kasama din ako. Yung isang page, andun yung record ko sa school with my whole name.

"Aya Crisostomo? Ano pa ang hindi mo sinasabi sa akin? Or should I call you Aya Cruz? The only daughter of Adelaida and Delfin Cruz. Ang big boss at may hawak ng lahat ng network of architectural firm, locally and internationally!" sabi ni Sir Kyle na puno ng galit.

"Sir, I can explain..."

"Explain what? Niloko mo ko, Aya! You falsified your resume. Anong trip mo? Sawa ka na ba sa pagiging anak mayaman at trip mo na magpanggap na secretary? Inakit mo ba ko para mapatunayan na lahat ng gusto mo makukuha mo?"

"Sir, hindi kita niloko..."

"What the fuck are you saying? Pinagmukha mo kong tanga! Nagpanggap ka na simpleng secretary when in fact, you are a fucking heiress! Pati ba yung sinasabi mo na mahal mo ko, trip mo lang?"

"Alam mo na totoo yun..."

"Then why would you fucking lie to me? I trusted you! Kahit bank accounts ko may access ka. Ganun ang tiwala na binigay ko sayo. I asked you to be my girl because you are special to me, you are important to me! Tapos, malalaman ko na niloloko mo lang ako?"

"Kyle, totoo lahat ng pinakita ko sayo," hinawakan ko siya sa braso pero tinaboy niya ko parang isang nakakadiri ng insekto.

Hindi ko na napigilan na hindi umiyak. Todo bagsak ng tears ko na parang walang bukas. Daig pa namin si Popoy at Basha sa drama scene namin.

"Bakit di mo sinabi sa akin? May balak ka ba sabihin sa akin yung totoo? Kung hindi pa inemail ni Claire ang mga pictures nato, hindi ko pa malalaman. You deceived me, Aya!"

"I want to tell you everything kaya kita inaask ng dinner date nung birthday ko kaso nahospitalized ka."

"Aya, that was fucking months ago! Kaya pala highly recommended ka to be my secretary. Kaya pala ayaw mo magpahatid sa bahay niyo. Kaya pala marunong ka magdrive kahit wala ka sasakyan. Kaya pala ayaw mo makausap ko ang mom mo. Kaya pala nakapasyal ka na dito sa Florence dahil anak mayaman ka. Geez, bakit di ko man lang napansin. Your looks, the way you speak, very ordinary. Binago mo talaga ang sarili mo para lokohin lang ako? Sino mag-iisip na anak ka ng boss ko? Ang galing mo magpanggap!"

"Kyle..."

"Get out. Take a day off. I don't want to fucking see you right now."

My Boss is a HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon