Araw araw, struggle ko ang pagbyabyahe. Hindi ko magamit ang kotse dahil baka magkaroon ng idea si Sir Kyle na mayaman kami.
"Good morning, Sir. Pwede ka ba makausap saglit?" tanong ko kay Sir Kyle nang makaakyat na siya sa office niya.
"Do you need anything?" seryoso niyang tanong.
Do you need anything ka dyan? Pormalan ang peg!
Eh nung isang gabi para siyang tuko kung makayakap sa akin as if I'm all that he needs. Kanina sa elevator, makapang-asar sa akin kala mo manyak.
"Uhmm. Birthday ko kasi bukas. Kung wala po sana kayo lakad sa gabi, gusto ko sana invite ka sa dinner. May sasabihin po sana ko sayo."
"Are you asking me for a date? Ipagtatapat mo na ba feelings mo sa akin?" tanong niya sa akin sabay ngiti na sobrang tamis.
Hay salamat. Nawala na ang sapi ng demonyo kay Sir Kyle.
"Alam mo naman na para kang gravity, Sir. Dahil sayo nahuhulog ako."
"Kung gravity ako, ikaw naman Christmas."
"Bakit Christmas?" nakakunot noo kong tanong sa kanya.
"Kasi, I will Merry you," sabi ni Sir Kyle sabay halakhak.
"Sir, last na yan ah? Mas cheesy ka sa akin. Para kang si Mayweather eh!"
"Ha? Ano naman kinalaman ni Floyd Mayweather?"
"Yayakap ka sa akin, tapos tatakbo at iiwan mo din ako."
"Last na din yan ah? Okay, Aya. Napa-oo mo ko sa dinner date. Tomorrow after our shift? Ako na bahala, my treat!" sabi niya habang nakangiti.
Weeeee! May date kami ni Sir Kyle sa birthday ko! Yahoooo!
"Thanks, Sir. Sobrang best birthday to sa akin ever. Pero mas magiging best kung may kasamang birthday sex."
"Aya, nirerespeto kita," mahina niyang sabi sabay balik ang tingin sa laptop niya.
"Sir, kahit wag na. Bastusin mo na ko kahit minsan lang. Promise, di ako papalag."
Tinitigan niya lang ako ng masama na parang hindi natutuwa sa mga sinasabi ko. Haist, nasapian na naman ng dark aura si Kyle.
"Nga pala sir, maiba ko. May tawag ka from Palo Alto, California kanina kaso wala ka pa dito sa loob ng office mo."
"Yung sister ko na si Belle siguro yun. Magkakasundo kayo nun. Baliwag din yun."
"Sir, pag tumawag si Mam Belle, connect ko na lang uli sa line mo ah?"
"Thanks, Aya."
BINABASA MO ANG
My Boss is a Heartbreaker
Romance[COMPLETED] Kyle Villarosa is my gorgeous boss, certified babaero at heartbreaker. Walang balak magkaroon ng steady girlfriend. Para sa kanya, laro lang ang lahat at walang true love. Despite his playboy facade, alam ko na isang mabuting tao si Si...