Pagmulat ng mata ko, wala na si Sir Kyle sa tabi ko. Akala ko pa naman pag gising ko kayakap ko siya.
Asan si Sir Kyle? Nilayasan na ba niya ko? Natakot ba siya nung makita niya ako na kayakap niya?
Wala na din ako sa carpet floor, nasa ibabaw na ko ng kama.
Bakit nasa kama na ko? May nangyari na ba sa amin? Bakit parang wala ako maalala?
Aya, wala ka naalala kasi walang nangyari. Walang ganun. Wag ka ngang ambisyosa! Kahit lasing yung boss mo, di ka papatulan nun.
Nagmadali ako magbihis ng maayos na damit at lumabas ng kwarto. Pagbaba ko sa ground floor, andun si Sir Kyle at si Sir Harvey na nag-aalmusal sa dining room.
"Hey, good morning. Breakfast tayo," malambing na bati ni Sir Harvey. Mukhang bagong ligo kasi basa pa ang buhok.
"Good morning po. Sir Kyle, ok ka lang ba?" tanong ko sabay upo sa tabi niya. Minamassage kasi niya yung head niya na parang inaatake ng migraine.
"Masakit lang ang ulo ko. Pota ka kasi Harvey, bakit ba kasi naisipan mo ko lasingin? Alam mo naman na bihira na ko uminom," sagot ni Sir Kyle.
Ang daming pagkain. Sausages, Sweet Crepes with Caramelized Peaches, Bacon at Eggs. May freshly baked Corn Muffins at Fruit shakes.
"Ikaw ba nagluto nito Sir Harvey? Ang yummy naman!" tanong ko habang kumakain ng Corn Muffins.
"Nag-aral din ako ng Culinary Arts sa UK. Alam mo naman ang mga chikababes, gusto nila marunong sa kusina."
"Kaya siguro nagpatayo ka ng bahay sa Tagaytay para sa mga chicks mo no?" dagdag na tanong ni Sir Kyle na mukhang in pain sa kanyang hangover.
"Bro, kaya mo ba magdrive? Ako na lang maghahatid kay Aya, dito ka na muna magstay sa bahay," suggest ni Sir Harvey with matching cunning smile.
"Kilala kita Harvey, alam ko na may masama ka balak kay Aya. Ako na bahala kanya, uuwi na din kami mamaya. Pag iniwan ko siya sa mga kamay mo baka may gawin ka pa na di kanais nais" nakangiting sagot ni Sir Kyle.
"Maiba ko, nagmeet na ba tayo before Aya? You really look familiar," tanong ni Sir Harvey.
Shit, nagkita na ba kami ni Harvey? Nakikilala kaya niya ko? Katapusan ko na ba?
"Ako po? Ngayon ko lang po kayo nameet, Sir Harvey."
"Sure ka? Tanggalin mo lang yung eyeglasses mo at ayusin mo yung buhok mo, kamukha mo na yung future girlfriend ko," sabay flash ng super sexy na smile.
"Harvey!" galit na sabi ni Sir Kyle.
Uy bakit galit si Sir? Nagseselos ba siya? Ay, ang haba ng hair ko!
"Kalma ka lang, bro. Ang puso mo. Pero seriously Aya, parang na meet na kita before. Familiar yung mukha mo. Anong course mo at san ka uli grumaduate?"
"Harvey, alam ko na yang style mo. Hahanap ka ng kahit anong common factor niyo ni Aya, then kukunin mo number niya. Tigilan mo yung secretary ko. Pag nagresign yan, mahihirapan ako makahanap ng kapalit. Mas lalong sumasakit ang ulo ko sayo."
Biglang tumawa lang ng malakas si Sir Harvey na parang nababaliw. Kami naman ni Sir Kyle, nagkatinginan lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/103655023-288-k845610.jpg)
BINABASA MO ANG
My Boss is a Heartbreaker
Romance[COMPLETED] Kyle Villarosa is my gorgeous boss, certified babaero at heartbreaker. Walang balak magkaroon ng steady girlfriend. Para sa kanya, laro lang ang lahat at walang true love. Despite his playboy facade, alam ko na isang mabuting tao si Si...