Sa loob ng ilang weeks, magkasama kami ni Sir Kyle sa bahay at punong puno ako ng saya. Yung overflowing happiness na sana walang katapusan.
Kaso, di pa rin sinasabi ni Kyle ang magic words na - I love you o Mahal kita.
"Aya, yung project sa Naples, ayusin na natin mamayang hapon. Natabunan na kasi, inuuna ko yung mga major projects," sabi ni Sir Kyle habang nagbrebreakfast kami.
"Kyle, naiwan ko yung Naples project documents sa bahay niyo. Mauna ka na sa office, sunod na lang ako," sabay ligpit ng plates ko.
"Aya, di kita maihahatid kasi may schedule na video call ako kay Claire. Tawagan ko yung driver ni daddy na ihatid ka sa bahay."
"Wag na po, magcacab na lang ako. See you sa office," sabi ko habang nagmamadali na lumabas ng pinto.
"Wait, Aya, baunin mo to..."
Bago pa ko makapag salita, Kyle walked towards me and kissed me with so much passion. Yung kiss na parang mahal niya din ako kahit di niya sabihin.
"Nagustuhan mo ba ang pabaon ko?"
"Sir, corny mo na din ah?" namumula kong sabi sa kanya.
"It only proves na hindi ako ampon, Villarosa talaga ko," he said as he smiled at me and kissed me again.
Nagmabilis ako umuwi sa mansion ng mga Villarosa. Kahit official couple na kami ni Sir Kyle, todo pa din ang pagiging hardworking ko.
"Did he say the L word?" tanong ni Belle sa akin habang inaayos ko ang mga naiwang documents.
"Waley eh. Sabi niya, he wants me to be his girl. Pero kilala mo kuya mo, short time lang gusto nun. But he kissed me goodbye bago pumunta dito?" naguguluhan kong sabi kay Belle.
"Weee! Landi mo girl. Feeling ko mahal ka ni kuya kahit di niya sinasabi. Alam ko yun kasi kapatid ko siya at dahil bida din ako. Sige na, umalis ka na. Baka hinihintay ka ng kumag kong kuya."
"Blooming ka ngayon. Chubby pero blooming. Sa weekend dito ko matutulog. Chika chika tayo. Bye baby," sabay haplos ko sa umuumbok na tiyan ni Belle.
BINABASA MO ANG
My Boss is a Heartbreaker
Romance[COMPLETED] Kyle Villarosa is my gorgeous boss, certified babaero at heartbreaker. Walang balak magkaroon ng steady girlfriend. Para sa kanya, laro lang ang lahat at walang true love. Despite his playboy facade, alam ko na isang mabuting tao si Si...