Chapter 22 - Official Nurse

28K 529 8
                                    

"Aya! Bumaba ka sa ground floor, hinahanap ka ni, Sir. Sugatan siya at dadalin sa hospital," nagmamadaling sabi ni Jill sa akin.

"Sugatan? Joke ba to Jill? Kausap ko lang siya kanina ah?" tanong ko sa kanya sabay kuha ng bag ko.

"Nasa baba na ang ambulance, ikaw na lang hinihintay. Ayaw umalis ni Sir ng wala ka. Di ko alam pero nabaril ata siya sa balikat ng mga holdaper sa likod ng building."

"Fuck! I'm going, Jill. Kailangan ako ng asawa ko," sabay takbo sa elevator.

"Asawa talaga? Sige na bumaba ka na. Ako na bahala dito. Dalin mo na si Sir sa hospital."

Habang nasa elevator ako, todo ang kaba ng dibdib ko. Ano ba naman kasi ang ginagawa niya sa likuran ng office building namin? Bakit may holdapper dun sa lugar na yun?

Pagkalabas ko ng elevator, kumaripas agad ako sa ambulance na nakapark sa tapat ng entrance ng office building namin.

"Anong nangyari? Sino gumawa sa iyo nito?" nag-aalala kong tanong sa kanya habang hawak ang kamay niya.

"Holdapper. Nanlaban ako," mahinang niyang sabi. Pansin ko din ang ilang pasa niya sa mukha.

"Sir? Yung totoo? Magkasama lang tayo sa office mo a few minutes ago. Then, nasa baba ka na agad at may gun wound?"

"Aya, I hope this stays between us. It was not my sister who called me. It was Martina, yung psycho ex girlfriend ni Ross."

"Kaya pala masungit at may accent. Sabi na, hindi si Belle yun. Bitchera eh."

Inilahad ni Sir Kyle kung ano ang nangyari. If you want to know who the fuck is Martina, please read Book 2 - The Heartbreaker is Mine.

"I will be on medical leave for a few weeks. Ikaw muna bahala sa opisina," mahina niyang sabi.

"Tingin mo maitataboy mo ko? No way! Aalagaan kita hanggang makarecover ka. Kung kailangan ko humingi ng super emergency leave sa boss ng boss mo, gagawin ko."

"Di ko need ng katulong, kaya ko sarili ko."

"No no no. My decision is final. I will take care of you. Your parents are in Italy. Belle is in California. Ako na bahala sayo. Chillax ka lang."

"Well, kung mapilit ka, di na ko tatanggi. I will just ask Claire na magleave ka din."

Hindi naman malala yung sugat ni Sir Kyle. Saglit lang siya sa operating room at mabilis na natanggal yung bala. Pero worried pa rin ako dahil may nagtatangka sa buhay niya.

My Boss is a HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon