Chapter 11 - Only Child

31.3K 649 5
                                    

Kawawa naman si Sir Kyle, mukhang masama ang pakiramdam sa hangover niya. Kung lukresia ako, malamang inuwi ko na siya sa bahay at kinulong ko sa kwarto na para maging slave.

*Bwahaha Evil Laugh*

Pero mahal ko nga si Sir Kyle eh!

Di ko siya pagsasamantalahan kahit gusto ko man. Ginising ko lang siya nung nasa tapat na kami ng condo niya.

"Sir Kyle, andito na po tayo," mahina kong tapik sa balikat niya sabay smile na sobrang warm. Gusto ko sana ikiss siya nung natutulog siya, kaso baka iManny Pacquiao upper cut niya ko gulat.

"Sorry, nakatulog ako," sabi niya sabay hikab.

"Ok lang yun, sir. Uuwi na po ako. Magpahinga po muna kayo."

"Nakapagrest na ko. Hatid na muna kita sa inyo. Kakausapin ko si mommy mo kung bakit napa-overnight ka. Baka next time, magalit sayo yun."

"Sus! Wag na po. Magtataxi na lang ako from here. Kinausap ko naman siya kahapon at pumayag siya. Di na naman ako baby."

"Di ba nag-iisang anak ka?" tanong ni Sir Kyle sa akin.

Bakit feeling ko ayaw niya ko pauwiin? Or feelingera lang talaga ko?

"Only child, pero open kami ni mommy sa isa't isa. Saka na-ikwento na kita sa kanya. Kilala ka niya at tiwala siya sa akin."

"Kilala ako ng mommy mo?"

"Uhmmm. Oo naman kilala ka niya, syempre boss kita."

"Gusto ko makilala mommy mo. Tara, puntahan natin siya. Wala naman ako gagawin ngayon, sa inyo muna ko mamasyal. Palit tayo ng upuan at ako na magdridrive. Nasa bahay ba siya ngayon?"

"Uhmmm. Opo, nasa bahay lang. Pero uuwi na po ako, next time na lang. Bye bye, Sir. See you on Monday," nagpapanic kong sagot.

Di ko na hinintay na sumagot si Sir Kyle at lumabas na agad ako ng kotse niya. Pinara ko agad yung dumaan na taxi bago pa niya ko masundan.

Gusto ko man makasama siya ngayong weekend, gusto ko man na ipakilala siya kay mommy, hindi pa ako prepared.

My Boss is a HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon