"Flight to Dubai"---------
Kinabukasan ng Linggo ay kalalabas lang ni Mariane sa simbahan. Papauwi na siya. Nasa tapat na siya ng bahay nila ng may humintong tricycle sa tabi ng daan.
" ESPREN! " sigaw ni Flor.
"Beshie! Hi hi hi!" Nagulat ang dalaga nang makita kung sino ang tumawag sa kanya.
Bumaba sa sasakyan si Flor at niyakap siya. Tuwang-tuwa ang dalawang magkaibigan sa kanilang muling pagkikita matapos ang ilang taong pagkakahiwalay.
" Espren! Hindi ka man lang sumaglit sa bahay. Kahapon pa ako dumating at hinintay kita. Nagpasabi ako sa Inang mo!"
" Espren, pasensiya ka na. Kailangan kong tapusin kasi yung mga lesson plans ko. Kumusta ka na? Ang taba mo na at ang puti pa."
" Hi hi hi. Hiyang espren sa mainit. "
" Halika ka sa loob. Dito ka na kumain at marami tayong pag-uusapan."
" Sige espren. Saglit lang at tatawag ako kay Inay. Sasabihin kong hapon na ako uuwi. Ang ganda-ganda mo pa rin espren. "
Papasok na sila sa bahay.
" Inang, narito na ho si Flor! "sigaw ng dalaga.
" Espren, pasensiya ka na rito sa pasalubong ko, mga sabon at chocolates lang at itong paborito mong pabango." Kinuha ni Mariaane at ipinatong sa mesita sa gitna ng sala set. Umupo ang dalawa sa mahabang upuan na gawa sa kawayan.
" Espren, tatawag sana ako sayo bago ako uuwi kaso hindi ko naman alam kung papaano kita matatawagan. May cp ka na ba?"
" Wala espren. Alam mo naman, kaysa sa ibili ko ng load ulam na ang bibilhin ko. Bakit ka nga pala nauwi? Napa-aga yata?"
" Ay, ikaw po talaga ang dahilan kung bakit ako umuwi." Dumating si Mia ang kapatid na babae ni Marianne at may dalang softdrinks. Ipinatong sa mesita.
"Bakit naging ako ang dahilan Espren? "Ngumiti si Flor.
" Espren, kasi ang amo ko. Kailangan daw niya ng isang Nanny ng anak niya. Gusto niya kilala ko at napapagkatiwalaan. Nabanggit kita, yun pina-uwi ako para raw kausapin kita. Kasi nasabi kong hindi kita maka-usap. "
" Ikaw talaga Espren lagi mo nalang akong ipinapasok sa kompromiso. Paano yan e, hindi ako pwede? May trabaho naman ako espren. Hindi ko na kailangang mag abroad pa"
" Espren naman. Mabait ang amo ko at ang anak niya ay 6 yrs old na babae. Mabait rin. Sige na espren. Pumayag ka na! At hindi mo kikitain dito ang kikitain mo roon." Napasandig sa sofang kawayan si Marianne at nag-isip.
" Espren, sorry talaga. Hindi ko pwedeng iwan sina Inang. Sana okay lang sayo. At saka hindi ko kakayanin ang maging yaya ulit."
" Espren naman. Hindi ba noong nag-aaral pa tayo sa Maynila ay nag part time yaya ka naman?"
" Noon yun espren, dahil sa pangangailangan, kapos sa panggastos."
" WHAAAA! Espren ko, anong sasabihin ko sa amo ko? Expected niyang maisasama kita sa pagbabalik ko. Mababait sila talaga espren. Lagi kasi siyang wala at yung dating yaya niya e nag-asawang bigla. Alam mo naman sa abroad!"
" Ikaw espren, may bf ka na ba?"
" Ay naku espren, kung doon lang ako maghahanap ng bf ko, huwag na lang. Maraming manloloko roon espren. Mahirap magtiwala. Saka na lang muna yan at marami pa akong pangarap sa buhay. Hi hi hi! Ikaw? Mayroon na ba?"
" Wala rin po. Kilala mo ko espren. Nasa Maynila pa alam mo ng ayoko na muna yang bf bf na yan. " tumagal ang kwentuhan nilang dalawa.
Umalis si Flor na bigo. Nahihiya naman si Marianne sa kaibigan niya pero wala siyang magagawa. Naiisip niyang mas kailangan siya rito sa kanila.

BINABASA MO ANG
Wanted Perfect Nanny (Completed)
RomanceBuhay at Pag-ibig ay laging magka-ugnayan. Salat ang buhay kung walang pag-ibig. Ang pusong umiibig ay walang pinipili makapiling lamang ang sinisinta sa hirap man o ginhawa.