Kabanata 4 . . . "Tulak ng Bibig Kabig ng Dibdib"

353 6 1
                                    

"Tulak ng Bibig Kabig ng Dibdib"

-----------

PANG-UMAGA lamang ang pasok ni Maurice sa isang British Kindergarten school. Naihanda na ni Marianne ang mga gamit ng bata. Nakabihis ng uniporme na rin si Maurice. Naghihintay na lang sila ng service bus. Nasa sala sila ng bumaba si Jason at nakabihis na rin pero hindi suot ang coat. Dala niya itong nakahanger pa at may plastic na balot. Inilapag niya sa sofa at nilapitan si Maurice.

" Good morning sweetheart!" Hinalikan niya sa pisngi ang bata.

" Good morning too daddy. " Humarap siya kay Marianne.

" Marianne, don't buy any food for her there! She has juice and sandwiches made every morning, okey?"

" Yes sir! " May nag-beep na bus sa labas ng bahay nila at niyaya na niya si Maurice. Dala niya ang bag ng bata.

" Bye daddy. "

" Bye sweetheart!"

Pinagmamasdan sila ni Jason papalabas ng bahay. Sabay buntong hininga. Gusto pa sana niyang kausapin si Marianne pero hindi niya nagawa. Parang siya pa ang nahihiya.

PUMASOK ang service bus sa compound ng school. Bumaba sina Marianne. Alam na ni Maurice kung sa aling grupo siya pipila. Kasunod si Marianne. Isang British teacher ang sumalubong kay Maurice.

" Good Morning Maurice! How are you today dear? Are you okey now? " Tumingin ang teacher kay Marianne at ngumiti.

" Good morning Teacher Gaerlan! Yes mam. "

" And you have a new Nanny now. Hi! I am Mrs. Gaerlan Reynolds!" Iniabot ng teacher ang kamay niya kay Marianne.

" Good morning mam. I am Marianne!"

" Marianne, you can come inside with Maurice. Join the other nannies inside. "

" Thank You Mam!" Pumasok sila ni Maurice sa classroom ng bata. May mga maliliit na silya at mesa para sa mga bata at may mga silya sa likod. Naka-upo ang ilang Pinay at Indiana na nagbabantay sa mga alaga nila at nanonood. Umupo si Marianne sa isang silya. Nginitian siya ng mga makakasama niyang nagbabantay. Nakipagkilala sa kanya. Umupo naman si Maurice sa upuan niya. Nagsimula na ang klase nila.

SERYOSONG nanonood si Marianne sa pagtuturo ng teacher ni Maurice dahil isa rin siyang guro. Nagsimula ang mga bata sa pagbabasa, sumunod ang pagsusulat. Nag-break sila para kumain ang mga bata. Inilabas ni Marianne ang pagkain ni Maurice sa bag na nasa lunch box at isang thermos. Mayroon din para sa kanya. Matapos nilang kumain ay nagkantahan ang mga bata, kasunod ay guessing games. Para kay Marianne ay okey na ang pagtuturo ng teacher hanggang sa uwian na nila bago mananghali. Papasakay na sila sa service bus ng mag-ring ang cp niya.

" Hello Marianne! "

" Hello sir. "

" Is everything okey there?"

" Yes sir. We are on our way home now."

" Good. I'll be late tonight. Can you stay with Maurice for a bit longer tonight? "

" Yes sir"

" Thank You Marianne, bye!"

" Bye sir."

Kinakabahan siya ng hindi niya maintindihan. Gustong-gusto niyang naririnig ang boses ni Jason.

BURJ KHALIFA, ito ang pinakamataas na gusali sa buong mundo. Nasa 15th floor ang opisina ng kumpanya ni Jason. Siya ang presidente na pag-aari ng kanyang ama. Abala siya maghapon sa pakikipag meeting sa mga tauhan na mga engineers at architects. Halos wala na siyang pahinga. Isa siyang workaholic. Katatapos lang niyang kausapin ang isang kliyente nila at naka-upo siya sa mesa ng tumunog ang kaniyang cp.

Wanted Perfect Nanny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon