Kabanata 1 ... "Ang Guro"

887 12 0
                                    


"Ang  Guro"

*****

No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system without the written permission of the author.

This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events or locales is entirely coincidental.

*******

BUHAY AT PAG-IBIG, laging magka-ugnay. Salat ang buhay kung walang pag-ibig. Ang pusong umi-ibig ay walang pinipili makapiling lamang ang sinisinta sa hirap man o ginhawa. Walang sinisino kapag ang puso ay tumibok. Ito ang buhay at pag-ibig ni Marianne sa kanyang pakikipagsapalaran sa ibang bayan. Isang OFW.

------

Sa isang mataas na pampublikong paaralan sa Gapan, Nueva Ecija ay ginaganap ang isang flag ceremony. Nakatayo sa isang maliit na entablado at kumukumpas si Miss. Marianne Vicencio, isang dalaga, Music at English teacher. Nangunguna ang boses ni Marianne. Malamyos, matining at malakas. Kung hindi nga lamang siya naging guro marahil isa na siyang mang-aawit na kinahiligan niya simula pa ng siya'y bata. Panganay siya sa anim na magkakapatid, tatlong  babae at dalawang lalake.  Dalawa sa kapatid niyang babae ay nasa kolehiyo na at ang dalawa ay nasa high school pa lamang at ang bunso nilang lalake ay nasa elementarya. Magsasaka ang kanilang ama at nakikisaka lamang. Sa likuran ng kanilang bahay ay may maliit silang taniman ng gulay na siyang pingkukuhanan nila ng panggastos paminsan-minsan. Dinadala ng kanyang inang sa palengke kapag may naaani silang gulay. At ang iba ay para sa pang araw-araw nilang pang-ulam.

Natapos ang flag ceremony at nagsipasukan na ang mga mag-aaral sa kanilang mga silid-aralan. Nasa ika-sampung grado na ang tinuturuan ni Marianne. Likas na mabait ang dalaga. Kahit hindi siya pala-kibo ay marami pa rin siyang mga kaibigang guro. Paborito rin naman siya ng kaniyang mga tinuturuan. Sa faculty room ay tahimik lamang siyang gumagawa ng kaniyang mga lesson plans o kaya kapag gumagawa ng mga grades. Lagi niyang ina-alala ang kaniyang mga kapatid, lalo na ngayong sinusumpong ang mga rayuma ng kaniyang itang.

SABADO, nasa simbahan si Marianne . Siya ang nagtuturo sa choir ng simbahan. Nakaupo siya sa organ na nasa gilid ng altar. Naka-paikot sa kaniya ang kaniyang mga estudyante na pinili niya sa kaniyang Music class.

" O, alam na ninyo ang inyong parts. Kayo Jay at Mark ang sa third voices at si Maxine ang lead singer. Sa A minor tayo. Okey! "

"Opo mam! " Sabay-sabay nilang sagot.

" Sige let's start! One, Two, Three . . ." Kumumpas ang dalaga at kasabay ng pagtugtog sa organ.

"May bukas pa sa ating buhay . . ."

Naririnig sa labas ng simbahan ang pag-eensayo ng choir.
Napapahinto ang mga nagdaraan sa tabi ng simbahan. Pinapakinggan ang awiting nanggagaling sa loob.

Sa isang pondahan sa kanto ay may ilang tambay na nag-uumpukan sa harapan. Iisa ang paksa ng kanilang usapan, si Marianne

" Ang galing talaga niyang si Mam Marianne. Kahit anong awit yata ay kaya niyang bigyan ng buhay. "

" Oo nga Tsong. Lalo na kapag siya ang narinig mong kumakanta. Parang pinaghehele ka. Bukod sa magaling na ay napakaganda pa."

" Tama ka riyan dong. Kung binata lang ako ay liligawan ko yang si Mam Marianne." Napatawa sila.

" Ha ha ha! Siguradong basted ka Egoy. E, kung yang anak ni mayor na si Jonathan nabasted, gwapo na at mayaman pa."

" Kuhhh, kahit ako naman ang liligawan nun, basted rin sa akin. Hanggang ngayon nasa kolehiyo pa rin at hindi makapasa-pasa. Saksakan pa ng yabang." Muli silang nagtawanan.

Wanted Perfect Nanny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon