"Mga Pusong Umiiyak"----------
Panay ang katok ni Jason sa pinto pero nanatili itong nakalocked. Walang sumasagot sa loob ng silid.
"Oh Marianne, for God's sake open the door please!"
Lumapit si Trisha sa nakatalikod na si Jason at yumakap siya.
"Jason just let her. Send her home. I am here."
Inalis ni Jason ang mga kamay ni Trisha at hinarap niya. Nagpupuyos ang kanyang galit. Namumula ang kanyang mukha at masama ang tingin niya kay Trisha.
"This is your fault Trisha. How many times do i have to tell you that i can't ever love you. Get out of my bloody sight before i could forget who you are!"
Napaatras si Trisha sa sinabi ni Jason. Natakot siya sa nakikita niyang galit sa mukha ng kaharap.
"Okey Jason. I will leave you for now but i'm not yet through with you!"
Sabay talikod niya kay Jason at mabilis na lumabas ng bahay.
Napayakap si Maurice kay Flor sa nasaksihan niya at umiyak.
"Flor, get the key!" Atas ni Jason.
Mabilis na tumalima si Flor habang karga niya ang umiiyak na si Maurice. Pagkakuha niya sa susi ay dagli niyang ibinigay kay Jason.
Binuksan ni Jason ang pinto pero wala sa loob ng silid si Marianne. Pumunta siya sa pinto ng bathroom. Nakalocked sa loob. Marahan siyang kumatok at idinikit niya ang kanyang noo sa pinto.
"Marianne, please let me explain. Open the door."
Nakaupo sa sahig ang dalaga yakap ang mga tuhod at nakasandal sa pinto ng bathroom. Tumatangis.
"There's nothing to explain sir! Hu hu hu! Just let me go home now!"
"Marianne, Trisha is just my friend. I love you so very much! Since the death of my wife i never love anyone except the moment you came into my life. Oh Marianne, please! Listen to me!"
Lumuha na rin si Jason. Hindi na niya alam kung ano pa ang sasabihin niya para maniwala lang si Marianne. Inuuntog na niya ang kaniyang noo sa pinto.
"Just send me home sir! Hu hu hu!"
"Ok Marianne! If it is your wish. I will tell Ahmed to buy you a ticket today."
Nanlulumong lumabas ng silid si Jason. Lumuluha siyang nakita nina Maurice at Flor.
"Daddy! Hu hu hu!"
Kinuha niya si Maurice kay Flor at kinarga. Umakyat sa itaas ang mag-ama na parehong lumuluha.
Pumasok sa silid si Flor na umiiyak na rin. Hinayaan niya si Marianne sa loob ng bathroom. Alam niyang labis na nasaktan ang kanyang kaibigan na ngayon lang umibig ay nabigo pa.
Lumipas ang tatlong oras. Nakatulog na si Flor ng magising siya dahil sa mga katok sa pinto. Tumayo siya at tumingin sa kama ng kaibigan. Wala si Marianne. Lumapit siya sa pinto at binuksan. Nakatayo si Ahmed at may hawak na sobre.
"Flor, here is the plane ticket of Marianne and her money. Her flight is at 6:30 pm. Better pack her things now. She will leave within two hours. I will wait for her outside" sabi ni Ahmed.
Kinuha ni Flor ang sobre at isinara ang pinto. Pumunta siya sa pinto ng bathroom at kumatok.
"Espren, heto na ang plane ticket mo" Mahina niyang sabi.
Bumukas ang pinto at mugto ang mga matang lumabas si Marianne. Yumakap siya kay Flor at humikbing muli.
"Shhhh! Tama na espren." bulong ni Flor.

BINABASA MO ANG
Wanted Perfect Nanny (Completed)
RomantikBuhay at Pag-ibig ay laging magka-ugnayan. Salat ang buhay kung walang pag-ibig. Ang pusong umiibig ay walang pinipili makapiling lamang ang sinisinta sa hirap man o ginhawa.