Kabanata . . . "Dubai"

403 10 1
                                    


"Dubai"

-------

Lumapag ang eroplano sa Dubai International Airport. Namangha si Marianne sa laki ng airport. Doble ang laki nito kaysa sa NAIA.  Nakalampas na sila sa immigration at eye scanning. Matapos makuha ang kanilang mga bagahe ay lumabas sila sa arrival area. Sumalubong kay Marianne ang hanging maiinit. Higit pa kaysa sa Pilipinas.

"Best ganito ba talaga kainit dito?" Itinutulak niya ang trolley na nakasunod kay Flor.

"Oo Espren. Malamig pa nga ngayon."

Biglang may kinakawayan ang kaibigan niya sa mga taong naghihitay sa labasan. Napatingin sa kanila ang puting lalaki, nakangiti. Lumapit sa kanila.

" Hi Flor! "

" Hi Sir!  This is Marianne! "

Tinignan ni Jason si Marianne. Nakangiti siya at iniabot ang kamay sa dalaga.

" Hello Marianne. Welcome to Dubai. How are you?" Ngumiti si Marianne.

" Fine sir. Thank you! "

" Come on, it's hot out here. "

Tinulungan sila ni Jason sa kanilang mga bagahe at isinakay sa dala niyang Range. Pinasakay na sila sa likuran. May kinuha siyang supot at iniabot kay Flor. Dalawang lata ng malamig na soft drinks at tubig.

" Here Flor, take this!" Kinuha ni Flor.

" Thank you sir. "

Pinagmamasdan ni Marianne si Jason. Mukhang mabait nga. Bata pa at nasa 32 pa lang. Maitim na brownish ang maikling buhok. Malinis ang mukha. Matangkad na halos 6" ang taas. Malapad ang dibdib sa t-shirt na suot. Kay Jason nakapokus ang tingin ng dalaga at hindi sa dinadaanan nila.

PUMASOK ang range sa Jumeira Palm Island. Sa ika-tatlong malaking bahay sa kanang hanay huminto. Bumukas ng kusa ang gate na bakal. Pumasok ang sasakyan at tumigil sa harapan ng bahay. Bumaba si Jason at sila na rin. Binuksan ni Jason ang malaking pintong kahoy. Dumating naman ang isang Indianong katulong at tinulungan silang magbuhat ng mga bagahe. Tinitignan ni Marianne ang bahay na titirhan na rin niya. Napakalaki. Malamig sa loob.

" Flor, take Marianne in your room. A bed is prepared already for her. "

" Yes sir." at isang batang babae mag-aanim na taong ang pumasok sa sala. Mahaba ang blondeng buhok, asul ang mga mata at napakaganda.

PATAKBONG sumalubong ang bata kay Jason.

" Daddy!" Umupo si Jason at niyakap ang anak at kinarga.

" Where were you daddy? I miss you!" Hinalikan ni Jason sa pisngi ang anak.

" I went to the airport sweetheart. I fetched your new Nanny and Flor. Here she is, Marianne, your new Nanny!" Tinignan ni Maurice ang dalaga at ngumiti. Nakangiti rin si Marianne sa bata.

" Marianne, this my daughter Maurice. "

" Hi Maurice!"

" Hello!" sagot ng bata at nakangiti pa rin kay Marianne.

" Okay Marianne, go with Flor now and rest for a while. Lunch will be soon. " at lumakad na si Jason. Umakyat sa itaas ng bahay.

Pumasok naman ang dalawa sa kwarto nila. Malaki ang kwarto. May sarili silang bathroom. May closet sila na lagayan ng damit. Malaki ang mga kama. May sarili silang tv. Napa-upo si Marianne sa kama. Nakangiti na. Si Flor naman biglang humigang patihaya sa kama niya at tumatawa

" Ha ha ha.! Espren, ito na ang mundo natin ngayon!"

"Ang bilis ng pangyayari espren. Hindi ako makapaniwala na naririto ako ngayon sa ibang bansa. Kumusta na kaya sina Inang?

Wanted Perfect Nanny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon