Kabanata 9 ... "You're Everything I can't Live Without"

300 11 0
                                    


"You're Everything I Can't Live Without"

---------

Malapit na sina Marianne sa kanilang bahay ng mapansin niyang maraming tao sa kanila. May mga nakaparadang jeepneys sa kanilang tapat.

"Ditse may mga bisita yata tayo." sabi ni Yollie.

"Ay! Sina Nanang Masing at Tata Temo kasama yata ang buong mga pamilya nila. Hi hi hi!" sabi ni Melody.

Bisita nga nila ang kanilang mga pinsan at mga pamilya nila. Habang papalapit sila sa bahay ay naglabasan sa kanilang bahay ang kanilang mga pinsan na natutuwa sa kanilang pagdating. Lahat ay nakatingin kay Jason at Maurice. Sumalubong ang kanilang Nanang Masing at Tata Temo ng nasa tarangkahan na sila ng bakod.

Naunang nagmano sina Yollie at Melody sa dalawang matanda. Kasunod si Marianne.

"Mano po Nanang, Tatang! Salamat po at napadalaw kayo!"
Hawak niya ang kamay ni Maurice na nakangiting nakatingin sa matatanda.

"Kuhh! Ireng mga pinsan mo Anne nabalitaan na mag-aasawa ka na raw sa isang porener kaya naghikayat na magpunta rito para makilala naman namin."

"Sino hong nagbalita? Kararating pa lang po nila kahapon ng hapon!" Tinignan niya ang kanyang Inang na nagmadaling umakyat na sa bahay para maghanda ng iluluto.

"Ang inang mo Anne. Tineks niya kagabi sa akin. hi hi hi! Kaya tinawagan ko na rin ang Tatang Temo mo. Mamaya darating rin sina Nanang Sonia mo at si Nanang Elvie. Kasama rin nila ang ma pamila nila! Siya ba Anne ang mapapangasawa mong porener? Kagwapo naman. Mukhang artista sa haliwud. At parang barbing manika ang anak niya. Hi hi hi!" Sabi ng nanang niya na bumunghalit ng tawa. Labas ang tatlong bungal na mga ngipin sa harapan.

"Hi hi hi! Opo nanang! Siya nga ho pala si Jason at ang barbie ay si Maurice."

"Jason, these are my aunt and uncle. Brother and sister of Inang. And these people are all my cousins, nephews and nieces. This is my big clan and more will come. Hi hi hi" sabi ni Marianne.

Lumapit si Jason sa dalawang matanda na nakangiti at ginaya ang ginawa ni Marianne.

"Manow pow! Manow pow!"

"Aruu! Marunong ng managalog at magalang pa! Hi hi hi!"
Sabi ni Nanang Masing na pinagmano si Jason.

"Tayo na ho sa itaas Nanang Masing, Tatang Temo.

Pumasok sa bakuran sina Marianne. Pumanhik sa balkonahe. Pagpasok sa bahay ay halos puno na ng mga kamag-anak nila. Tumayo ang ibang naka-upo sa mahabang sofang kawayan. Umupo sina Jason at Marianne at nasa gitna nila si Maurice. Lumabas ang inang niya na may dalang tray na may mugs.

"Anne, pasensiya ka na anak. Hindi ko akalain na darating sila ngayon. Kape muna kayo at inihahanda na ang mesa. Tsokolate itong isa para kay Maurice." Sabi ng inang niya.

"Ok lang po inang. Nariyan na yan. At least makikilala sila ni Jason" Kinuha niya ang tray at iniabot ang kape at tskolate sa mag-ama na parehong natutuwa. Pinagtitinginan si Maurice ng mga kapareho niyang mga bata na ang iba ay naka-upo sa sahig na kawayan.

Dumating na rin ang mga kapatid ni Itang at pamilya nila. Nagmano rin sa kanila si Jason ng ipakilala sila ni Marianne.

Sa dami ng mga bisitang kamag-anak nina Marianne ay may gumawa na ng bubong sa harap ng bahay. Mga palapa ng niyog ang kanilang ginamit. Tumulong na rin ang kanilang mga kapitbahay. May nagdala ng mga mahahabang mesa at mahahabang bankong kahoy. Napaaga ang piyesta sa kanila. May kinakatay na dalawang baboy, mga manok at sinisimulan ng litsunin ang isang baboy sa likod ng kanilang bahay. Nagtulong-tulong sila sa paghahanda ng mga panangkap at pagluluto. Dumating na rin ang ibang tiyahin ni Marianne kasama ang kanilang mga pamilya at may mga sabit pang mga kaibigan nila.

Wanted Perfect Nanny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon