"Sorpresa"-------
"ESPREN! Muling sigaw ni Flor.
Nakapasok na siya sa gate ng bakod. Bukas pa ang pintuan ng taxi. Papasalubong si Marianne sa kaibigan. Napatingin siya sa taxi.
Kasunod na bumaba ay si Maurice.
" NANNY!"
Nagulat si Marianne. Nakapasok na sa looban si Flor. Patakbong nilampasan ng dalaga ang kaibigan at sinalubong si Maurice. Niyakap at binuhat. Hinalikan siya ng bata. Hinalikan din niya at pinupog pa ng halik. Tuwang tuwa silang dalawa.
" I miss you Nanny! I love you !"
" Ha ha ha! I miss you too honey and i love you too. You surprises me." Nagulat ang mga Inang at Itang niya at pati ang mga kapitbahay. Naglalapitan sila sa bakod nila at nag-uusyoso. Dungawan ang mga kapatid ni Marianne sa dalawang bintana ng bahay. Pumasok sa gate si Marianne karga si Maurice.
Ibinaba ni Marianne si Maurice. Nakatalikod siya sa kanilang gate. Nakaharap sa kaniya si Flor.
" Espren, kayo lang ni Maurice? " tanong niya nang may marinig siya sa likuran.
"Anne! " Boses ni Jason.
HUMARAP si Marianne. Lalo siyang nasorpresa. Nakatayo si Jason sa may gate ng bakod. Pumasok.
" Marianne! I just can't let you go away from my mind and in my heart. I miss you terribly as much as Maurice misses you. I love you Marianne. I do love you so much that it pained me knowing i hurt you so bad. I am deeply sorry. Em i forgiven Marianne?"
Tinitigan niya si Jayson. Malungkot na malungkot ang mukha. Parang namumula ang mga mata na gustong lumuha. Inunahan niya. Napaluha siya. Parang nawala ang nararamdaman niyang sakit sa puso ngayong nasa harapan na niya si Jason. Kasunod ng pag-agos ng mga luha sa kaniyang mga pisngi ay ang ngiti niya.
" Yes Jason!"
Lumapit si Jason at niyakap siya ng mahigpit. Napanganga ang mga kapatid niya sa kanilang nakita.
Maging ang kaniyang mga magulang ay nagulat. Nagbulungan naman ang kanilang mga kapitbahay. Pero hindi na sila pinansin ni Marianne. Nakangiti siyang lumuluha.
"I love you so much Marianne. Now I know I can't live without you. So I came here to ask your hand from your folks. I want to marry you."
" Oh thank you! I love you so much too. Since I left, it's you I have been thinking. I was hurt. Now that you are here, yes Jason. I will marry you!"
Hinalikan siya ni Jayson sa mga labi.
Napanganga lahat ng nanonood sa kanilang dalawa. May pumalakpak pa. Wala ng pakialam si Marianne.
" Come and meet my folks. " Sumunod si Jason. Umakyat sila sa balkonahe at pumasok sa bahay.
"Inang, Itang siya po si Jason ang employer ko sa Dubai at ang bata ay si Maurice na alaga ko ho." Nakangiti niyang sabi sa mga magulang na nagtataka pa rin pero napangiti na kay Jason.
" Manow pow Inang! Manow pow Itang!" Muntik pa silang mapabungisngis sa tawa. Pinagmano nila.
Nakatingin sila kay Marianne, naghihintay ng paliwanag. Inaasikaso naman ni Flor ang mga dala nilang maleta. Tinginan ang mga kapatid ni Marianne kay Maurice at Jason. Dumami ang mga ususera sa bakod nila.
NASA sala silang lahat at nakaupo si Maurice sa mga hita ni Marianne na tuwang-tuwa. Katabi niya si Jason. Sinabi ni Marianne sa mga magulang ang totoong dahilan ng kaniyang pag-uwi. Kaya hindi na nagtataka ang mga magulang niya kung bakit sinundan siya ng amo.
BINABASA MO ANG
Wanted Perfect Nanny (Completed)
RomanceBuhay at Pag-ibig ay laging magka-ugnayan. Salat ang buhay kung walang pag-ibig. Ang pusong umiibig ay walang pinipili makapiling lamang ang sinisinta sa hirap man o ginhawa.