Kabanata 10 . . . "Paninilbihan ni Jason"

286 7 0
                                    

"Paninilbihan ni Jason"

----------

Tiktilaooookkkk!!!

Napabalikwas si Marianne ng narinig ang tilaok ng manok. Hindi na niya namalayan kung anong oras sila natapos kagabi. Ang natatandaan lang niya ay inayos niya sa higaan si Maurice.

Umupo siya sa kama. Natutulog pa ang kanyang mga kapatid na tabi-tabi sa banig. Marahan siyang humakbang para walang magising sa kanila.

Lumabas siya ng silid. Puno ang sala sa mga nakahambalang natutulog na kamag-anak nila. Sumilip siya sa harap ng bahay. Nakahiga sa mga mesa at upuan ang mga pinsan niyang kalalakihan. Napa-iling na lang ang dalaga. Marami ang nalasing kagabi sa kasarapan ng kantahan nila sa videoke. Pumunta siya sa kanyang silid para silipin ang mag-ama. Marahan niyang binuksan ang pinto.

Nagtaka siya sa kanyang nakita. Nakaligpit na ang higaan ni Jason. Pumasok siya sa silid. Màayos ang pagkakatupi ng mga kumot at kulambo. Nakarolyo na rin ang banig. Nakakabit pa rin ang kulambo sa kama. Inisip niya na baka magkatabi ang mag-ama sa kama kaya nilapitan niya ang kama. Itinaas niya ang kulambo.

Wala si Jason!

Mahimbing na natutulog si Maurice.

"Napagod marahil sa pakikipaglaro kagabi." Sa isip niya.

Hinalikan muna niya sa noo si Maurice at saka na siya lumabas ng silid. Pumunta siya sa kusina. Gising na ang kanyang inang at nagluluto kasama ang iba niyang mga nanang.

"Inang, nakita ho ba ninyo si Jason?"

Hinihiwa ng inang niya ang mga hita ng manok. Habang nagpiprito ng mga isda ang kanyang Nanag Masing.

"Nariyan sa likuran natin Anne. Maagang nagising at sumama sa itang mo sa likod. Hindi pa nga nagkakape."

"Pakitimpla ho ng kape niya inang at hahatiran ko. Sasaglit muna ako sa banyo."

Sa maliit na taniman nila ng mga gulay ay may posong igiban nila ng tubig na ginagamit pandilig sa mga halaman. Habang nagbubungkal si tatang ni Marianne ng lupa sa paligid ng mga halaman ay nagbobomba naman ng tubig sa poso si Jason. Sa bawat napupuno niya ng timba ay kanyang idinidilig sa mga halaman. Halos naliligo na siya ng pawis. Bakat na sa kanyang katawan ang suot na t-shirt. Napapangiti na lamang si tatang kapag dumadaan sa kanyang tabi si Jason bitbit ang dalawang timbang tubig. Gusto man niyang kausapin ay hindi niya magawa kasi hindi siya gaanong makapagsalita ng English pero naiintindihan niya ang ibang sinasabi ni Jason.

Tapos ng madiligan ni Jason ang isang hilera ng mga sitaw ng umupo siya sa papag na kawayan sa ilalim ng isang puno ng kaymito. Napasulyap siya sa bahay at siya namang paglabas ni Marianne bagong paligo at may dalang tray at face towel. Tumayo siya ng malapit na sa kanya ang dalaga.

"Good morning babe. You woke up early."

Inilapag ng dalaga ang tray sa papag at iniabot ang face towel kay Jason.

"Good morning too. I need a little exersice so i went here with itang."

Nagpunas siya ng pawis sa namumula niyang mukha.

Umupo sa papag ang dalawa.

"Babe, did you sleep well last night? I'm sorry about my folks. It's one of our customs to gather and meet the fiancee of our kin."  sabi ng dalaga.

"It's ok babe. Hey, you said yesterday to win the heart of your woman the man should do some tasks."

"Yes! Are you willing to do some tasks for me?"

"Ha ha ha! I already won your heart babe. Ok just for the sake of following your custom, i will do it."

"Hi hi hi! You started already by helping itang."

Wanted Perfect Nanny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon