Katapusang Kabanata ... "Kasal"

461 12 9
                                    

"Kasal"

--------

MAKALIPAS ang dalawang Linggo ay  dumating sina Itang at Inang  kasama ang mga kapatid ni Marianne. Sinundo sila sa airport. Sa arrival area ay panay ang yakap ni Inang kay Marianne. Tuwang tuwa at naluluha sa saya. Kinakamayan naman ni Jason ang Itang niya.

" Hindi kami makapaniwala anak na pupunta kami rito para sa kasal ninyo. Nagulat kaming lahat ng tumawag ka. Masaya ako para sayo Anne! " sabi ng Inang niya.

Yumakap siya sa ama.

" Ditse, ihanap mo rin ako rito ng bf! HI HI HI! " sabi ni Yollie at kinurot siya ni Marianne.

Sumakay sila sa mga sasakyan. Tinginan sila sa labas ng mga bintana ng dumaaan na ang mga sasakyan nila sa London. Ngayon lang sila nakarating sa ibang bansa kaya laking tuwa nilang lahat. 

Pagdating sa Manor ay nag hihintay na sina Sir John at Lady Monette sa labas ng Manor. Ipinakilala ni Marianne ang pamilya niya na mainit namang tinanggap.

ISANG sikat na fashion dress designer ang dumating sa manor. Dumating rin ang mga kamag anak nina Jason. Sinukatan silang lahat ng isusuot na mga gowns at tuxedo. Inihanda na rin ang malaking garden. Naging abala ang lahat.

Sa garden, nakatayo sina Marianne at Jason. Nanonood sila sa rehearsal ng kasal.

"My Marianne, are you happy?"

Humarap kay Jason ang dalaga at yumakap sa kanyang baywang .

" So much my love, thank you! " hinalikan siya ni Jason.

" Ha ha ha! Don't thank me my love. You haven't given me my son yet. "

" Hi hi hi! How many do you want my love?" at muli siyang hinalikan ng buong tamis

SUMAPIT ang araw ng kasal. Nasa garden ang lahat. May dumating na taga media at kinukunan ang kasal. Nagsimula ang martsa. Nauuna si Maurice na nagsasabog ng bulakak sa dadaanan nila. Alalay niya si Flor. Ang ring bearer ay pamangkin ni Jayson, dalawang kapatid ni Marianne ang kasunod at pinsan ni Jason bago si Marianne na inihahatid ni Itang na naka barong Tagalog.
A
Naghihintay sina Jayson sa altar at ang pari. Nakangiti si Marianne, para siyang naglalakad sa ibabaw ng mga ulap. Tanging mukha ni Jason ang kanyang nakikita. Iniabot ni Jason ang kaniyang kamay.

" Salaymat Pow Itang " sabi niya.

At humarap na silang dalawa ni Marianne sa pari.

Palakpakan lahat ng matapos na ang kasal. Nakaharap si Marianne kay Jason.

" MY LOVE, now i know. You were not looking for a perfect Nanny but a perfect wife and i'll be perfect for you for the rest of our lives. I love you so much!"

" My beloved i will always love you too for the rest of our lives. I love you so much my Perfect Nanny!" hinalikan siya sa mga labi...!

---------

Pitong  buwan ang lumipas, sarado ang daan sa tapat ng bagong malaking bahay nina  Marianne. May sampung mga mahahabang tolda sa daan na sinisilong ang mga mahahabang mesa na may iba't ibang putaheng ulam at inumin sa ibabaw. Maging sa loob ng tapat ng bahay ay may malaking tolda. Isang mahabang mesa ang nakahanda na may masasarap na pagkain sa ibabaw. Sa gitna ay isang malaking cake na pitong patong. Sa ibabaw ng cake ay may dalawang figurines na nakasuot ng damit pangkasal. Sa gilid ay isang orchestra ang tumutugtog. Dalawang sikat na caterers ang nagsisibi ng mga masasarap na pagkain.

Sa likod ng bahay ay nililitson ang sampung baboy at isang baka. May inilulutong ulam din sa mga malalaking kawa na pinagtutulungang lutuin  ng mga ibang kamag-anak at kapitbahay ni Marianne.

Tumunog ng mabilis ang malaking kampana tanda ng tapos  na ang engrandeng kasal na ginanap sa loob ng simbahan.

"Palakpakan po natin ang mga bagong kasal na sina Sir Jason at Lady Marianne." Sabi ni father na nakangiti.

Magkaharap ang dalawa. Halata na ang tiyan ni Marianne na mahigit na sa anim na buwang buntis.

Nagpalakpakan ang mga tao. May mga pumipito pa. Kislapan ang mga flash bulbs ng mga cameras at ilaw ng mga video  cameras. Sa kaliwang mga upuan ay  nakatayong pumapalakpak  ang mga magulang nina Jason at Marianne. Umiiyak sa tuwa sina Inang at Itang. Kasunod nila ay si Flor na umiiyak sa tuwa habang pumapalakpak. Katabi niya si Maurice na nakangiting pinagmamasdan ang dalawa sa altar.

Katabi rin nila ang mga kapatid na babae ni Marianne na naging abay muli. Sa kanang mahabang  upuan ay ang mga ninang kabilang ang principal ng dating pinagtuturuang eskwelahan ni Marianne. Katabi nila ang mga ninong kasama ang mayor na ama ni Jonathan na nasa loob rin ng simbahan. Natanggap na  niya ang pagkabigo kay Marianne. Kasama niya ang kanyang dating kaklaseng babae na ngayon ay gf na.

Nasa upuan din at pumapalakpak ang mga kamag-anak ni Marianne at mga pinsang babae at lalake  ni Jason na gustong makita ang kasal ng dalawa. Sa likod nila ay ang mga gurong kasamahan ni Marianne sa eskwelahan at ang mga dating estudyante niya.

Habang nagpapalakpakan ng malakas ay muling hinalikan ni Jason sa mga labi ang kanyang asawa.

"Mommy! Daddy!" Sigaw ni Maurice at patakbong umakyat sa altar. Yumakap siya sa dalawa. Lalong lumakas ang palakpakan at tumatawa pa sila sa nakikita nilang eksena. Binuhat ni Jason si Maurice at sabay siyang hinalikan sa pisngi ng dalawa.

Masaya silang lahat lalo na si Marianne na dating isang Nanny ay kinikilala na ngayong si Lady Marianne Bradford ng buong bansang Englatera.

*******

Wakas Na Ho!

*******

Maraming salamat po sa inyo. Kayo ang inspirasyon ko why nagsusulat ako. As long as napapasaya ko kayo at sa konting sandali ay nalilimutan ninyo ang mga problema dahil sa pagbabasa ay masaya na ako.

Tito Rudy

This story is copyrighted.

Email: vrudy02753@gmail.com

Wanted Perfect Nanny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon