Kabanata 6 ... "First Kiss"

335 7 0
                                    

"First Kiss"

-----------

MASARAP na ang tulog ni Maurice ng bumaba si Marianne para maligo. Pagpasok sa kwarto nila ay naabutan niyang may kausap sa phone si Flor. Kumuha siya ng mga gamit ng mag-ring ang kanyang cp.

" Hello"

" Hello Marianne. I am sorry kanina. Si Jimmy ito." Namula si Marianne sa inis.

" Hindi ka ba marunong umintindi?" Pasigaw na sagot ng dalaga.

Napatingin sa kaniya si Flor.

"Nakikipagkaibigan lang naman ako. Ang taray at suplada mo naman"

" E anong pakialam mo? Sino ka ba para harapin ko?"

"Parang hindi ka Kabayan."

"Depende yan sa pakikipag kaibigan . Kaya mabuti pang tigilan mo ako. Wala akong interest na makipag kaibigan sayo. Tapos" Pinatay niya ang cp at inihagis sa kama.

"Espren, sinong kausap mo?"

" E di yung mayabang kanina espren. Ayaw akong tigilan. Nakapagpabili ka na ba ng bagong sim card?"

"Kanina pa espren. Wait na lang tayo kay Majid"

Pumasok siya sa bath room. Makalipas ang halos isang oras ay lumabas . Nagri-ring pa rin ang cp sa kama. Hinayaan niya hanggang sa huminto. Kumuha siya ng suklay at umupo sa kama at nagsusuklay ng mag ring ulit ang cp. Dinampot niya at pasigaw na sumagot.

" ANO KA BA? HINDI KA BA MARUNONG UMINTINDI?"

" Hello Marianne. What's wrong with you? Are you mad at me?"

Napatulala si Marianne.

" Sir, sorry sir! "

" Then why are you shouting? "

" Flor and i are having a drama sir! "

" Ohh, i forgot to tell you, tell Majid to fetch me at the airport at 4pm on Wed. Okey? "

" Yes sir. Sorry again sir! "

" It's all right. Good night Marianne. Bye!"

" Bye sir!" Nakatingin sa kanya si Flor at napabungisngis ng tawa. Naihagis niya ulit ang cp sa kama at napangiti.

HABANG naka-upo si Marianne sa kama at pinagmamasdan si Flor na nakikipag usap sa phone ay nakararamdam pa rin ng paninibago ang dalaga. Hindi pa rin siya gaanong nakapag-adjust lalo na biglaan ang kanyang pagpunta rito sa Dubai.

Naalala niya ang kanyang mga magulang at kapatid. Naka-usap na niya ng ilang beses ang kanyang Inang at Itang. Ilang messages na rin ang kanyang natanggap at naipadala sa mga kapatid. Aminado siyang malaking halaga na rin ang sahod niya na kailan man ay hindi niya nasasahod bilang guro. Hindi niya ngayon alam kung ano ang kulang sa buhay niya. Natutuwa naman siya sa kaibigan. Tila nangingislap ang mga mata habang kausap ang hindi pa niya alam kung sino. Naisip niya si Jason. Kailangan niyang umiwas. Pero hindi alam kung papaano. Napapalapit siya ng husto kay Maurice.

ARAW ng Miyerkules, aligaga si Marianne. Hindi siya mapalagay. Parang kinakabahan siya o nananabik. Kahit kasama niya si Maurice ay nasa malayo ang isip niya. Hindi naman napupuna ng bata dahil abala ito sa paglalaro na hinahayaan niya. Paminsan-minsan ay tumutulong siya sa pag-aayos at paglilinis ng bahay lalo na ang silid ni Maurice. Narinig niya ang tunog ng sasakyan sa ibaba. Gusto niyang tumayo para tignan kung sino ang dumating pero hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa. Malakas ang kaba ng kanyang dibdib.

" Siya na kaya ang dumating?" bulong ng dalaga.

WALANG KIBO si Jason mula ng dumating siya. Gusto niyang utusan si Majid na bilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan pero atubili siya. Para siyang nanabik maka-uwi. Aminado siya sa sarili na laging wala siya sarili nang nakikipag meeting siya sa London. Pagkahinto ng sasakyan sa harap ng bahay ay kaagad siyang bumaba. Iniwan ang mga dala niya. Pagpasok sa bahay ay binati siya ng mga kasambahay at ni Flor. Tumango lang siya.

Wanted Perfect Nanny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon