Nadine Hernandez
After nung pagpapa-beauty naming nag-decide kami kumain dahil na rin sa tanghali na rin. Nandito na kami ngayon sa Aristocrat restaurant tapos yung mga pinamili naming ay nakakalat sa ilalim ng mesa namin. Tumitingin kami ng menu para mamili kung anu ang gusto naming kainin.
"How about Yung group meal na lang good for three?" suggest ni Becs
"Oh sige pwede n rin" walang ganang pagsasang-ayon ko.
"Sige tawag tayo ng waiter" sabi ni France
"Nads kaka-RNR lang natin ah, bakit ang lungkot mo pa rin?" tanong ni Becs
"Wala lang" sabay kibit-balikat
Tumitingin ako sa menu when something or better yet someone caught my eye. Sa may kabilang dulo ng restaurant, hindi naman kalayuan, nakita ko siya, well hindi ko sure kung siya nga pero kamukhang-kamukha niya talaga eh.
"Oh shit!" Napamura ako ng hindi oras.
Tinakpan ko ang sarili ko gamit ang menu tapos bumaba ng kaunti sa upuan ko. Sinisilip ko paminsan-minsan siya at ang kasama niyang babae.
"Uy girl anung nangyari sa iyo?" narinig kong tanong ni Becs
"Ano ba ito bakit dito pa? Bakit ngayon pa?" Hysterical kong tanong sa sarili ko
"Uy Nadine, bakit anung meron?" tanong ulit ni Becs.
"H-Huh? Ano?" natatarantang sabi ko
"Anong meron? parang nakakita ka ng multo" pabirong sabi ni France, "at umayos ka nga ng upo"
Sinunod ko siya pero tuloy pa rin ako sa pagtago ko. Yumuko ako habang tinatakpan ang sarili ko ng menu.
"Ano ba ang pinagtataguan mo ha Nads?" tanong ni Rebecca
"Hindi ano...sino" sabi ko
"Eh di SINO and tinataguan mo?" tanong ni France
"Yung lalaki" sagot ko
"Sinong lalaki?" – France
"Yung lalaki....kagabi...sa bar" alanganin kong sabi
"Oh si papa yummy nandito, na saan na saan?" napatayo sa tuwa si France at naglinga-linga sa restaurant
"Pssst....umupo ka nga France" utos ko sabay hila sa kanya pababa
"Sure ka ba girl nandito? As in nandito siya sa restaurant na ito?" tanong ni Becs at halata natutuwa rin ang loka kung makangiti unti na lang mapupunit na ang mukha niya.
"Oo sure ako Becs. Nasa kabilang sulok siya malapit sa salamin" sabi ko
Lumingon yung dalawa para makita tapos biglang kinilig at nagpipigil ng sigaw
"Ayyy gurl nandyan ngaaaaa" kinikilig na sabi ni France
"Oo ngaaaaaa" pagsang-ayon ni Becs
"SSSSHH...manahimik nga kayong dalawa dyan, parang kayo mga kiti-kiti dyan." Inis kong sabi
"EEHHH....nandyan ksi sya eh" malanding sbi ni France.
"Pero bakit siyang may kasamang ibang girl?" pagtatanong ni Rebecca
"Oo nga noh," sabi ni France ng mapansin nya ito "Tara Becs upakan nga natin"
"PSST...magsitigil nga kayo" suway ko sa kanilang dalawa, habang hirap na hirap akong tumatago behind the menu na hawak ko.
"Eh, ano ba ang problema Nads kung andito siya?" hudyat ni becs sa akin
"Eh, basta manahimik na lang kayo, pwede ba?" inis kong sagot. Bakit ang tagal nman dumating ng pagakin nmin? Sana dumating na at para makaalis na rin kmi dito.

BINABASA MO ANG
Et Statis - ON HOLD
Teen FictionShe's a nobody to him and his a nobody to her. They're both strangers to one another who is just in the mode to have fun, and if ever something might happend and turns out to be something more. Well that's there problem. But what if it turns out to...