Ganun pala ang nangyari

8 0 0
                                    

Nadine Hernandez

"We've been waiting for you" kinabahan ako ng biglang may nag-salita sa dilim

Madali kong pinindot ang switch ng ilaw ko at nakita ko sina France at Rebecca nakaupo sa sofa, nanakadikwatro with there arms crossed. Lumuwag ang dibdib ko ng mapagtanto ko na ang dalawang magagaling na kaibigan ko lang naman pala iyon

"You guys almost gave me a heart attack" bulyaw ko sa kanila

"Where have you been?" mataray na tanong ni Becs, ay anong meron?

"Saan ka nanggaling?" tanong ulit ni France habang hinahaplos ang ulo ni Cassie na nakaupo sa tabi niya

"Inulit mo lang yung tanong ni Becs eh" sabi ko kay France, tinaas niya lang ang kilay niya "Bakit ba kayo nandito, ha?"

"Sa tingin mo bakit kaya?" balik-tanong sa akin ni Becs

"Aba! Ewan ko kaya nga tinatanong ko kayo eh" inis kong sabi na kapameywang na rin ako, umirap si Becs sa akin pero napansin pa rin ng mga mata ko ang tumulong luha sa pisngi niya "Oy, Rebecca bakit ka umiiyak diyan?"

"She was worried about you" sagot ni France, "kanina ka pa naming tinetext hindi ka naman nagrereply"

Nagtaka naman ako kasi wala naman akong narereceive na text galing sa kanila, "Ha? Anung nag-text? Eh wala naman akong –" sinilip ko ang phone ko na nasa kamay ko pa rin, at ayun nga may mga unread messages na galing kayla France at Rebecca, Hala bakit hindi ko ito napansin kanina? Naging lutang ata ang utak ko ng nagdadate kami ni Clark.

Nabigla ako ng yumakap si Becs sa akin, habang umiiyak pa rin. Bilis niyang makarating naman dito, tinap ko ang likod niya para patahanin na siya at hindi na ako masyadong makahinga sa sobrang higpit ng yakap niya.

"Ah Becs...can't breath" lumuwag ang yakap niya at lumayo na sa akin nakahawak siya sa may balikat ko habang ako kinuha ko ang panyo sa bag ko at pinunasan na ang luha naya, "Tahan na Becs, pumapanget ka lalo" biro ko sa kanya, ngumiti naman siya ng bahagya

"Saan ka ba kasi nang galing? Nung hindi ka namin macontact....*sobs*....sobra mo ako pinag-alala" mangiyak-iyak niyang saad

"SHHH... tahan na nandito na ako di ba? Kaya tahan na Becs okay" pagcocomfort ko sa kanya

"At dahil okay na tayo...Group Hug!" sigaw ni France, nag-group hug nga kami "So mind explaining na kung saang lupalop ka galing ha, ikaw bruhilda ka?" taray niyang bulyaw sa akin, maka-bruhilda itong baklang ito ah, ganda-ganda ko kaya

Humiwalay ako sa kanila at naupo sa sofa, sumunod naman sila sa akin at umupo sa tabi ko. I took a deep breath at mahinahong sinabi ang sasabihin ko.

"Galing ako sa isang date" I slowly said

"What?!"

"Ano?!"

Sabay na sigaw nila France at Becs, napatakip pa ako ng tenga sa sobrang lakas ng sigaw nila, grabe makasigaw lang.

"SHHHHH...keep your voices down, gabi na oh" suway ko sa kanila

"Bakit? Saan? Sino?" sunod-sunod na tanong ni Becs

"Dahil gusto ko at wala na talaga akong magawa dito sa unit ko, sa Manila Ocean Park kami galing, at...." Nag-aalanganin ako kung sasabihin ko ba

"Sino ang kadate mo?" mapumilit ni France sa akin

"Si...." I trailed off

"Si?" ulit ni Becs

"Si...Clark" finally kong sabi, pumikit ako at hinintay kung ano man ang gagawin nila dinilat ko ang isa kong mata at nakita ko nakatulala lang ang dalawa sa akin, dinilat ko na rin ang kabila kong mata "mukha niyo guys parang ewan" asar ko

Et Statis - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon